Ang Pagka-desperado ng mga Tauhan ni Pnoy Aquino
Posted on Thursday, 28 April 2016
Ang
Pagka-desperado ng mga Tauhan
Ni
Pnoy Aquino
Ni Apolinario Villalobos
Lahat na lang ng mga tauhan ni Pnoy Aquino
sa kanyang administrasyon ay nagpapakita ng desperasyon sa pagtanggol sa kanya.
Silang mga kalihim ng mga ahensiya ay wala nang sinabing tugma sa mga totoong
nangyayari sa bansa. Ang pinakahuling nagsalita ay ang kalihim ng Department of
Justice na si Emmanuel Caparas na pumalit kay de Lima. Sabihin ba namang ang
pinakabagong insidente ng “tanim-bala” sa NAIA ay ginagamit daw ng oposisyon o mga
kalaban ng administrasyon upang siraan si Pnoy Aquino.
Gusto yatang magpatawa ni Caparas….dahil,
kahit walang pulitikong kalaban ng administrasyon ang magsalita, maliwanag pa
sa sikat ng araw sa katanghalian ang nangyari dahil malinaw ang mga mga sinabi
ng mga nabiktima, na hindi naman inunawa ng mga taga-airport! Ano na ba ang
ginawa ng Department of Justice sa mga nakaraang mga kaso ng
“tanim-bala”?...WALA! Ang palusot ay nasa korte na daw, pero halos nalibing na
yata sa kalimot dahil walang narinig na mga sangkot sa airport na nakulong,
kundi nasuspinde lamang.
Ni wala ring inisyung kautusan si Pnoy
upang “mahilot” upang “lumambot” kahit papaano ang pa-gagong pag-interpret sa
batas tungkol sa carriage of ammunition, na dapat ay noon pa niya ginawa nang
pumutok nang sunud-sunod ang eskandalong ito na nagpapangit sa imahe ng bansa
sa international community. Paanong maging “deadly ammunition” ang bala kung
walang pipitik na gatilyo ng baril? Kung iisang bala lang naman ang binitbit ng
tangang pasahero na nag-akalang anting-anting ito, bakit hindi na lang
kumpiskahin, i-log at papirmahan sa nakumpiskahan ang report. Bakit hindi na lang ihanay ang nag-iisang bala
sa ibang bawal bitbitin sa loob ng eroplano tulad ng lighter, butane cartridge,
kutsilyo, gunting at iba pang talagang nakamamatay? Nakakatawa ring pati
packing tape ay bawal ding bitbitin kaya sa isang araw ay mapupuno ang isang
kahon ng mga tirang tape na dala ng mga pasaherong nagbaon upang pangsara sa
mga bagahe nila bago pumasok sa pre-departure area, pagpapakita ng kawalan nila
ng tiwala sa mga taga-airport. Mismong ang hepe ng PAO ay nagpakita ng
pagkadismaya sa ginagawang ito ng mga taga-airport.
Sa kaso ng matandang mag-asawa na
nakumpiskahan ng nag-iisang bala, sa kabila ng malinaw na kawalan nila ng
intensiyong manakit ng ibang pasahero ay pinigil pa rin sila at diniretso sa
isang piskal upang kasuhan!....bakit ganoon kabilis? Hindi pa ba sapat ang mga
deklarasyon nila na malinaw namang may katapatan? Kung ginamit ng mga
taga-airport ang maayos nilang “prerogative” ay maaaring nakasakay ang
mag-asawa. PERO, ANG MALINAW AY GINAWA ANG PANGGIPIT SA PINAKAHULING X-RAY
CHECK NG MGA BAGAHE BAGO SUMAKAY NG EROPLANO PARA TALAGANG MAIPIT ANG PASAHERO
UPANG MAPILITANG KUMAGAT SA KOTONG O MAGLAGAY NG HINIHINGING PHP50,000! MALINAW
DIN NA TALAGANG “PINAG-ISIPANG MABUTI” ANG RAKET NA ITO!
Walang ginagawa ang administrasyon ni
Aquino sa mga kapalpakan sa mga terminal ng airport sa Manila, lalo na sa
terminal 1 at 3. Ang mga itinalaga naman niyang mga Manager, lalo na ang nasa
terminal 1 ay bantad din sa mga pangyayari dahil para sa kanya, hanggang
“coordination” lang daw siya. Ang pinakahuling balita, sira daw ang escalator
papunta sa lounge ng terminal 3. Ang escalator naman ng terminal 2 ay madalas
ding masira. At ang nakakatawa ay ang kawalan ng “escalator pababa” sa terminal
2, at nag-iisa lang ang palyadong mechanical na hagdanang ito, na nasa Domestic
wing ng terminal. Kung masira ang nag-iisang escalator, ang mga PWD, matatanda
at buntis ay kailangang mag-elevator papunta sa ticket office o sa
pre-departure area…kung gumagana ito, dahil kung sira din ay mapipilitan silang
gumamit ng hagdanan. At, ang “cute” na elevator ay para lang sa iilang
tao…malinaw na hindi angkop sa isang pasilidad tulad ng international airport!
Maski sinong Pilipinong madalas sumakay ng
eroplano ay alam ang mala-impiyernong kalagayan sa mga airport terminal ng
Maynila kaya dapat mag-ingat sa pagsabi ang mga tauhan ni Pnoy Aquino na maayos
na ang mga ito. Huwag nilang gaguhin ang mga mananakay ng eroplano.
Sa malas, ang mga pinagtatalaga ni Pnoy sa
mga nabakanteng ahensiya ang dumidiin sa kanya upang lalo siyang lumubog, dahil
sa mga binibitiwan nilang hindi pinag-isipang mga salita. Mali yata ang mga
nangyayari dahil dapat sana, habang palapit
na ang pagsara ng administrayon ni Pnoy ay puro magaganda at maaayos ang
nakikita ng mga Pilipino, sa kasamaang palad ay puro kapalpakan!
Discussion