0

Ang Tagumpay....(para sa Batch 1973-74, Real Elementary Schoo, Bacoor City, Cavite)

Posted on Monday, 4 April 2016

Ang Tagumpay
(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School
Bacoor City, Cavite)
Ni Apolinario Villalobos

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?
…nagtapos sa isang kilalang unibersidad
   ng pinakamataas na kurso?
…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak
   na naging bahagi ng isang malaking pamilya?
…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya
   kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…
Higit pa sa isang mataas na kurso…
Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…
Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso
Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento
Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon
At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad
Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad
Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam
Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya
Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat
Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat
Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!




Discussion

Leave a response