Showing posts with label Binay. Show all posts

0

Ang isyu sa Dagdag-Pensiyon at si Binay...kung suwertihin nga naman!

Posted on Friday, 15 January 2016

Ang Isyu sa Dagdag-Pensiyon at si Binay
…kung suwertehin nga naman!
Ni Apolinario Villalobos

Ngayo’y may taong masaya, abot tenga ang ngiti
Dahil umaayon ang mga pagkakataon sa kanya
Hindi man siya mag-ingay o magsalita sa radyo
Tiyak lilipat ang pansin sa kanya ng mga Pilipino.

Ang kay tagal inasam-asam na dagdag sa pensiyon
Pag-asang hinintay at kung ilang taong pinagdasal
Na sana ay makamit dahil ito nga ay napakahalaga
Subali’t sa isang pirma lang ito ay nalusaw - nawala!

Si Binay ay napakasaya, si Mar nama’y natataranta
Paulit-ulit man niyang banggitin ang “daang matuwid”
Kulelat pa rin kaya nahihilo’t walang malamang gawin
Dahil mga Pilipino… sa kanya ay hindi na pumapansin!

Bakit o bakit, hindi man lang ito naisip ng isang tao -
Na patung-patong na ang mga kapalpakang ginawa?
Ang maliit na halagang ipinagkait sa mga pensiyonado-
Ay magiging bangungot at laging nakabuntot na multo!

Nakalimutan ba nila na ang alas ni Binay ay mga senyor?
Nakalimutan ba nilang may free birthday cake sa Makati?
At ito ay ibinibigay sa mga senior citizen tuwing bertdey?
Ngayon, sino baga ang naalimpungatan….?
Eh, di si Mar at may-akda ng “tuwid na daan”!


0

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe...so it resorted to the adoption issue

Posted on Saturday, 15 August 2015

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe
….so it resorted to the adoption issue
By Apolinario Villalobos

Desperate is how the Binay camp can be described in its effort to disintegrate the persona of Grace Poe as the formidable opponent of Jejomar Binay in his quest for the presidential post. With nothing else to throw to her face, they used the adoption issue…and the technicalities, yet! The spokesperson of the Binay camp sounded dolefully as its spokesperson, read a litany of technical errors on the adoption process, especially, on the date that Grace Poe was adopted by a yet-to-be-married Susan Roces and Fernando Poe, hence, a question on their “capability” to adopt as “unmarried persons” which shows their lack of “parental personality”.

Whoever thought of such strategy clearly is out of his mind, as it just drives voters to the side of Poe because of the Filipino culture that makes them love the underdog and the oppress. Not even the issue on “inexperience” can be used against Poe, as not all presidents of the Philippines or any country for that matter did not become vice-presidents first. The primary issues on the forthcoming 2016 election are “cleanliness” and “integrity”.

In the Philippines, the experience of the president who held several elected positions in the past, especially, vice-presidency, clearly show that it did not help in improving the situation of the country. On the contrary, because of the experience which is heavily tainted with learned corruption, the situation of the country just got worse. How much more if a guy has decades of such kind of “experience”?



0

Sa True State of the Nation Address (TSONA) ni Binay, Totoo ang mga Inireport niya Subali't Hindi siya Angkop bilang Taga-akusa

Posted on Tuesday, 4 August 2015

Sa True State of the Nation Address (TSONA)
Ni Binay, Totoo ang mga Inireport niya
Subalit hindi Siya Angkop Bilang Taga-akusa
Ni Apolinario Villalobos

Totoo ang mga ibinentang ni Binay sa administrasyon subalit hindi siya ang tamang tao na dapat ay nag-aakusa, dahil siya mismo ay inaakusahan din ng korapsyon. Kaya sa ginawa niya, nangyari sa kanya ang kasabihang, “habang itinuturo o dinuduro ng isang tao ang kanyang kapwa ng isang daliri, tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya”.

