Sabi ng MIAA, Maluwag na Daw ang Manila International Airport....Huh????
Posted on Sunday, 31 January 2016
Sabi
ng MIAA, Maluwag na Daw
ang
Manila International Airport….Huh????
Ni Apolinario Villalobos
Masama sana ang nanlilibak sa sariling
gobyerno, subalit nagbibigay naman kasi ito ng mga dahilan upang malibak. Puro
kasinungalingan ang palaging sinasabi. Ang pinakamalaking kasinungalingan ay
maunlad na daw ang Pilipinas. Kung ang report ay para sa mga mayayamang
Pilipino at dayuhang mga negosyante, maaaring totoo dahil nga naman sa
pagsulputan ng mga malalaking building na animo ay mga kabuti. Pero kung para sa mga ordinaryong Pilipino,
ang salitang “maunlad” ay bahagi pa rin ng pangarap at panaginip nila, dahil
wala silang nararamdaman kahit karampot man lang na matatawag na totoong
biyaya.
Ang nakakapagtaas pa ng kilay na
kasinungalingan ng gobyerno sa pamamagitan ng Manila International Airport
Authority (MIAA) ay ang tungkol sa pagluwag na raw ng Manila International
Airport na ang tinutukoy ay ang Terminal 1. Kaylan nangyari ito? Samantalang
ang repair projects ay paudlot-udlot, at inamin pa nga sa isang report noon, na
hindi talaga nakumpleto ang proyektong pagpapaayos sa Terminal 1.
Paanong luluwag ang isang area na nasa loob
ng isang building, kung ang building mismo ay hindi lalakihan o bubuwagin upang
magkaroon ng extension? Huwag sabihin ng MIAA na naglagay sila ng third floor
at fourth floor na napaka-imposible. Maaaring binago nila ang lay out ng
interior pero hanggang doon na lang ito kahit pa may ginalaw silang mga dingding, dahil ang
kabuuhang sukat ng interior ng terminal ay hindi pa rin madadagdagan ng maski
isang pirasong pulgada.
Sa isang banda, kung LAHAT ng mga
nagtatrabaho at mga pasaherong gumagamit ng Terminal 1 ay mga UNANO…pwedeng
totoo ang sinasabi ng MIAA na lumuwag nga ito!
Discussion