Ang Kalasingan
Posted on Thursday, 28 January 2016
Ni
Apolinario Villalobos
Hindi lamang sa alkohol ng alak, ang tao’y nalalasing
Kundi sa mga bagay na sa hinagap ma’y di natin
akalain
Nariyan ang kalasingan sa biglang yaman na naangkin
At kalasingan
sa karangalang, sa katagala’y nakamit din.
Hindi masama ang uminom ng alak kung ilagay
sa wasto
Lalo na’t sa Misa, ito ay simbolo rin ng dugo ni Hesukristo
Subali’t sadya yatang may mga taong sa katakawan
nito
Sa labis na natunggang alak, ang alkohol ay
napunta sa ulo.
Kung minsan ‘di natin masisisi, taong sinwerte
ang kapalaran
Na dati ay lagi na lang kumakalam ang sikmurang
walang laman
Subali’t sa pag-angat ng isinusumpa-sumpa niyang
kinalalagyan
Kayamanang nakamit, halos hindi niya alam kung paano dapaan.
Yong iba naman, lahat ng paraan, walang humpay
nilang ginawa
Mangiyak-ngiyak na kung minsan dahil sa kawalan
nila ng pag-asa
Makamit lang ang inaasam na karangalang sa kanila’y
napakahalaga -
Subali’t nang makamit , mga paang umangat, hindi na maibaba sa lupa!
Discussion