Mas maganda siguro kung naging totoo na lang si Binay sa pagbanggit na siya ay inaakusahan din subalit hindi kasingbigat ng mga inaakusa ng taong bayan sa administrasyon. Ang akusasyon kasi sa kanya ay nakapaloob sa lunsod ng Makati at may dagdag na “kapirasong” lupaing pang-asyenda lang naman ang sukat sa Batangas, hindi tulad ng sa administrasyon na buong kaban ng bayan ang sangkot, na dinagdagan pa ng pagkamanhid ng presidente daw. Sa ginawa niyang TSONA, gusto ni Binay na palabasing siya ay malinis subalit ang mga taga-administrasyon, lalo na si Pnoy ay marumi…bagay na hindi tanggap ng mga Pilipino.

Tulad ng inaasahan, kinontra ng Malakanyang ang mga sinabi ni Binay na ang ibang mga binanggit nito ay “sarado” na daw, subalit, bagay namang hindi pa rin tanggap ng taong bayan. Kung dinagdag ni Binay ang kaso ng Maguindanao massacre ay mas gumanda siguro ang kanyang paglalahad. Nag-aalala kaya siya na mawalan siya ng boto mula sa angkan ng mga Ampatuan sa Mindanao na hanggang ngayon ay namamayagpag pa at nagkokontrol pa rin ng malaking bahagi ng Cotabato? Kung ganito ang pinapahiwatig niya, ano ang kahihinatnan ng kaso kapag siya ang manalo bilang presidente?

Hindi rin binanggit ni Binay ang tungkol sa West Philippine Sea. Sa isang panayam sa kanya ng isang radio station sa Mindanao noon, pahapyaw niyang pinahiwatig na ang Tsina ay may kakayahang mag-develop ng karagatan ng West Philippine Sea dahil may pera ito. Para na niyang sinabi na makipagtulungan na lang ang Pilipinas sa gusto ng Tsina.

Namutiktik sa “foreign investment” ang TSONA ni Binay, na kailangan daw ng bansa sa pagsulong nito upang umunlad, at idiniin pa ng adbokasiya niyang baguhin ang Saligang Batas upang umayon sa kagustuhan ng mga banyagang may balak na mamuhunan sa bansa. Para na rin niyang sinabi na hayaan na lang sa mga banyaga ang pagpatakbo ng ekonomiya ng bansa.


Yan ba ang gusto ng mga Pilipinong maging presidente ng Pilipinas? ….isang taong may balak na mag-isantabi ng nasyonalismo at dangal ng lahi dahil sa pera na hindi rin sigurado kung matatamo nga dahil sa umiiral na lokohan sa mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa?...isang taong hindi makatingin sa salamin upang malaman kung may dumi siya sa mukha o wala bago magpuna ng dumi sa mukha ng iba?

0

Bakit Hindi Binabatikos ng mga Militante si Binay?...napansin ko lang

Posted on Tuesday, 28 July 2015

Bakit Hindi Binabatikos ng mga Militante
Si Binay?....napansin ko lang
Ni Apolinario Villalobos

Kapansin-pansing sa kabila ng mga imbestigasyong nangyayari sa mga Binay, wala man lang ni isang militanteng grupo na sumusuporta sa mga ginagawang ito. Subalit kung si Pnoy naman ang binabatikos, may mga sinusunog pa silang effigy nito. Ano ang ibig nilang sabihin?...na may dalawang uri ng korapsyon?

Kung ang pinaglalaban ng mga militanteng grupo ay prinsipyo at kapakanan ng taong bayan, dapat ay pantay ang kanilang ginagawang aksiyon. Hindi ba korapsyon ang isyu laban sa mga Binay? Mga kaalyado lang ba ng presidente ang itinuturing nilang korap? Bakit ang mga senador at mga kongresman na alam nilang mga korap ay ayaw nilang igawa ng mga effigy at sunugin sa Luneta, tapat ng grandstand upang malawak ang mapagdadausan at marami ang makakakita o kung gusto nilang pasundan ng rally ay lalong mabuti dahil malawak ang lugar? Bakit palaging si Pnoy na lang ang pinapatutsadahan nila ganoong hindi naman ito ang mismong korap kundi ang mga nakapaligid sa kanya?

