Showing posts with label Manila international airport. Show all posts

0

TANIM-BALA NA NAMAN...DAPAT IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!

Posted on Wednesday, 20 April 2016

TANIM-BALA NA NAMAN…
DAPAT IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!
Ni Apolinario Villalobos

NAKAKAHIYA ANG GOBYERNO AT ANG NAIA MANAGEMENT!
Maliwanag ang nakakasusulasok na kapabayaan ng NAIA management. Iisang bala na nakuha raw sa bag ng isang matandang babaeng pasahero ay naging dahilan upang hindi matuloy ang pagsakay nito papunta sa Amerika upang magpagamot. Walang nakita sa unang dalawang X-ray, subalit sa ikatlong X-ray ay nakitaan ng bala. Ito yong X-ray na ginagamit bago sumakay sa eroplano ang mga pasahero kaya kung may problema ay siguradong kakagat sa panggigipit kung may “problema” tulad ng “makitang” bala.

Ang matanda ay nakasakay sa wheel chair at itinutulak ng porter. Ayon sa pamangkin, nagtitinginan daw ang porter at ang mga nago-operate ng X-ray. Bukas ang isang bahagi ng bag. Hindi maiiwasang mahawakan ng porter na nagtutulak ng wheelchair ang gamit ng matanda kung ito ay “alalayan” niya sa pagsakay at pagtayo.  Nang makita sa X-ray screen ang bala, may narinig ang pamangkin ng matanda na pasahero din mula sa grupo ng mga NAIA personnel na nagsabi ng “naku!...mahina ang fifty thousand diyan…”. BAKIT HINDI RIN IMBESTIGAHAN ANG PORTER NA NAGTULAK NG WHEELCHAIR, MALIBAN SA MGA X-RAY OPERATORS? Walang magic na nangyayari….common sense at matinding analysis lang ang kailangan!

Pinatayo daw ng mga airport police ang matandang naka-wheelchair upang magbukas ng iba pa niyang bagahe. Kahit hirap ay tumayo ang matanda kaya napaiyak na lang sa awa ang kasamang pamangkin. Ang pamangkin ay pinilit ng matandang sumakay na dahil nag-aapura sa boarding. Ang naiwang matanda ay maghapong pinalipat-lipat ng mga opisina hanggang sa makarating siya sa opisina ng piskal upang sampahan ng kaso. Bahit hindi na lang kinumpiska ang nag-iisang bala lalo pa at isang matanda ang may dala? Bakit hindi ito ituring na tulad ng ibang “dangerous goods” tulad ng lighter, gunting, etc.? Nakamamatay ba ang nag-iisang bala kung wala namang trigger ng baril na pipitik dito?

Ang hindi maintindihan sa mga pangyayaring ito ay kung may common sense ba ang mga airport police at X-ray operators na mga empleyado ng DOTC, ba o wala. Ano na ang nangyari iba pang kaso at nasaan ang mga ebidensiya, dahil ayon sa mga report ay wala naman daw kundi log reports lang? May natanggal bang airport police at X-ray operators?

BAKIT NANDIYAN PA ANG MANAGER NG NAIA NA NAGSASABING HANGGANG COORDINATION LANG SIYA?....AT, ANO ANG MASASABI NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS, LALO NA NG MAGALING DAW NA PRESIDENTE NG PILIPINAS!

NOONG PANAHON NI GLORIA ARROYO, PROBLEMA LANG SA PARKING LOT NG NAIA AY NAGING DAHILAN NA UPANG SIYA AY PERSONAL NA MAG-CHECK SA MADALING ARAW…UNANNOUNCED KAYA HULING-HULI ANG MGA PABAYA! NGAYON, WALANG MAASAHANG TULAD NITO ANG TAONG BAYAN!


TAKE NOTE…..ANG MGA TAONG NABANGGIT AY HINDI NAGMUMURA…GANOON PA MAN, “DISENTE” BA SILA SA KABILA NG MGA PERHUWISYONG DULOT NG KANILANG KAPABAYAAN?

0

Sabi ng MIAA, Maluwag na Daw ang Manila International Airport....Huh????

Posted on Sunday, 31 January 2016

Sabi ng MIAA, Maluwag na Daw
ang Manila International Airport….Huh????
Ni Apolinario Villalobos

Masama sana ang nanlilibak sa sariling gobyerno, subalit nagbibigay naman kasi ito ng mga dahilan upang malibak. Puro kasinungalingan ang palaging sinasabi. Ang pinakamalaking kasinungalingan ay maunlad na daw ang Pilipinas. Kung ang report ay para sa mga mayayamang Pilipino at dayuhang mga negosyante, maaaring totoo dahil nga naman sa pagsulputan ng mga malalaking building na animo ay mga kabuti.  Pero kung para sa mga ordinaryong Pilipino, ang salitang “maunlad” ay bahagi pa rin ng pangarap at panaginip nila, dahil wala silang nararamdaman kahit karampot man lang na matatawag na totoong biyaya.

