Dapat "Magpaka-disente" ang mga Botante...Piliin ang Iboboto: Ang Kurakot? Ang Walang Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, ang Nagmumura dahil Galit sa mga Magnanakaw, Drug Pusher, Rapist, etc.!
Posted on Wednesday, 20 April 2016
Dapat
“Magpaka-disente” ang mga Botante…
Piliin
Ang Iboboto: Ang Kurakot? Ang Walang
Gulugod kaya Sumasandal sa Iba? O, ang Nagmumura Dahil Galit sa mga Magnanakaw,
Drug Pusher, Rapist, etc.!
Ni Apolinario Villalobos
Kung gagamitin ang mismong sinabi ni Roxas
na “magpaka-disente” daw ang mga botante,
ipinahihiwatig niyang huwag iboto si
Duterte dahil nagmumura kaya hindi disente….kulang na lang ay sabihin niyang
nakakahiya ang ugali. Ang pinagbatayan
na naman ng kanyang sinabi ay ang mahigit dalawang dekadang kaso ng pag-rape at
pagpatay sa isang dayuhang misyonarya kung kaylan, dahil sa sobrang galit ay
nagbitaw si Duterte ng mga hindi magagandang salita, na pinagsisihan na rin
niya. Kaya, ano ang problema ng mga kalaban niya?...gusto yata nila ay umatras
si Duterte dahil sa ginawa niyang yon!
May mga “salitang kanto” na lumalabas sa
bibig ng ibang taong nanggagalaiti galit. Subalit hindi nangangahulugang ang
taong marunong ng salitang kanto ay hindi na disente, bagkus ito ay patunay ng
kanyang malawak na kaalaman dahil pati salitang kanto ay alam niya. Para yata
sa mga disenteng edukado daw at mga mayayaman pero may makitid na isip, ang
pagsambit ng “Oh, my God!”, o “Jesus Christ!”, o “For Christ’s Sake!”, o
“Jesus!”, kapag nagulat o nagalit ang isang tao ay hindi masama, ganoong mas
higit pa ito sa pagmumura, dahil ang mga nabanggit ay itinuturing na
“blasphemy”. Para yata sa kanila, disenteng pakinggan ang mga “blasphemy” na
ito dahil English kaysa pagmumura sa Pilipino!
Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may
dahilan. May nabubuntis dahil kung hindi ni-rape ng ka- eyeball niya na nakilala
lang sa facebook ay nagbigay ng pagkababae niya sa lalaki. May naempatso o
nabundat dahil sa sobrang katakawan. May tangang nadulas o nahulog sa hagdanan
o nadapa dahil nagti-text habang naglalakad. May hinimatay sa katatawa dahil
nakarinig ng Erap o Miriam joke o di kaya ay dahil kiniliti sa magkabilang
kili-kili at talampakan. May nagmura dahil nagalit sa mga taong gumawa ng
masama. At ang pinakamasama ay may nagnakaw sa kaban ng bayan dahil sa sagad-
butong pagkagahamang ugali, o di kaya ay nagpabaya sa trabaho at obligasyon
dahil walang alam! Sino ba ang gustong magmura na alam naman ng kahit hindi
nakapag-aral, ay masama? Dapat alalahaning kahit taong bulag kung kalabitin ay
lumilingon!
May kasabihan sa Pilipino na, “tahimik,
nguni’t nasa loob ang kulo”. Ibig sabihin ay may mga taong tatahi-tahimik
subalit nagpipigil lang na magpakita ng maka-demonyong laman ng kanilang isip
at may kinikimkim na masamang ugali na nagpapatigas ng puso upang maging animo
ay bakal sa kawalan ng pakialam sa kapwa-tao. At, ang iba na nagbabait-baitan,
hindi man maringgan ng pagmumura nang harap-harapan ay IMPOSIBLENG hindi
mag-isip ng masama sa kagalit o di kaya ay murahin ito sa kanyang panaginip at
diwa. At, ang pinakamasama ay ITI-TSISMIS ang kagalit pero nginigitian naman
kung kaharap! Dahil sa kapipigil ng mga masasamang iniisip, marami tuloy ang nadudulas sa pagsasalita na
nagkakanulo sa kanila.