Hindi ko pinapanigan si Pnoy dahil binabatikos ko rin siya pero hanggang sa mga bagay na tingin ko ay mga kakulangan at kahinaan lamang niya bilang presidente. Kung ang problema ng mga militanteng grupo ay ang sinasabi nilang pakikialam ng Amerika sa Pilipinas, bakit hindi nila ipaglaban ang pagbabago sa Saligang Batas upang mabawasan ang kapangyarihan ng presidente sa pamamagitan ng pagbabago din ng sistema ng gobyerno upang tuluyang mawala sa eksena ang mga Amerikano?

Dapat unawain ng mga grupong ito na dahil sa patung-patong na utang ng Pilipinas, nakikialam ang mga inutangan kung paano magamit ang inutang na pera upang siguradong maibalik sa kanila ang mga ito na may kasama pang interest.

Ang pagsulpot ng mga Amerikano dahil sa Balikatan Exercise ay kailangan ng Pilipinas kahit papaano.  Ginagawa rin ng maraming bansa sa ibang kontinente ang ganito dahil sa magandang relasyon nila sa isa’t isa. At isa pa, malinaw naman na may interes din ang Amerika sa West Philippine Sea kaya talagang hindi ito magpapabayang makamkam nang ganoon na lamang ng Tsina ang nasabing dagat…ano ang problema dito? Malinaw naman sa buong mundo na itinuturing na “highway” ng mga naglalayag na mga barko ng iba’t ibang bansa ang nasabing dagat.  Ang pag-aalala ay pangkalahatan, hindi lang ng Pilipinas, kaya bakit itinuturing na problema ng mga militanteng grupong Pilipino ang pagpapakitang-gilas ng Amerika sa bahaging ito ng Dagat Pasipiko upang makapanindak man lang kahit bahagya sa Tsina?


Dapat ang pagtuunan ng pansin ng mga militanteng grupo ay ang kaso ng mga Binay, upang lumabas na talagang prinsipyo ang pinaglalaban nila. Kung kakalabanin pa rin nila ang mga korap na kaalyado ni Pnoy, mas lalong magaling. Kung yon ang gagawin nila, lalabas na talagang “instrumento” sila ng Demokrasya, hindi ng kung ano pa mang ideyolohiya.

0

Bakit May Gobyerno Pa?

Posted on Saturday, 4 July 2015



Bakit May Gobyerno Pa?
Ni Apolinario Villalobos

Sa mga rally, lalo na noong nakaraang pagdiwang ng Araw ng Kalayaan, ang sigaw ng ilan ay hindi ang pagbagsak ng kasalukuyang gobyerno, bagkus ay isang katanungan: “BAKIT MAY GOBYERNO PA?” Ang nararamdaman kasi ng mga tao, ay para na ring walang namumuno, dahil halos wala man lang  napaparusahang mga tiwaling opisyal o nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga  lumalabag ng batas….kaya ang mga Pilipino ay nagsasariling diskarte na lang upang mabuhay. Palaging naririnig ang parusang “pagsibak”, na ibig sabihin lang pala ay pagtanggal sa kasalukuyang pwesto at “paglipat” sa ibang pwesto…wala ring nangyari.

Matatapang ang mga negosyante sa pagtago ng mga basic commodities tulad ng bigas upang magkaroon ng dahilan na makapagtaas sila ng mga presyo nito, pati nga rekado na bawang at sibuyas ay napakialaman din. Ang mga negosyante ng langis,  ganoon din ang tindi ng tapang sa panloloko sa pamamagitan ng animo ay pagsi-see-saw ng mga presyo…magbabawas ng ilang sentimo, at magtataas ng mahigit piso. Parang nakakaloko na sa pagpapatakam. Matatapang ang mga taong pamahalaan sa pagturing sa mga proyekto na animo ay sarili nilang negosyo kaya kung pagkitaan ang mga ito ay ganoon na lang.

