Hindi Dapat Ikahiya ang mga Trabahong Housekeeper, Domestic Helper at Caregiver sa Abroad
Posted on Saturday, 24 June 2017
Hindi Dapat Ikahiya Ang Mga
Trabahong Housekeeper, Domestic Helper at Caregiver sa
Abroad
Ni Apolinario Villalobos
Hindi dapat mahiya ang mga titulado o professional o mga
galing sa mayamang pamilya sa Pilipinas na naging housekeeper sa ibang bansa
dahil ang kaalaman nila sa pagsalita ng Ingles at pag-asikaso ng bahay upang
maging maayos, pati pagluto ng iba’t ibang pagkain ang tama at angkop na
kaalaman sa trabahong nabanggit. Bago naging sikat ang mga Pilipino sa
pag-asikaso ng mga elders at pag-manage ng mga bahay at gardens sa Amerika, ang
palaging hinahanap ng mga kliyente ay mga Britons o British. Sila ang mga
kinukuha bilang “mayordomo”, “butler” at “nanny” dahil mga edukado sila.
Sa Amerika, ang mga anak ng mayayamanng business moguls ay
nagtatrabaho bilang receptionists, food attendants, dishwashers, hotel staff,
at iba pa, pagtuntong nila sa edad na 18 taon. Ang mga nabanggit din ang
ginagawa ng mga artista sa Amerika na nagsisimula pa lang, kung wala silang
available na assignment.
Ang pamilya ng mag-asawang artistang Pilipino na sina Eddie
Guttierez at Annabel Rama ay nagtinda ng mga kaldero sa Amerika, mamahaling
klase nga lang. Nagtiyaga silang kumatok sa mga bahay upang mag-alok ng
kanilang mga paninda….at hindi nila ikinahiya ito dahi palagi nilang
binabanggit ito sa mga interbyu nila nang magbalik-pelikula sila sa Pilipinas.
Ang mga pinagmamalupitang mga domestic helper sa Middle East
ay mga Pilipinong kulang ang kaalaman sa pagluto at paglinis ng mga bahay dahil
hindi sila familiar sa mga kasangkapan ng kanilang amo. Yan ang dahilan kung
bakit pumasok sa eksena ang TESDA na nagti-train at nagsi-certify ng mga
domestic helpers na pupunta sa Middle East at ibang bansa. Samantala, noon pa
man ay marami nang mga Filipino professionals na nagtatrabaho sa Amerika at
Europe bilang caregiver, nagmama-mange ng bahay at gardens at personal
secretary at cook ng mga kilalang tao.
DAPAT TANDAANG HINDI NAKAKAHIYA ANG ANUMANG TRABAHO BASTA
HINDI NAKAKALAMANG SA KAPWA, LALO NA ANG PAGNANAKAW AT PAGBEBENTA NG DROGA!
HANGAL AT UNGAS ANG MGA PILIPINONG IKINAHIHIYA ANG MGA KAANAK NA NAGTATRABAHO
SA ABROAD BILANG DOMESTIC HELPER, WAITER, CAREGIVER, DRIVER, ETC! ANG HINDI
NARARAMDAMAN NG MGA UGOK NA ITO AY ANG SAKRIPISYO NG MGA NANDOON NA NAGTITIIS
SA LUNGKOT DAHIL NAPALAYO SILA SA MGA MAHAL NILA SA BUHAY! MAKAPAL ANG MUKHA NG
MGA HANGAL, UGOK AT UNGAS NA ITO DAHIL UMAASA DIN NAMAN SILA AT NAKIKINABANG SA
PINAGPAGURAN NG MGA IKINAHIHIYA NILA!!!!!!
Discussion