Ang nakakapagtaas pa ng kilay na kasinungalingan ng gobyerno sa pamamagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ay ang tungkol sa pagluwag na raw ng Manila International Airport na ang tinutukoy ay ang Terminal 1. Kaylan nangyari ito? Samantalang ang repair projects ay paudlot-udlot, at inamin pa nga sa isang report noon, na hindi talaga nakumpleto ang proyektong pagpapaayos sa Terminal 1.

Paanong luluwag ang isang area na nasa loob ng isang building, kung ang building mismo ay hindi lalakihan o bubuwagin upang magkaroon ng extension? Huwag sabihin ng MIAA na naglagay sila ng third floor at fourth floor na napaka-imposible. Maaaring binago nila ang lay out ng interior pero hanggang doon na lang ito kahit pa  may ginalaw silang mga dingding, dahil ang kabuuhang sukat ng interior ng terminal ay hindi pa rin madadagdagan ng maski isang pirasong pulgada.


Sa isang banda, kung LAHAT ng mga nagtatrabaho at mga pasaherong gumagamit ng Terminal 1 ay mga UNANO…pwedeng totoo ang sinasabi ng MIAA na lumuwag nga ito! 

0

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Posted on Thursday, 28 January 2016

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!


May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya? 

0

"Maliit na bagay...": bagong kasabihan ng Presidente ng Pilipinas (tungkol sa mga isyu ng 'tanim-bala at "Maguindanao Massacre")

Posted on Monday, 23 November 2015

“Maliit na bagay…”: bagong kasabihan ng Presidente ng Pilipinas
(tungkol sa mga isyu ng “tanim-bala” at “Maguindanao Massacre”)
Ni Apolinario Villalobos

Ayon sa matalinong presidente ng Pilipinas, maliit na bagay lang daw ang isyu tungkol sa tanim-bala sa airport at pinalaki lang ng media. Para sa kanya, maliit palang bagay ang mga sumusunod na ilan lang sa mga nangyari dahil sa eskandalong ito:

-          Ang mawalan ng trabaho sa ibang bansa ang isang pasaherong hindi nagbigay ng suhol kaya pinigilang sumakay sa kanyang flight.

-          Ang halos ikamatay ng isang matandang pasahero ang ginawang pagbintang na nagbibitbit siya ng bala.

-          Ang kahihiyang idinulot ng pagposas agad sa isang may katandaan nang pasaherong babae dahil lang sa iisang balang nakita daw sa kanyang bagahe.

-          Ang mapagtawanan ang Pilipinas ng buong mundo dahil pati ang inosenteng bala ay ginawang kasangkapan sa pangingikil, kaya ang kahihiyang ito ay ginawan pa ng isang TV show sa Japan.

-          Ang maalipusta ng mga banyaga na ang tingin sa Pilipino ay hindi mapapagkatiwalaan.

-          Ang masira ang imahe ng bansa pagdating sa turismo dahil pati mga banyagang turista ay hindi pinatawad ng mga nangingikil sa airport.

-          Ang maungkat uli ang literal na mabahong amoy sa mga airport dahil sa mga sirang gripo, baradong inuduro at tadtad ng mantsang mga lavatory o lababo, kaya hindi na nawala ang black eye ng tourism industry ng bansa na hindi na nga nakakasabay kahit lang sa mga kapit-bansa na kasapi sa ASEAN.

Pinsan ng pangulo ang nakaupong General Manager ng MIAA, na tahasang nagsasabing wala siyang pakialam sa pangkabuuhang operasyon ng airport sa kabila ng ipinakita na sa kanyang responsibilidad na nakapaloob sa isang kauutusan. Bakit hindi na lang siya mag-resign upang mapalitan ng talagang may kaalaman sa pagpapatakbo ng airport? Kung may pagmamahal siya sa pinsan niyang matalinong president, dapat umalis na siya upang mabawasan naman ang bigat na nakapatong sa balikat nito – mga problemang siya rin ang may gawa.

Ang Maguindanao Massacre na ilang araw lang ang nakaraan ay umabot na sa ika-anim na taon ay malamang “maliit na bagay” lang din para sa matalinong pangulo. Nakalimutan yata niyang isa ito sa mga pinangako niyang matutuldukan noong siya ay nangangampanya pa lang. Nakakatawa pa sila sa Malakanyang dahil ngayong araw na ito lang, November 24, nagbigay ng “reminder” sa Department of Justice na “bilisan” kuno ang pagpausad sa gulong ng hustisya para sa mga namatayan!