Dahil wala man lang napapatawan ng parusa, pati ang sistema sa mga kulungan ay apektado at nakulapulan na rin ng kagaw ng corruption. Pati na rin ang mga paaralan, mula high school hanggang libel ng kolehiyo ay hindi man lang masita sa maya’t maya ay pagkakaroon ng mga sosyalang gastusan, tulad na lang ng “acquaintance party” na may costume pa…para ano ito, ganoong kabubukas lang ng mga eskwela? Sigurado, ilang buwan lang pagkatapos ng party na yan, magkakaroon na ng “educational tour” na kasama sa itinerary ay shopping mall o resort para makapasyal ang mga madre at mga titser at ang mga gastos nila ay pinababalikat sa mga estudyante. Ang mga estudyanteng hindi makasama dahil walang panggastos, pinapatawan ng mga kung anu-anong project naman, na hindi naman talaga kailangan. Bakit hindi na lang research project na may kabuluhan ang ipagawa sa mga estudyante o di kaya ay familiarization sa mga iba’t- ibang barangay ng lunsod o bayan kung saan nandoon ang paaralan, sa halip na “educational tour” sa malalayong lugar?

Nakakahiya, dahil ang mga taong inaasahan na dapat ay nagtuturo ng mga paraan kung paanong makaiwas sa gastos ang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay, ay siya pa ang pasimuno ng kaaliwaswasan na walang kabuhulang gastusan. Inutil ang mga ahensiyang nakatoka sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. At, lalong walang konsiyensiya ang mga paaralang, animo ay nanghuhuthot sa mga magulang at estudyante sa halip na magturo nang maayos upang makapaghanda ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.

Naturingang may Senado at Kongreso, subali’t ang mga ibinoto ng bayan upang umupo rito ay may mga bahid na ng corruption. Noong kampanyahan, animo mga santo at santa, puro pangako ng mga magagandang proyekto. Subali’t nang magkaroon ng pagkakataon upang makapangurakot, hindi na nagpapigil. Kailangan nga naman nila ang pondo para sa susunod na eleksiyon. Nagbibintangan sila sa isa’t isa at may mga “sinampahan” na ng mga kaso. Sino pa ang pagkakatiwalaan ng mga tao? Yong mga bago sa Senado tulad ni senadora Binay, ay may kinakaharap ding mga katanungang dapat niyang sagutin. Si senadora Poe, hindi naman nakakalimutan ang pangdaya daw ng dating Presidente Gloria sa kanyang ama…lumalabas na benggadora siya dahil hangga’t may pagkakataon, hindi niya maiwasang hindi banggitin ito. Para na rin siyang si Presidente Aquino na maya’t maya din ang paglingon sa dating pamunuan ni Presidente Gloria upang batuhin ng mga pagsisisi sa mga pangyayaring palpak sa kasalukuyang administrasyong hawak niya. Ang ugaling mapaghiganti ay nakakapagpigil sa pag-usad ng tao, at ang pinakamalaking halimbawa ay ang nangyayari ngayon – hirap sa pag-usad ang pamahalaan dahil panay ang sisi ng pamunuan sa mga corruption daw ng nakaraang administrasyon sa mga nangyayari ngayon.

Sana magmuni-muni din ang pangulo tungkol sa mga taong itinalaga niya bilang mga alalay niya lalo na sa namamahala ng budget na nahasa na sa mga nakaraang administrasyon. Ang mga napatunayan nang wala namang alam sa pagpapatakbo ng mga ahensiya ay nandiyan pa rin na naging mabigat pa niyang pasanin. At ang mga mambabatas na bihasa na sa pag-ikot sa mga batas ay nandiyan pa rin, kaya hindi lang ang nakaraan presidente ang dapat niyang sisihin. Ang mga talumpati niya na ang laman ay puro pagdedepensa sa kanyang mga kaalyado sa partido at mga alalay sa gobyerno ay ayaw na ring pakinggan ng marami dahil ampaw naman daw – walang laman.

Ultimo driver ng dyip na nasakyan ko minsan, pinatay ang kanyang radyo nang marinig ang nagsisimula pa lang na talumpati ng pangulo, sabay bitaw ng mga pagmumura. Hindi ko na lang pinansin dahil baka lalo lang mainis at ibangga ang dyip.

Mabuti na lang at madiskarte tayong mga Pilipino, kung hindi, baka sa kangkungan pupulutin ang lahi natin!


