0

Kapit-bisig Tayo sa Pagsulong!

Posted on Saturday, 4 July 2015



Kapit-bisig Tayo sa Pagsulong!
Ni Apolinario Villalobos

Huwag sayangin ang pinaghirapang kalayaan
Na upang matamo’y  maraming buhay ang naibuwis
Dumanak din ang masaganang dugo
Sa ati’y pamana ng ating mga ninuno.

Mga banyaga’y nagpumilit, sa atin ito’y maagaw
Subali’t ‘di nagpanaig, mga ninuno nating matapang
Nag-iisa itong pundasyon ng karangalan –
Karangalan ng ating lahi, ng Inang  Bayan.

Kapit-bisig tayo sa pagsulong upang makipaglaban
Huwag hayaan, ito’y maagaw sa atin ng ganoon na lang -
Ng mga banyagang nais ay likas na yaman-
Yamang pamana sa atin ng Inang Kalikasan.

Kapit-bisig tayo sa pagsulong laban sa mangangamkam
At mga tiwaling opisyal, animo’y mga tuko sa pamahalaan
Hindi nagpapatinag sa kapangyarihang hawak –
Na kung humawak, akala mo’y tuko o bayawak!




Discussion

Leave a response