0

Perla...(para kay Perla Buhay)

Posted on Friday, 1 January 2016

Perla
(para kay Perla Buhay)
Ni Apolinario Villalobos

Ang karangyaang naipagkait sa murang gulang
Ay nagsilbing lakas upang si Perla’y magsikap
Para sa kanya, ang buhay ay puno ng pag-asa
Na sa tamang panaho’y magdudulot ng biyaya.

Mga pangarap ang humubog ng kanyang buhay
Natanim sa isip habang kinakaya ang pagsubok
Dasal sa Panginoon sa kanya’y nagbigay ng lakas
Habang tinatahak niya ang baku-bakong landas.

Mga pagsisikap niya’y hindi binigo ng Panginoon
Dahil pangarap niya ay nagkaroon ng katuparan
Napatunayan niyang may kapalit ang pagtitiyaga
Lalo’t gagawin itong hindi nanlalamang ng kapwa.

Angkop ang pangalang Perla sa kanyang pagkatao
Na hango sa perlas, maselang yaman ng karagatan
Nagdadagdag -akit, sinuman ang magsuot na dilag
Kaya ang lalaking ‘di sumulyap at humanga ay bulag!

Perlas siya ng buhay…siya ay isang pamukaw-sigla
Inspirasyon at lakas ng iba upang maging masigasig
Dahil napatunayan niyang mahalaga ang magsikap
Upang magkaroon ng katuparan ang mga pangarap!

(Si Perla ay nakatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsikap…naging
self-supporting. Nagkaroon ng trabaho, hanggang ang swerte sa ibayong
dagat ay kumaway sa kanya. Siya ay nakapag-asawa ng isang Amerikano
na todo ang pag-unawa sa adbokasiya niyang pagtulong sa mga maralitang
Pilipino at mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.)



Discussion

Leave a response