0

Ang Nakakalasing na Kapangyarihan at Pera



Ang Nakakalasing na Kapangyarihan at Pera
…kasama dito ang “hawi boys” ni Binay
Ni Apolinario Villalobos


Bihirang-bihira ang mga taong nagsimula sa wala ang hindi nalalasing sa kapangyarihan. Ayon sa mga dalubhasa sa sikolohiya, natatanim sa kaisipan ng mga taong ito ang pangarap na kung sakaling magkaroon sila ng pera, kaginhawaan o poder, babawi sila sa pagpapakasaya. Ang malungkot, dahil dito, kadalasan, akala nila may kapangyarihan na sila upang magsamantala sa kapwa. Nagbunga ang ganitong kaisipan ng kasabihan sa Ingles na “what are we in power for”, o sa Filipino na maski biro ay, “magkano ka?” o di kay ay ang “inggit ka lang!”.

Ang mga biglang nagkaroon ng maraming pera, hindi alam kung ano ang gagawin dito, itabi ba sa bath tub? o hihigaan sa kama. Ang mga naluklok bigla sa mataas na pwesto sa pamahalaan, biglang nagkaroon ng sangkaterbang bodyguards o mga hawi boys, hindi na malapitan o makalabit man lang ng mga dating kaibigan. Yong mga napapagsabihan tungkol sa kanilang masamang gawi, sumasagot ng “hintayin ninyo ang panahon ninyo”.

Yong mga hindi naman talaga pansinin dahil sa pangkaraniwang hitsura, kulay ng balat na animo ulekba, biglang naging gwapo o magandang babae. Ang pangong ilong, naging cute, ang magaspang na balat naging smooth. Talaga din namang dahil sa pera o poder, sila ay naging gandang Pilipina o gwapong Pilipino. Hindi na sila maitim, kundi morena o moreno na, ibig sabihin ay brown – kulay Pilipino. Upang mapansin sa mga okasyon, ang mga may kapandakan, kailangang magkaroon ng malawak na espasyo sa paligid nila at dito pumapapel ang mga hawi boys, kasi kung walang espasyo, sila ay lulubog at ni buhok  nila ay hindi makikita.

Merong mga ganitong taong dahil sa sobrang “kalasingan” sa kapangyarihan, sa simpleng di pagkakaintidihan kaya hindi napagbigyan sa gusto, ay buong kayabangang magtatanong, “hindi mo ba ako kilala?” Sila yong mga may lakas ng loob na pumapasok sa mga kalyeng one way. Sila yong nagpipilit lumabas sa mga gate ng exclusive subdivisions na may oras ang gamit. Sila yong nambubulyaw ng mga reporter na nagbo-broadcast ng kanilang mga kasalanan.

Kung wawariin, may mga namumuno na talagang napakayaman pero ang pinagsimulang pera ay galing sa maliit na negosyo lamang at hindi yaman ng pamilya. Tulad ng isang naging mayor ng isang lunsod na nagsimula sa pagtinda daw ng lugaw. Masipag daw sa pagtinda ng lugaw…naging mayor at noon daw nagsimula ang kanyang swerte. Minahal siya dahil sa mga itinatag daw niyang maraming foundation na namamahala daw sa pagtulong sa mga mahihirap. Pero ang tanong ng marami ay kung paano yumaman ang pamilya niya? Sa pagtinda daw ba ng lugaw?  Kung totoo ito, talaga din namang nakaka-inspire!

Matalino talaga ang Diyos dahil gumagawa Siya ng paraan upang mabunyag ang gawaing hindi maganda. Tulad na lang ng kasong Napoles na dahil sa sobrang pagdududa ng isang ginang Napoles na siya ay naiisahan sa ginagawa niyang kamalasaduhan, nagawan niya ng hindi maganda ang isa niyang empleyado at kamag-anak pa, kaya sa bandang huli ito ay pumalag at siya (Napoles) ay isinuplong.  

