Pagpupunyagi (Kuwento ng Buhay ni Elmer Festin)
Posted on Thursday, 15 June 2017
Happy Fathers’ Day!
Pagpupunyagi
(Kuwento
ng Buhay ni Elmer Festin)
By:
Apolinario B Villalobos
Ang landas ng buhay
na ating binabagtas
Mahirap tahakin lalo
na kung tayo’y nakayapak -
Mga lubak na hindi
mapansin ay ating natitisod
Matatalas na batong di
maiwasan ay nayayapakan
Pati tinik ng dahong
mariang sumusugat sa ating talampakan.
Ang taong hindi handa
sa pagtahak nitong landas
Sa ilang hakbang pa
lamang niyang magawa -
Kahihinaan na ng loob
at pangangatugan na ng mga tuhod
Hindi malayong
babalik sa pinanggalingan
Di kaya’y
mangingipuspos at sasalampak na lamang sa daan.
May isang taong sa
murang gulang ay naglakas-loob
Nagpakatatag at
taimtim na nagdasal sa Panginoon
Na harinawa sa
paglisan sa sinilangang Bantoon, isla ng Rombon
Patnubayan siya sa
kanyang paglayag at tatahaking landas
Bigyan din ng malinaw
na pag-iisip at katawang malakas.
Masakit iwanan ang
isang bayang tulad ng Bantoon
Islang animo’y tuldok
sa mapa ng Romblon
Di man pansinin,
ito’y mahalagang itinuring
Ng mga Kastilang
dumating noong unang panahon sa ating bansa
Kaya’t sa aklat ng ating
kasaysayan siya’y naitala.
Ito ang kuwento ng
buhay ni Elmer Festin
Isang taong may
ngiting agad mapapansin
Napadpad sa Cebu kung
saan siya’y nahikayat
Suungin ng buong
tapang, masalimuot na buhay –
Na wala namang pag-atubili
at matatag niyang hinarap.
Ilang taon din siyang
dito ay nagturo
Naglinang ng dunong
ng mga kabataan
Hanggang sa siya ay
kawayan ng kapalaran
Na nangako sa kanyang
sa dakong katimugan
Siya ay makakatamo ng
pinapangarap na kasaganaan.
Dala ay kakaunting
pera na sa bulsa ay kakalog-kalog
Pilit winaglit ang
pag-aalala at takot sa dibdib na kakabog-kabog
Hindi rin alintana
ang mga tuhod na nangangatog
Siya ay naglakas-loob
na pumalaot at tumango’ sa tawag ng kapalaran -
Ipinasa-Diyos na
lamang, magiging bunga ng kapangahasan.
Sa Notre Dame, sa
Tacurong siya ay napadpad
Paaralang sa bayang
ito ay pinagkakapitagan
Limang mga gusali
nang panahong iyon ang kanyang nadatnan
Pinangangasiwaan ng
mga pare at madre na Oblates of Mary
kung tawagin
At katulad ni Elmer,
pagtulong sa kapwa ang sinusunod na adhikain.
Nakitaan siya ng
kakaibang sigla sa pagturo
Dahil hindi lang sa
mga aklat, mga estudyante niya ay natuto
Naibahagi rin niya
ang kaunti niyang kaalaman
Pati sa gymnastics na
para sa mga estudyante’y bagong larangan
Kaya napasigla niya
ang dati’y matamlay na kapaligiran.
Anupa’t si Elmer ay
nakilala hindi lang sa loob ng Notre Dame
Dahil ang galing niya
sa pagturo, sa iba ay nakatawag pansin
Kaya nang magkaroon
ng Polytechnic Institute sa bayang ito
Binuksan nila para sa
kanya ang kanilang pinto
Upang makibahagi sa
kagalingan ng kanyang pagturo.
Sa bago niyang
malawak na kapaligiran at hitik sa iba’t ibang halaman
Lalo pang sumidhi ang
kanyang hangad na makahubog ng kabataan
Hindi naman nasayang
ang marangal niyang adhikain
Dahil taos-pusong
pasasalamat ay kanyang naramdaman at natanggap
Mula sa mga
estudyanteng binigyan niya ng pag-asa ang mga hinaharap.
Natupad ang pangarap
ni Elmer na maibahagi ang kanyang kaalaman
Napatunayan niya na
kakapusan sa pera ay hindi hadlang
Hindi rin nasayang
ang kanyang pagpunyagi magmula pa sa kanyang kabataan
Kahi’t sa pagtahak niya
sa landas ng buhay siya’y nakayapak lamang
Dahil alam niyang sa
dulo nito’y mayroong walang hanggang kapayapaan.
(Si
Mr. Festin ang nagbigay ng pagkakataon sa may-akda upang mahasa niya ang
kanyang kakayahan sa pagsulat. Hinirang siya ni Mr. Festin bilang patnugot ng
“The Green Ember”, pahayagan ng high school department ng Notre of Tacurong
noong 1966, kahi’t siya ay nasa first year pa lamang. Ang tiwala at dagdag
kaalaman sa pagsulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Festin ang naging kasangkapan
niya sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay. Kulang ang mga kataga ng tula upang
maipadama ng may-akda ang taos-pusong pasasalamat.)
Discussion