Ang Tama at Mali sa Buhay ng Tao
Posted on Wednesday, 6 April 2016
Ang Tama at Mali sa Buhay ng Tao
Ni Apolinario
Villalobos
Ang mga leksiyon na nagiging batayan sa pag-usad ng
buhay ng tao ay hindi lang nakukuha sa mga magaganda niyang karanasan at ginawa,
kundi pati na rin sa mga hindi maganda niyang nagawa at nadanasan.
Kung walang nagagawang pagkakamali sa ibabaw ng mundo,
ang buhay ay hindi uusad, at sa halip ay titigil sa mga inaakalang tama.
Sa isang banda, paanong masasabing ang isang ginawa ay tama
kung walang paghahambingang pagkakamali?
Discussion