Sa isang bagong pangyayari naman, sa loob ng Dasmarinas village, isang exclusive na subdivision, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng convoy ni Mayor Junjun Binay ng Makati at mga guwardiya ng subdivision. Gustong lumabas sa isang gate ang grupo ni Mayor pero hindi pinayagan dahil lampas na sa oras ng itinakdang paggamit nito. Sinabihan sila na gamitin ang talagang gate para labasan ng mga galing sa loob ng subdivision. Subali’t hindi pumayag ang grupo ni Mayor Binay, may isa pa siyang bodyguard na kumasa ng baril. Ang pinakamatindi, nagtanong daw si mayor sa mga guwardiya ng ganito: hindi nyo ba ako kilala? Tumawag ang grupo ni mayor ng mga pulis Makati at dinampot ang mga guwardiya, dinala sa presinto. Hindi man lang kumibo si senadora Nancy Binay na kasama sa convoy. Nakatira siya sa subdivision kaya dapat alam niya ang mga patakaran. Hindi totoo ang balitang hindi namukhaan ng mga guwardiya si mayor Binay dahil may kadiliman sa lugar, kaya nagtanong pa siya kung kilala ba siya o hindi.

Ang pangyayari ay pinagpiyestahan sa social media - lahat ng komento laban sa mga Binay. Sa halip na gumitna, pinanigan pa ni vice-president Binay ang ginawa ng anak. Kaya tuloy narinig sa radyo ang sinabi ng isang broadcaster na noon daw bago pa lang ipinatupad ang batas na pagbabawal sa paggamit ng wangwang, dumaan daw ang convoy ni vice-president sa isang one way na kalye. Nang ibinalita ito ng isang babaeng reporter, pinagalitan daw siya ni vice-president.  Marami ang nakakapansin na sa mga opisyal ng gobyerno, si vice-president Binay daw ang may pinakamaraming bodyguards, talo pa ang presidente. Pati ang pambulyaw din daw ni senador Nancy sa isang guwardiya ay naungkat. Pangkaraniwan na daw sa kanila ang magtanong ng “hindi mo ba ako kilala” tuwing may makaalitan. Marami tuloy ang nagtatanong na kung ngayong hindi pa daw presidente ang nakakatandang Binay, paano na kung talagang presidente na?

Nang minsang ako ay mag-emcee sa isang maliit na okasyon sa SM Mega Mall nakaranas ako ng mapait na karanasan sa mga hawi boys ni vice –president Binay na noon ay mayor pa lang ng Makati. Habang hinihintay ko ang ibang bisitang darating, nakatayo ako sa halos dalawang dipa lamang ang layo mula sa pagdadausan ng okasyon. May dumating na mga naka- short sleeved barong tagalog na mga lalaki - humahangos. Pinapaalis ako sa aking kinatatayuan dahil darating daw si mayor Binay. Nagreklamo ako, sabi ko, kung dadaanan si mayor, maluwag naman, at dagdag ko pa, mag i- emcee ako sa isang okasyon na hindi kalayuan, sabay turo sa lugar na may mga upuan. Bisita din pala si mayor Binay. Hindi man lang humingi ng pasensiya ang mga hawi boys maski napahiya sa inasal nila. Tiningnan lamang ako ng matalim…kaya hindi na ako nagulat sa bagong pangyayari sa Dasmarinas Village.

Kung yong kawawang pulis sa Tacloban na nagbanggit lamang ng numero bilang pagtaya kung ilan ang namatay sa Tacloban dahil sa bagyong Yolanda ay tinanggal sa pwesto, bakit hindi gawan ng karampatang aksyon ang pamunuan ng pulisya sa Makati na humuli sa mga guwardiya ng Darmarinas village, upang magsilbing aral sana sa iba pang mga pulis na hindi yata alam ang dapat gawin? Talagang bulag ang hustisya!

Dahil sa pangyayari sa Dasmarinas Village, siguradong magkakaroon ng dugtung-dugtong na mga rebelasyon tungkol sa tunay na kulay ng mga Binay. Ito lamang ang hinihintay na pagkakataon ng mga kalaban nila sa pulitika. Kung ang mga senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay nadawit sa eskandalo ni Napoles, ano naman kaya ang ipapalabas tungkol sa mga Binay? Tungkol din kaya sa kanilang yaman at mga properties? Paanong nagkaroon? at saan galing? Mag-abang na lang tayo…tiyak marami ang lalantad.

Sa ganang akin, kung nagkataong tumakbo at nanalo bilang presidente si Binay…na ibinoto ko dahil bilib pa naman sana ako sa kanya, at saka pa lang nagkabistuhan ng tunay na kulay, baka i-untog ko ang ulo ko sa pader!

