TANIM-BALA NA NAMAN...DAPAT IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!
Posted on Wednesday, 20 April 2016
TANIM-BALA
NA NAMAN…
DAPAT
IMBESTIGAHAN DIN ANG NAGTUTULAK NG WHEELCHAIR!
Ni Apolinario Villalobos
NAKAKAHIYA
ANG GOBYERNO AT ANG NAIA MANAGEMENT!
Maliwanag ang nakakasusulasok na kapabayaan
ng NAIA management. Iisang bala na nakuha raw sa bag ng isang matandang babaeng
pasahero ay naging dahilan upang hindi matuloy ang pagsakay nito papunta sa
Amerika upang magpagamot. Walang nakita sa unang dalawang X-ray, subalit sa
ikatlong X-ray ay nakitaan ng bala. Ito yong X-ray na ginagamit bago sumakay sa
eroplano ang mga pasahero kaya kung may problema ay siguradong kakagat sa
panggigipit kung may “problema” tulad ng “makitang” bala.
Ang matanda ay nakasakay sa wheel chair at
itinutulak ng porter. Ayon sa pamangkin, nagtitinginan daw ang porter at ang
mga nago-operate ng X-ray. Bukas ang isang bahagi ng bag. Hindi maiiwasang
mahawakan ng porter na nagtutulak ng wheelchair ang gamit ng matanda kung ito
ay “alalayan” niya sa pagsakay at pagtayo. Nang makita sa X-ray screen ang bala, may
narinig ang pamangkin ng matanda na pasahero din mula sa grupo ng mga NAIA
personnel na nagsabi ng “naku!...mahina ang fifty thousand diyan…”. BAKIT HINDI
RIN IMBESTIGAHAN ANG PORTER NA NAGTULAK NG WHEELCHAIR, MALIBAN SA MGA X-RAY
OPERATORS? Walang magic na nangyayari….common sense at matinding analysis lang
ang kailangan!
Pinatayo daw ng mga airport police ang matandang
naka-wheelchair upang magbukas ng iba pa niyang bagahe. Kahit hirap ay tumayo
ang matanda kaya napaiyak na lang sa awa ang kasamang pamangkin. Ang pamangkin
ay pinilit ng matandang sumakay na dahil nag-aapura sa boarding. Ang naiwang
matanda ay maghapong pinalipat-lipat ng mga opisina hanggang sa makarating siya
sa opisina ng piskal upang sampahan ng kaso. Bahit hindi na lang kinumpiska ang
nag-iisang bala lalo pa at isang matanda ang may dala? Bakit hindi ito ituring
na tulad ng ibang “dangerous goods” tulad ng lighter, gunting, etc.?
Nakamamatay ba ang nag-iisang bala kung wala namang trigger ng baril na pipitik
dito?
Ang hindi maintindihan sa mga pangyayaring
ito ay kung may common sense ba ang mga airport police at X-ray operators na
mga empleyado ng DOTC, ba o wala. Ano na ang nangyari iba pang kaso at nasaan
ang mga ebidensiya, dahil ayon sa mga report ay wala naman daw kundi log
reports lang? May natanggal bang airport police at X-ray operators?
BAKIT NANDIYAN PA ANG MANAGER NG NAIA NA
NAGSASABING HANGGANG COORDINATION LANG SIYA?....AT, ANO ANG MASASABI NG
DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS, LALO NA NG MAGALING DAW NA
PRESIDENTE NG PILIPINAS!
NOONG PANAHON NI GLORIA ARROYO, PROBLEMA
LANG SA PARKING LOT NG NAIA AY NAGING DAHILAN NA UPANG SIYA AY PERSONAL NA
MAG-CHECK SA MADALING ARAW…UNANNOUNCED KAYA HULING-HULI ANG MGA PABAYA! NGAYON,
WALANG MAASAHANG TULAD NITO ANG TAONG BAYAN!
TAKE NOTE…..ANG MGA TAONG NABANGGIT AY
HINDI NAGMUMURA…GANOON PA MAN, “DISENTE” BA SILA SA KABILA NG MGA PERHUWISYONG
DULOT NG KANILANG KAPABAYAAN?
Discussion