Tungkol Pa Rin sa "Kidapawan Massacre"
Posted on Thursday, 7 April 2016
Tungkol
Pa Rin sa “Kidapawan Massacre”
Ni Apolinario Villalobos
“Tulungan natin ang ating mga
kasama…depensa, depensa!”….ito ang sagot ng hepe ng pulisya ng probinsiya ng
North Cotabato kung sino ang nag-utos na paputukan ang mga magsasaka… “judgment
call” daw ito. Subalit ang sumunod ay mga putok. Hindi nga niya tahasang inutos
na magpaputok, pero ang sinabi niya ay itinuring na utos para gawin ito, dahil
alangan namang makikipagsuntukan ang mga pulis sa mga magsasaka. Idiniin din
siya ng nakakataas sa kanya na nagsabing ang tanging utos niya ay i-clear ang
highway. Ang gobernadora ng North Cotabatao ay tahasang nagsabi na labas siya
sa isyu dahil wala daw siyang kaalaman sa ganoong operasyon dahil hanggang sa
overall Crisis Committee lang siya .
Sana ay inisip ng gobernadora na hindi
nangyari ang madugong “Kidapawan massacre” kung noon pa mang lumabas na ang
aprubal upang ituring na kalamidad ang tag-tuyot sa probinsiya ay namigay na
siya ng bigas. Ang aspeto ding ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng Commission
on Human Rights. Dapat isama nila sa imbestigasyon ang gobernadora na siyang
may hawak ng calamity fund, na dapat ding alamin kung saan napunta. Kung tuwing
mag-imbestiga ang Commission on Human Rights ay “tinatalbusan” lang ang mga
kaso, sa halip na “bunutin ang ugat”, paanong matigil ang mga masamang
nangyayari sa bansa?
Nakialam pa si Enrile sa pagsabi na may
kulay-pulitika daw ang imbestigasyon dahil naki-imbestiga pa ang dalawang
senador na tumatakbo sa eleksiyon. Kung hindi sasali ang dalawang senador
sigurado ba ang patas na resulta dahil ang ibang miyembro ay pro-administration?
At ang isyu dito ay obvious na pang-aapi kaya kasamang nag-iimbestiga ay
Commission on Human Rights, kahit pa marami na rin ang nagdududa sa
kredibilidan nito. Mukhang may ibig sabihin ang mga sinasabi ni Enrile na
halatang pabor sa administrasyon. Dapat ay nasa kulungan siya tulad nina Bong
Revilla at Jinggoy Estrada, subalit nasa labas dahil sa isang madalas gamiting
dahilan ng mga nakakulong….ang sakit, kaya kailangan daw ang “hospital arrest”.
Maliban sa pagkamatay ng ilang magsasaka, ang
isa pang masakit na resulta ng “Kidapawan massacre” ay pagkulong sa ilang mga
matatanda at buntis na kinasuhan pa ng “direct assault” ganoong hinakot sila
bago pa nagkaroon ng kaguluhan. Nilinlang sila ng mga pulis nang sabihan silang
ihahatid daw sa kanilang pinanggalingan, pero pakakainin daw muna, kaya
idineretso sila sa Kidapawan gym. Ang nagpakain sa kanila ay mga naawang mga
kababayan at hindi ang gobyerno, subalit, pagkatapos daw ay tinuluyan sila ng
reklamo at sinampahan ng kaso kaya nangangailangan sila ngayon ng 12,000 pesos
na pang-piyansa, subalit naibaba sa 2,000 pesos.
Ang mga buntis ay mangiyak-ngiyak pa sa
pagsabi na kailangan nilang umuwi dahil may mga maliliit silang anak na dapat
alagaan. Ang malaking tanong ay bakit
sila kinasuhan ng “direct assault” kung inalis sila sa lugar ng rally bago
nagkaroon ng marahas na dispersal? Ginamit lang yata silang mga “ebidensiya”
kuno para magkaroon ng bigat ang reklamo din ng kapulisan at lokal na
pamahalaan. Ganoon na ba ka-lupit ang mga dapat ay nagbibigay ng proteksiyon sa
taong bayan?
Ayon kay Senador Coco Pimentel ng Senate
Justice and Human Rights Committee, walang dumating na representative mula sa
DILG, DSW, DA at NEDA na namumuno pala sa El Niἧo Task Force.
Hindi rin dumating ang Executive Secretary na siya sanang representative ng
presidente. Kahit isang kapirasong statement tungkol sa nangyaring “massacre”
sa Kidapawan ay walang inilabas ang Malakanyang.
Anong konsiyensiya meron ang mga opisyal
natin?....mga kapwa-Pilipinong humihingi ng ilang kilong bigas ay animo
pinakain ng bala, at ang iba ay ikinulong, kaya natataranta sa paghanap ng
pang-piyansa, ganoong wala na ngang pambili ng kahit isang kilong bigas maski pa
sabihin ni Alcala, kalihim ng Department of Agriculture na mura ang bigas sa
Kidapawan?
Sa paghahanap ng Calamity Fund, hindi
pwedeng idahilan na kailangan ang mahabang proseso bago ma-release ito. May mga
nagsasabi ding “nagamit” daw ang mga magsasaka ng ilang tao…pero ang tanong ay
bakit hinayaan ng gobyernong umabot sa ganitong sitwasyon, ganoong kaya namang
ibigay ang hinihinging ilang kilong bigas…agad??!!
Discussion