Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas
Posted on Friday, 3 July 2015
Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay
Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos
Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa
pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally
sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni
Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig
na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na
umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito
(Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay
na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba,
bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung
umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?
Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol
nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa
kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili
sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang
ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng
presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa
operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng
utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong
eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit
natalo naman.
Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa
sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas
sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging
presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang
ngayon ay hindi ibinibigay.
Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit
inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang
mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn
na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa
maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least,
nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano
niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga
mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at
mga tauhan nito mula kay Binay.
Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang
bigyan ng limos. Tumanda na siya sa sa
pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay
walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!
Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha
ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap
dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga
na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.
Discussion