Pasalamat tayo sa Panginoon at nagkaroon ng insidente sa loob ng Dasmarinas Village – dahil sa pahamak na gate…




0

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Posted on Friday, 3 July 2015



Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa  sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.

0

Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon at ang mga Tiwaling Mambabatas

Posted on Thursday, 2 July 2015



Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon
at ang mga Tiwaling Mambabatas
Ni Apolinario Villalobos

Pinangako ni Binay na kung maging presidente siya, ititigil niya ang korapsyon sa gobyerno. Sa sinabi ni Binay, naalala ko ang kasabihang, ang tao lamang na may alam kung paanong gawin ang isang bagay ang nakakaalam din kung paano ito makontrol o matigil. Hindi tulad ng ibang pangungurakot na diretsahan kung gawin, ang mga nangyaring katiwalian kasi sa Makati ay mistulang ginamitan ng “maskara” ng magandang layunin. Sa simula ay hindi nahalata dahil para nga naman sa mga senior citizens ang mga ito, pati na sa mga mahihirap na pasyente at mga estudyante. Subalit dahil sa kasabihan pa ring, walang naitatagong baho, sumabog ito at kumalat ang alingasaw na ikinadismaya ng mga Pilipino na nag-akalang nakakabilib ang mga pinaggagawa ng mga Binay sa Makati, na itinuring na “model city” ng bansa.

Ang nakakapag-alala lang ay kung sa halip na sawatahin ni Binay ang korapsyon kapag presidente na siya, tulad ng pangako niya…paano kung mag-iba siya ng diskarte dahil napatunayan nang pabago-bago ang takbo ng isip niya, ayon sa dating vice-Mayor niyang si Mercado na nagsasaksi sa mga kaso laban sa kanya? Hindi ito malayong mangyari dahil napatunayan ni Binay ang kahinaan ng mga batas kaya madali lang ang paggawa ng katiwalian.

Ang mga batas ng isang bansa ay ginagawa ng mga taong magaling humubog ng mga ito, lalo pa at karamihan sa kanila ay nag-aral pa ng abogasya. Subalit, sa Pilipinas iba ang layunin ng mga mambabatas – pansariling kapakanan. Sila rin kasi ang nakakaalam kung paanong paikutan ang mga kahinaan ng mga batas upang malusutan at pagkitaan ang mga ito.

Ang pinakahuling pagtatangka ng mga mambabatas upang “makaikot” sa mga batas, ay sa pamamagitan ng pagbago ng isang probiso ng Saligang Batas na sisingitan ng “unless, otherwise provided by law” na paraan daw upang hindi maabuso ang batas na may kinalaman sa pagpasok ng mga dayuhan upang mag-invest sa mga kalakalang may kinalaman sa yamang likas ng bansa. Ang mga tiwaling mambabatas ay nag-akalang hindi masasakyan ng mga Pilipino kung ano ang kahulugan ng isisingit na mga salita. Simple lang naman ang mangyayari: Kapag naisingit na ang gusto nilang linya, saka sila gagawa ng mga batas na aayon dito….na tumutumbok naman sa kanilang pansariling kapakinabangan! Kaya ang mangyayari ay katakut-takot na kurakutan…at legal pa dahil nakasaad na sa Saligang Batas!...ang tawag ko diyan, “Constitutionalized corruption”.

Naging sukdulan na rin ang pambabastos ng mga tiwaling opisyal sa mga batas ng bansa dahil sa pag-abuso naman ng “Temporary Restraining Order” o TRO. Kapag halimbawa, ay may kaso sila at kailangan silang suspendihin, tatakbo agad sa tiwali ring huwes na mag-iisyu ng TRO. Subalit kung isang ordinaryong mamamayan ang nakakasuhan, diretso siya sa kulungan.

Kung halimbawa lang naman na maging presidente si Binay, magpapang-abot sila ng mga tiwaling mambabatas na nakaluklok pa sa kanilang mga puwesto. Kapag nangyari ito, asahan na ang pagkalusaw ng ekonomiya ng Pilipinas! Dahil uso naman ang lipatan ng partido, yong mga sumisipsip kay Pnoy ay lilipat sa kanya upang tuloy pa rin ang masaya nilang pangungurakot!