Maliit din sigurong bagay ang pag-appoint niya ng mga kakilala, kaeskwela, at kung ano pang kakakahan sa mga sensitibong puwesto sa iba’t ibang ahensiya. Mabuti na lang at kahit paano ay nabistong ang palagi niyang sinusumbat na cronyism kay Gloria Arroyo ay ginagawa din pala niya – mas matindi pa! Bumaba man siya sa puwesto, hindi siya makakalimutan ng mga Pilipino dahil sa pagduduro niya ng isang daliri kay Gloria, samantalang ang tatlo pa ay nakaturo naman sa kanya!

Para sa isang taong hindi nakadanas ng kahirapan, lahat ng bagay sa mundo ay maliit dahil malamang, iniisip niyang lahat ito may katumbas na pera!...o hindi kaya dahil lang sa talagang ugali niyang walang pakialam sa kanyang kapwa?



0

Ang Pangangasiwa ng Manila International Airport (MIA)

Ang Pangangasiwa ng Manila International Airport (MIA)
Ni Apolinario Villalobos

Hindi pala alam ni G. Honrado na saklaw ng kanyang responsibilidad bilang General Manager, ang buong Manila International Airport. Ibig sabihin, hindi pala niya alam na Manila International Airport Authority (MIAA) ang nag-iisyu ng mga temporary pass sa buong airport para sa lahat ng mga taong may kaugnayan sa operasyon nito. Hindi pala niya alam na para maisyuhan ng temporary pass ay kailangang i-surrender ang company ID, o di kaya ay dapat magsumite lahat ng mga ahensiya ng listahan ng mga empleyado nila upang maisyuhan ng pangmatagalang temporary pass. Hindi pala niya alam na ang  malalaki hanggang sa kaliit-liitan gamit ng MIA, ay may tatak na “MIAA Property” at may control number. Nakalimutan rin siguro niya ang malaking “insidente” na nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo tungkol sa pagsugod nito sa MIA nang walang pasubali o abiso upang makita talaga ang mga kapalpakan sa mga parking areas, kaya nang mabisto nga ay “sinabon” niya on the spot ang pinsan nitong in-assign din na tulad niya bilang General Manager.

Ang Manila International Airport ay parang shopping mall. Ito ay may pinaka-hepe na dapat mangasiwa sa lahat ng mga nagtatrabaho sa loob, kasama na ang security, mga concessionaires, contracted agencies at mga namimili o namamasyal lang. Ibig sabihin ang pinaka-hepe nito ay may responsibilidad na sumasaklaw sa buong operasyon ng mall. Ganoon din sa MIA na dapat lahat ng bahagi nito ay pinangangasiwaan sa kabuuhan ng General Manager – mula sa runways, tarmac, terminals at parking lots. Siya ang nasa itaas at sa ilalim niya ay iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga concessionaires na nagkakanya-kanya ng pagkontrol ayon sa saklaw nilang operasyon na nakasaad sa mga Operating Manual nila, na nakabatay naman sa Operating Manual ng MIAA. Sa pinakagitna ng kani-kanilang operasyon ay ang Manila International Airport Authority.

Dapat ang susunod na itatalaga bilang General Manager ng MIA ay taong may “managerial skill” (kaya nga tinawag na General Manager) at may malawak na kaalaman sa airline operation. Saklaw ng airline operation ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa “aviation security” kaya hindi kailangang manggaling ang taong itatalaga mula sa anumang military branch ng Pilipinas. Bilang isang industriya, ang international aviation ay may mga pinatutupad na mga patakaran upang masigurong ligtas ang mga pasahero ng iba’t ibang airlines. Napapag-aralan ang mga patakaran sa pagpapatupad ng security sa airport, at palagi ring ina-update batay sa pangangailangan ng panahon, na tulad ngayon ay hantad sa terorismo. Dahil dito, hindi kailangang may actual exposure sa military operation, na napakalayo sa isang civilian airline operation, ang General Manager.  Dapat ay ituring na malaking leksiyon dito ang nakaupo ngayong General Manager na nagpipilit na wala siyang pakialam sa ibang operasyon ng MiA.


Ang malaking problema nga lang ay kung umiral uli ang napakakorap na pag-iisip ng uupong Presidente na magtatalaga na naman ng pinsan, o kapatid, o bayaw, o tiyuhin, o dating driver, o dating messenger, o dating masahista, bilang General Manager. May napapagbatayan na kasi…kung sa Ingles – may “precedent”….may mga una nang ginawa kaya gagayahin na lang!

