Mga Inaasam na Pagbabago ng Gobyerno at mga Ahensiya Mula sa Taong 2016
Posted on Saturday, 2 January 2016
Mga
Inaasam na Pagbabago ng Gobyerno
At
Mga Ahensiya Mula sa Taong 2016
Ni Apolinario Villalobos
SANA AY…
·
TANGGALIN ANG MGA INUTIL NA
NAMUMUNO SA MGA AHENSIYA. HINDI SILA KAKULANGAN DAHIL MGA WALANG ALAM NAMAN
TALAGA AT NAITALAGA LANG DAHIL MAY KAPIT SA PRESIDENTE. HINDI BALE NANG MGA
OFFICER-IN-CHARGE ANG MAIIWANG MAMUMUNO, SIGURADO NAMANG MGA CAREER SERVICE
OFFICERS AT TALAGANG MAY ALAM SA PAGPAPATAKBO NG MGA AHENSIYA.
·
BUWAGIN ANG COMMISSION ON HUMAN
RIGHTS AT ILIPAT ANG BUDGET NITO SA PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) UPANG
MADAGDAGAN ANG MGA ABOGADONG LIBRE ANG SERBISYO. MARAMI PANG IBA….
·
PAIRALIN ANG KOORDINASYON SA
PAGITAN NG MGA AHENSIYA DAHIL MAYROONG HALOS MAGKAKAPAREHO ANG MGA
RESPONSIBILIDAD TULAD NG HUMAN SETTLEMENTS, DEPARTMENT OF HUMAN RIGHTS, PUBLIC
ATTORNEYS OFFICE, DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE (KUNG HINDI MABUBUWAG).
KADALASAN KASI, SA DIYARYO LANG SILA NAGKAKAALAMAN NG MGA GINAGAWA KAYA KUNG
PANG-PUBLICITY AY NAGKAKASAPAWAN AT KUNG MAY BULILYASO AY NAGTUTURUAN.
·
TANGGALIN ANG INCENTIVE SA MGA
AHENSIYA NA MAY KINALAMAN SA PAGTITIPID UPANG MAY MAGAMIT SA BONUS NG MGA
EMPLEYADO. BISTADO NA KASI NA MARAMING AHENSIYA NA SINASAKRIPISYO ANG MGA
PANGANGAILANGAN SA OPISINA UPANG MAY MATIPID NA MALAKI AT UPANG MALAKI RIN ANG
BONUS. DAHIL DITO, KAHIT MALILIIT NA MGA AHENSIYA NA ANG MGA PANGALAN AY HINDI
KILALA AY NATUTO NA RIN SA KATARANTADUHANG ITO.
·
AYUSIN ANG MGA OPERATIONS
MANUAL NG LAHAT NG MGA AHENSIYA NA KUNG ILANG TAON NANG HINDI NA-REVIEW KAYA
NAGKAKAPALPAKAN SILA SA OPERASYON. LALONG DAPAT TSEKIN ANG MANUAL NG CIVIL
SERVICE COMMISSION, KASAMA NA ANG OFFICIAL NA TALAAN NG MGA PUWESTO UPANG
MATANGGAL NA ANG MGA HINDI ANGKOP SA MAKABAGONG OPERASYON.
·
PALITAN NA ANG OBSOLETE NA
BUREAU OF PLANT INDUSTRY NA INUTIL NAMAN DAHIL HINDI NAKAKA-KONTROL NG
SMUGGLING NG GULAY. WALA RIN ITONG GINAGAWA UPANG MAKAAGAPAY ANG MGA MAGSASAKA
SA MGA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASAKA AT WALA RING GINAGAWANG HAKBANG UPANG
MAGKAROON NG KAALAMAN ANG MGA MAGSASAKA SA PAGTANIM NG MGA PRUTAS AT GULAY NG
IBANG BANSA TULAD NG TSINA UPANG HINDI NA MAG-ANGKAT PA.
·
PALITAN NA ANG NAMUMUNO SA
NATIONAL FOOD AUTHORITY DAHIL ANG IPINANGAKONG PAGBALIK NG MGA PRESYO NG BIGAS
AY HINDI NANGYARI. ANG DATING MAHIGIT 20PESOS LANG NOON NA PRESYO NG MGA COMMERCIAL
RICE NA DOMOBLE AT NAGTRIPLE ANG PRESYO, AY GANOON PA RIN HANGGANG NGAYON,
MAHIGIT ISANG TAON NA ANG NAKALIPAS.
KUNG DATI, ANG JASMINE AT CALIFORNIA RICE ANG MAHAL, NGAYON ANG MAGAGANDANG
KLASE NG COMMERCIAL RICE AY MAHIGIT SA 40PESOS ANG HALAGA.
HIGIT SA LAHAT, SANA SA DARATING NA
ELEKSIYON AY MANALO ANG ISANG PRESIDENTE NA HINDI LANG PURO PANGAKO ANG ALAM NA
GAWIN.
Discussion