Sino sa palagay ni Roxas ang may busilak na
damdamin at diwa kaya hindi nakakapagbitaw at nag-iisip ng masama?...kung
sasabihin niyang ang mga santo papa, mali siya!...kung sasabihin niyang ang mga
sinaunang mga propeta, mali siya!...kung sasabihin niyang si Hesus, lalong mali
siya dahil minura din nito ang isang kawawang puno na hindi nagkaroon ng bunga,
kaya wala siyang makain noong siya ay nagugutom, kaya dahil sa ginawa niya,
ayon sa Bibliya, ito ay nalanta! May hinimatay man lang ba sa pagmumura ni
Duterte? Wala ni isa mang tao na sa buong buhay niya ay hindi nag-isip ng
masama o nakapagmura dahil nagalit o nagulat.
Ang taong disente ay may sariling pag-iisip
at paninindigan. Hindi nasusukat ang pagka-disente sa mga pagmumurang
nasasambit dahil itong ugali ay isa sa mga paraan upang hindi manikip ang
dibdib ng isang tao dahil hindi niya kinikimkim ang sama ng loob. Meron na
ngayong “shout therapy” at sa pagsigaw ay pwedeng magmura habang iniisip ang
mga kinaiinisan, lalo na tao. Kaya maraming naee-stress ngayon ay dahil hindi
naglalabas ng galit kahit man lang sa pagmumura. At meron ding mga physical exercises na upang
magkaroon ng magandang epekto sa katawan ay kailangang sabayan ng pagsigaw. Ang
pagsigaw at pagmura ay pareho lang, at walang physical na pananakit, hindi
tulad ng mga paraang pagsuntok o pagsampal ng kapwa, dingding, mesa, manghabol
ng itak, o mamaril ng walang patumangga (unscrupulously). At, kadalasan, ang
mga nagmumura na nagpapaluwag lang ng dibdib ay walang tinutukoy na tao.
Ang HINDI DISENTE ay taong malamya (spineless
or with “soft personality”) at walang sariling paninindigan kaya ni hindi
marunong mag-isip ng sariling plano sa buhay dahil mas gusto pa niyang sumandal
sa taong wala namang napatunayan! Isama pa diyan ang nagmamaang-maangang
matalino at malinis, yon pala hindi rin nalalayo sa dating daang pinagyayabang
ng iba ang gustong tahakin kung manalo siya. At, ang pinakamarumal-dumal ay ang
taong “kurakot to the bones” na ang plano ay ikalat sa buong bansa ang salot ng
korapsyon na kanyang sinimulan sa isang bayan!
Ang sinasabi ng mga disente ay hindi daw
dapat gamiting joke ang “rape” o pagkagahasa ng isang babae dahil nakakasakit
ng damdamin ng mga kaanak at kapwa babae. Pero ang mga joke tungkol sa
pangungurakot sa kaban ng bayan at kapabayaan kaya marami ang nagugutom, ay
hindi lang nakakasakit, kundi nakakamatay at MALAWAK pa ang pinsala…buong
bansa, hindi lang ilang sector ng populasyon! Bakit walang sinasabi tungkol
dito ang mga disente kuno?
Asahan pa ang ibang kakalkalin ng mga
desperadong kalaban ni Duterte…at baka bigla silang maglabas ng mga kuwento
tulad ng tungkol sa kawawang asong ulol na sinipa niya, inosenteng ipis na
tinapakan niya, mga dagang makulit na pinakain niya ng Dora o Racumen, mga
lamok na gusto lang” humalik” pero walang awa niyang inispreyhan, etc.!
May kasabihang kapag nanduro ang isang tao,
iisang daliri lang ang nakaturo sa kanyang dinuduro, samantalang ang nakaturo
sa kanya ay tatlo niyang sariling mga daliri! (One who accuses somebody points
only one finger to him, while his own three fingers are pointing back at him
(accuser)!)
Discussion