Ang "Palusot" Tradition sa Pilipinas...dahil sa kahinaan ng mga batas
Posted on Thursday, 14 April 2016
Ang
“Palusot” Tradition sa Pilipinas
…dahil
sa kahinaan ng mga batas
Ni Apolinario Villalobos
Sabay pumutok ang mga balita tungkol sa
piyansang napagtagumpayan ni Janet Napoles kaya nakalaya siya, at ang pagkalugi
daw ng Loyola Plans kaya ang mga nagbabayad ng plans at ang mga mga nag-mature
na ay hindi nakuha. Sa kaso ni Napoles, ang mga witnesses laban sa kanya ngayon
ay nangangamba sa kanilang kaligtasan at nakanganga sa kawalan dahil hindi
makapaniwala…na-shock. Sa kaso ng Loyola Plans, ang mga magulang ay
humahagulhol at ang iba ay malamang inatake sa puso…samantalang ang kanilang
mga anak ay out-of-school ngayon dahil walang pang-tuition.
Ang nagagawa ng mga walang perang pambayad
sa magagaling na abogado at iba pang gastusin, ay hanggang sa pagsampa na lang
ng kaso. Kung suwertehin mang umusad ay sandali lang. May libreng abogado nga
sa PAO subalit, paano ang pamasahe papunta sa opisina nila, ang pagkain kung
abutin sa biyahe dahil sa mala-impyernong trapik, ang mga dokumentong
hahagilapin at ipapa-notarize? Ito ang nakikita ng mga kriminal, tulad ng mga
estapador, illegal recruiters, drug lords, at iba pang mga anay ng lipunan.
Dahil sa kahirapan ng pangkaraniwang Pilipino na halos hindi makakain tatlong
beses sa isang araw, ang dokumento ng mga kaso nila ay nag-iipon na lang ng
alikabok sa mga korte, hanggang magkalimutan….kaya, ang mga tiwali ay lusot!!!
Hangga’t may nakakalusot na mga tiwali
dahil sa kahinaan at pagkakaroon ng maraming butas ng mga batas , mahihirapan
talagang magkaroon ng hustisya sa Pilipinas…..
Discussion