0

Ang Daang Matuwid ni Benigno Aquino III...nasaan ito?...tigilan na niya ang pag-iilusyon!

Posted on Wednesday, 29 July 2015

Ang Daang Matuwid ni Benigno Aquino III
…nasaan ito?...tigilan na niya ang pag-iilusyon!
Ni Apolinario Villalobos

Daang matuwid na ang binanggit ni Pnoy
Sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan
Doon daw niya aakayin ang bayan.

Dinagdagan pa ang kanyang pambobola
Dahil sa kanyang mga boss, siya ay makikinig pa daw
Nguni’t ito pala’y pangakong ampaw!

Upang umangat daw, buhay ng mahihirap
May ipinangakong pagsagana ng pagkain lalo na bigas
Subali’t salita lang pala ng mandurugas!

Sa pamahalaang kay tagal nang lupaypay
Maraming palpak best friends na itinalaga at iniluklok
Kaya gobyerno niya ay mabantot, bulok!

Siya ay pinalakpakan, inakalang tutupad
Sa binitiwang pangako para sa mga bakwet - mga tirahan
Palpak din, sa gutom, kumalam pa ang tiyan!

 ‘Pinas ay nabulaga dahil sa kanyang inasta –
Pagkatapos ng barilan doon sa Mamasapano, Maguindanao
Wari’y sapilitan, pagsilip sa SAF44 na pumanaw!

Siguro iniisip niya, di naman siya magugutom
Kaya nagtaas man mga presyo ng bilihin, si Pnoy, dedma pa rin
Dahil walang pakialam sa mga taong gusgusin!

Naniniwala sa lahat ng report na kagila-gilalas
Mula sa mga taong nakapaligid sa kanya…lahat mga mambobola
Umangat daw ang ‘Pinas!... napamangha siya!

Dahil nagagalit na at naiinis pa ang sambayanan
Dapat ay tumigil na itong presidente sa kanyang pagsisinungaling
Dahil baka sa kangkungan lang siya makakarating
Sa pagtahak niya sa kanyang matuwid daw na daan

Ganoong ang mga sinasabi’y puro drowing lang naman!

Discussion

Leave a response