Ang Mga Taong Isinusulat Ko ang Kuwento ng Buhay
Posted on Saturday, 24 June 2017
Ang Mga Taong Isinusulat Ko ang Kuwento ng Buhay
Ni Apolinario Villalobos
Kaya ako nagsusulat ng mga kuwento ng buhay ng mga tao ay
upang magsilbi silang inspirasyon sa iba. Kung mapapansin, sila yong mga
nagsimula sa “ibaba” hanggang umangat o umasenso. Sila rin yong mga hindi
nahihiyang magtrabaho kahit galing sa may sinasabing pamilya o mayayaman. Sila
yong mga nagsikap upang makatapos ng kolehiyo kaya pumasok na student
assistants sa pinapasukan nilang unibersidad o kolehiyo. Sila rin ang mga
naghahabol ng schedule ng klase mula sa mga pinapasukang food outlets tulad ng
Jollibee at MacDonalds, at iba pa.
Ang iba pang mga naisulat ko na ay naging biktima ng
pagkakataon kaya “kumapit sa patalim” upang mabuhay o di kaya ay nagsakripisyo
para sa pamilya. Mayroon ding mga pari at pastor na MABABAIT at karapat-dapat
na tawaging mga pastol na Itinalaga ng Diyos sa mundo upang gumabay sa mga
Kristiyano.
Hindi ako basta-basta nagsusulat lang dahil PINIPILI ko ang
mga taong bina-blog ko….mga karapat-dapat na nakaka-inspire ang buhay. Ang
problema ay ang mga HYPOCRITE na kaanak ng mga taong dapat ay maging
inspirasyon ng iba dahil sa pagsisikap nilang kumita para sa pamilya kaya
nangibang bansa, at ang iba ay na-rape pa nga….IKINAHIHIYA KASI NG MGA WALANG
UTANG NA LOOB NA ITO NA ANG MGA KAANAK NILA SA ABROAD AY HINDI MANAGER NG
OPISINA KUNDI HOUSEKEEPER, YAYA, GARDEN CLEANER, CAREGIVER, ETC. Ang mga nahihiyang magbanggit man lang ng uri
ng trabaho ng mga kaanak sa abroad ay mga UGOK AT MAKAKAPAL ANG MUKHA dahil SOBRA-SOBRANG umaasa din pala sa mga padala ng mga nasa
abroad!
Discussion