Mga Kaartehan ng mga Pilipino
Posted on Saturday, 3 June 2017
Mga Kaartehan ng mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos
Walang masama o problema kung mag-iinarte man ang isang
Pilipino….kung kaya niya dahil super rich siya o di kaya ay may kakayahan man
lang. Pero kung wala naman…siya ay isang mapagkunwaring wala sa ayos, kaya wala
siyang karapatan. Ang mga maarte na wala namang karapatan ang sumisira sa
magandang imahe ng Pilipino sa mata ng mga dayuhan, dahil unang-una, karamihan
ng mga Pilipino ay mahirap kaya dapat sana, kung ano ang kaya ng bulsa ay
siyang ipakita….huwag magmaang-maangang super rich ganoong sa iskwater
nakatira, o di kaya ay huwag mag-iinarteng hindi kumakain ng tuyô ganoong, isang beses lang sa
isang araw ang kayang kainin sa bahay.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaartehang napansin
ko, pero binubulag-bulagan naman ng karamihan….ANG TAMAAN AY HUWAG MAGALIT:
·
Ayaw kumain ng NFA rice ang karamihan ng mga
Pilipino dahil hindi puting-puti ang mga butil at hindi pa mabango…. ganoong
halos wala na ngang pambili kahit isang kilo man lang na ordinaryong bigas! May
amoy daw ang NFA rice…isang katarantaduhang dahilan…bakit? wala bang tubig na
panghugas? Kung isang kahig-isang tuka ang kalagayan sa buhay, bakit hindi
mag-adjust tulad ng pinahihiwatig ng kasabihang, “matutong mamaluktot kung
maikli ang kumot”?
·
Ayaw mamili ang ibang Pilipino sa ukay-ukay
dahil nakakahiya daw kapag nakita ng kapitbahay o kaibigan kaya dapat ay sa mga
boutique ng branded na damit sa mga malls lang upang hindi masabing
“naghihirap” na! Ang mga isinusuot sa katawan ay may binabagayan, at ang mga
nasasalubong ay hindi sumisilip sa brand tag na nasa kuwelyo ng damit. Kung ang
isang tao ay kilalang talagang mahirap, pagsuutin man siya ng tig-sampung
libong pisong damit, tingin sa kanya ay nakasuot pa rin ng tig-20pesos ang
halaga! Subalit meron talagang maski hindi natin kilala, hindi nababagayan ng
damit na alam nating galling sa mall. ANG KATOTOHANAN AY, ANG MGA ORIGINAL NA
BRANDED NA DAMIT AY SA MGA UKAY-UKAY LANG MATATAGPUAN, MALIBAN SA AUTHENTIC AT
AUTHORIZED NA MGA OUTLET.
·
Maraming Pilipino ang ayaw kumain ng gulay dahil
hindi daw sila “natutunawan”. Kung di ba naman mga tanga at bobo! Ang mga hibla
o fibers ng gulay ay talagang hindi natutunaw kaya nagsisilbi silang “walis” sa
loob ng bituka upang tayo ay makadumi o makatae nang maluwag tuwing umaga! Ang
katotohanan ay ayaw nilang magkaroon ng impression ang kapwa nila na sila ay
mahirap kaya gulay lang ang kayang kainin! Ang katarantaduhang ugaling yan ng
mga hangal na mga magulang ay ginagaya tuloy ng mga anak na naii-spoil sa
pagkain ng hotdog, tocino, spaghetti, etc…kaya pagtanda nila, nag-uunahan ang
kanser, diabetes, at sakit sa bato sa pag-develop sa katawan nila.
·
Ang gusto ng ilang magulang ay sa kilalang mga
unibersidad o kolehiyo mag-aral ang mga anak sukdulan mang ipangutang nila ng
pang-matrikula upang sigurado daw na makapagtrabaho agad pagka-graduate. Tanga
ang mga magulang na may ganitong pananaw. Kahit sa mga ganoong uri pa ng
paaralan nagtapos ang mga anak nila, KUNG LIKAS ANG KABOBOHAN, O TALAGANG BOBO
hindi pa rin sila matatanggap sa mga inaaplayan
dahil sa IQ tests na ibinibigay ng mga kumpanya. Hindi nakakatulong ang
pangalan ng unibersidad o kolehiyo na nakalagay sa diploma kapag nag-aaplay ng
trabaho, lalo pa’t pagdating sa interview ay bulol sa Ingles. Bistado ang
ginagawa ng maraming estudyante na pag-plagiarize ng nire-research nila sa
internet upang makapag-submit lang ng thesis. Alam ko yan dahil nag-eedit ako
ng mga thesis ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga prestigious universities na
hindi ko na lang babanggitin dahil nakakahiya sa mga kaibigan kong nag-aral sa
mga iyon.
·
Ang ilang Pilipino ay ayaw kumain ng tuyô o sardinas dahil allergic
daw….pero pamasahe nga lang sa pagpasok sa trabaho ay inuutang pa o di kaya ang
ATM ng pension o suweldo ay nakasangla!
·
Ang isang kaartehan ng maraming Pilipino na
hindi maintindihan ay ang pagtitira ng pagkain sa pinggan kahit dalawang
kutsara na lang, kanin man o ulam…..BAKEEETT?!...FOR THE GODS BA? O TALAGANG
KAYABANGAN LANG!....ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS….DAHIL
SA “GABĂ”, O “BAD KARMA”.”
Ang hindi alam ng mga hinayupak na ito ay apektado ang buong populasyon ng
Pilipinas ng maaksaya nilang ugali dahil
kung iipunin ang mga inaksaya nilang kanin ay aabot sa kung ilang libong
toneladang sa loob ng isang taon!
·
Karamihan pa rin ng mga Pilipino ay pinipili
ang “makinis” o “makintab” na gulay sa
palengke tulad ng talong at kamatis. Ang hindi nila alam, kaya nagkikintaban at
nagkikinisan ang mga iyan ay dahil inilublob sa kemikal upang magmukhang sariwa
kahit sa loob ng isang linggo, pero ang laman ay bulok na! ….yan ang ginagawa
sa Maynila, pero sa mga probinsiya ang modus ay pag-ispray ng chemical sa
bagong naaning gulay upang magmukhang NAPAKASARIWA kapag ibenenta sa palengke.
Ang mga hindi hindi inilublob sa kemikal o inispreyhan ay nagmumukhang lanta
pagkalipas ng isang araw, subalit may sustansiya pa rin….subalit iniisnab naman
ng mga maraming Pilipino.
·
Ayaw kumain ang maraming Pilipino ng maliliit na
isda tulad ng tamban, dilis, galunggong, at iba pa dahil pang-mahirap lang
daw….ugali yan ng mga mahihirap na ipokrito. Bibili sila ng malalaking isda na
pang-isang beses na kainan, at sa mga susunod na araw ay nakanganga dahil wala
nang pera!
Napakarami
pang kaartehan ang napakaraming Pilipino kaya hindi sila umaangat mula sa
mahirap nilang kalagayan….na isang kahig-isang tukâ. Pero, ang nakakatawa ay nagtataka pa sila kung bakit
hanggang sa katandaan ay mahirap pa rin sila. AYAW KASI NILANG MAGPAKATOTOO!...palibhasa
ay mga tanga at bobo!...kapag hindi pa sila nagising sa mga sundot ko na yan,
ibig sabihin ay manhid din sila….wala nang pakiramdam dahil sa kasanayan sa
pagkukunwari!
Discussion