Mga Lubak at Iba pa...sa Tuwid na Daan
Posted on Friday, 15 January 2016
Mga
Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan
ni Apolinario Villalobos
Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na
daan
Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o
palusong
Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong
ito
Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan
patungo.
Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong
tumatahak
Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa
mga lubak
Marami ring mga sagabal – mga bato at
minsa’y tinik
Na kung di maiwasa’y magdudulot ng
sugat…masakit.
Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay
liku-liko
Para ring buhay na maraming dinadaanang
pagsubok
Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa
ating balikat
Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa
ang kaakibat.
Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan
daw siya
Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa
niyang nakangiti
Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay,
animo totoo
Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may
lambong na siphayo!
Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman
ng mga lubak
Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot,
at kung ano pa
Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa
kabantutan
Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya,
sinong gaganahan?
Hindi na lang sana siya nangako, dahil
lahat ng daa’y masukal
Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay,
hindi matiwasay
Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido
ng isang tao
Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng
tuwid na daan –
…ito pa kayang isang tao na
wala pang napatunayan?
Discussion