0

The Plan of the Philippine Government to "Modernize" Manila International Airport Terminal 1

Posted on Friday, 9 October 2015

The Plan of the Philippine Government
To “Modernize” Manila International Airport Terminal 1
By Apolinario Villalobos

Hearing again the “plan” of the national government to modernize the international airport 1, raises eyebrows of Manilans and frequent travelers to the overrated city. Only one big question can be asked: how can that be possible with a boxed-in space?

Perhaps, because of the ongoing construction of flyovers directly to the international airport terminal 1 from the City of Dreams and elsewhere, that, for the national government is already “modernization”. The flyovers will definitely just provide short-ranged relief from traffic because connections to those flyovers such as Taft Avenue, Roxas Boulevard, MIA Road, and EDSA are still bottlenecks, not to mention the Sucat Road in Paraἧaque.

By modernization of the international airport facilities, it should mean, that the whole building and its peripheries… the tarmacs and runways, as well as, other facilities operated by concessionaires are included. The simple makeover that was haphazardly done to the Terminal 1 is definitely, not a modernization. The government’s spokespersons are making a fool of Filipinos who, they thought are dumb.

The seemingly infinite problem of the aviation industry in Manila is the traffic of the incoming and outgoing flights due to the limited runway. Morning and early afternoon flights are the most affected as taxiing out aircrafts have to wait until incoming flights have safely taxied in, resulting to delays that take as long as six hours. The domino effect of delays is just incredible! For instance, the last flight from Davao that is supposed to arrive in Manila before 10PM, most often arrives at past midnight!

On the other hand, the decaying terminal 1 is until now, on its refurbishing stage. The makeover cannot hide the fact that the toilets are not consistently spick and span, the aircon units’ performance is still far from satisfactory, the taxi service is still miserable.

As with terminal 1, the rest of the terminals are boxed-in, too, with no space for further expansion. The three terminals are sharing the same runways, so that all of them are practically affected by the traffic of aircrafts.

The national government should stop talking about “modernizing” the airport terminals in Manila, especially, if it is insinuating more projects for this, because those in the know will definitely suspect that another round of corruption is in the making due to contracts involved. In the first place, such promise is no longer viewed as realistic.

Let me mention here, the toilets of all the airport terminals which are not cleaned consistently, with their malfunctioning urinals and faucets of lavatories, defective flush mechanism of toilet bowls, and the unkempt “gardens”. What is disgusting is the absence of a downward escalator for the nearby terminal 2, only just a slow and aged upward escalator. The elevator can accommodate only 4 or 5 passengers. And yet, the government keeps on talking about “modernization” of the airport!

What Manila needs is another international airport somewhere else, and the area where it is located should be the “progressive type”, expansive, with reserved portions for future developments. If the transfer of airport terminal to a better location was made possible for Iloilo, Cagayan de Oro, General Santos, and much earlier, for Davao, why can’t it be done for Manila that has more options?

Again, the national government should stop talking about this issue, as its objective is very obvious- to show that the outgoing Pnoy is doing his best as President of the Philippines, while his administration is projecting the country’s image as making leaps and bounds due to economic progress under his term….a doubtful allegation. As skeptics always say about his administration: tell that to the Marines!


0

Manila International Airport Terminals...their stink and Management's Irresponsibility

Posted on Friday, 10 October 2014



Manila International Airport Terminals
…their stink and Management’s Irresponsibility
By Apolinario Villalobos

Again, the spokesperson of Manila’s airport authority mumbled alibis for their inability to come up to the international standards of airports. Instead of being thankful for comments that should be their basis for improvement, they condemn the commenting party, a travel buff that knows what he is doing, in view of comparisons. It is the fault of the Manila airport authority for promising comfort and convenience that did not materialize. There were expectations that ended in disappointments.

Instead of being boastful about wishful improvements in the four terminal facilities, the airport management should instead, be honest enough about their limitations in finances and capability. Finances, because, the Secretary of the DOTC, Mr. Abaya, himself, admitted that projects for rehabilitation, have been held in abeyance. Capability, because they know only so much – yes, hurting, but that is what is glaringly perceived by both the local and international travelers. The agency cannot cite corruption, for obvious reason – their heads will roll!

The spokesperson tried very much to save their neck by stating that, international travelers should not expect much from the Manila airport terminals as these are just used for transiting. That reason smacks of irresponsibility. The spokesperson forgot that appropriate terminal fee is imposed to travelers. So the question is, where did the millions of terminal fee go? She should answer that, otherwise, she will be accused of covering up the shenanigans going on inside the agency.

Ever since, irresponsibility in the management of the Manila airport terminals is manifested in the inutile administration and hand washing with statements that only the imprudent can utter! A broadcaster who mentioned this issue one time, ended his delivery of commentary with “what else can Filipinos expect from the present administration?”