Mga Tagpi-tagping Yugto ng Buhay
Posted on Sunday, 17 April 2016
Mga
Tagpi-tagping Yugto ng Buhay
Ni Apolinario Villalobos
·
Ang kaibigan kong galing sa
Sunday Mass…
Nasalubong ko ang kaibigan kong kagagaling
lang sa pagsimba, isang umaga ng Linggo, pero parang nilamukos ang mukha sa
sobrang galit. Nang batiin ko at tanungin kung bakit, sagot niya: “Muntik na
akong masagasaan ng hinayupak na jeep sa labasan”. Sana excused siya sa pagmura
dahil kasisimba lang niya.
·
Ang kaibigan kong bumili ng
taho…
Nasalubong ko ang isa ko pang kaibigan na
pabalik sa kanyang kotseng mamahalin at nakaparada sa labas ng MERALCO dahil
nagbayad siya ng bill. Filthy rich ang kaibigan kong ito, nagyayabang pang
taga-Custom siya at hindi nga raw natitinag sa puwesto kahit ilang beses nang
nagpalit ng Commisioner. Nagmumura ding naglabas ng sama ng loob sa akin. Sabi
niya sa akin: “ang walanghiyang matandang nagtitinda ng taho diyan sa kanto,
gusto yata akong dugasin (lokohin)”. Tanong ko, bakit?...sabi niya: “aba’y wala
daw panukli sa pera ko, gusto yata ay i-keep the change ko”. Nang tanungin ko
kung magkano ang pera niya, ang sagot: “isang libo”. Ang binili niyang taho ay
halagang sampung piso…at siya ay taga-Custom…kaya filthy rich.
·
Ang paring nagmimisa at
marunong ng Kastila…
Kuwento lang ito ng kaibigan ko tungkol sa
paring nagmimisa daw sa chapel nila sa probinsiya. Noong kapistahan daw nila,
sobrang busy ang pari, halos walang pahinga, at marami pang tao dahil pista
nga. Noong hapon na, nagmisa uli ang pari pero lalong dumami ang mga tao sa
labas ng simbahan dahil hindi kalayuan ay may perya. Isang grupo ng mga aso ang
nagrambol kaya naghabulan at sa paghabulan ay
nakapasok sa kapilya kaya nagulo ang misa. Takbuhan ang mga tao at ang
pari ay sumigaw sa mikropono: “punyetang mga aso yan…itaboy nyo nga!”. Sabi ng
kaibigan ko, with feeling daw nang mag-Kastila ang pari…pero iisang salitang
Kastila lang daw yata ang alam at dahil paulit-ulit siguro kung gamitin, naging
malutong na ito kung kanyang bigkasin…ito ang salitang “punyeta”. Linguist pala
ang pari nila!
·
Ang kumpare kong abogado at
ambisyoso….
Nang minsang bisitahin ko ang kumpare kong
abogado sa mansion niya, masaya niyang ibinalitang naipanalo niya ang kaso ng
kliyente niyang intsik. Ang di niya alam ay alam ko na ang kliyente niya ay Chinese
drug lord. Habang nagkakape kami, sabi niya: “pare, next year college na ang
inaanak mo, at ang sabi ko sa kanya, abogasya ang kunin niya para kapag
nakatapos at nakapasa sa Bar ay ipapakilala ko sa mga kamag-anak naming
pulitiko sa norte….mabuti na yong habang maaga ay pumasok siya sa larangang
iyan para maraming matutunan…aba’y diyan yumaman ang mga kamag-anak namin…kung
di nga lang sa mga kliyente kong “foreigner” (mga drug lord na intsik yata ang
ibig niyang sabihin), papasok din ako diyan, eh.” Tanong ko: “gusto ba ng
inaanak kong pumasok sa pulitika?” Sagot niya: “aba’y oo…idol nga niya ang mga
abogado ni Janet Napoles…ang gagaling daw dahil nakapagpiyansa sila!”
- Ang kaibigan kong health conscious….
Nasalubong ko ang kaibigan kong
taga-exclusive subdivision sa labasan nila, isang umaga na naka-jogging outfit
at may dalang basyong shopping bag. Papunta ako sa MERALCO upang pumila para sa pagbukas nila nang 7:30AM. Nang
batiin ko, sabi niya: “Galing ako sa jogging at nagkainan kami, pare, diyan sa
libingan ng mga Re……(exclusive cemetery). Hindi nga sila magkandaugaga sa
pagkain ng dinala kong Bicol express na ginataang taba ng baboy na binagoongan
din at maraming sili, may patang inadobo pa!….ayon, halos hindi sila makahinga
sa busog, nag-aalala lang ako sa isa dahil naempatso yata”. Dahil nagmamadali,
tinanong ko kung saan pa ang punta niya. Sabi niya: “Uuwi pa ako dahil kukunin
ko ang niluto kong sisig at natirang Bicol express para naman sa mga nag-gym”.
Talagang health conscious ang kaibigan ko at mga kaibigan niya…nagda-jogging at
nagdi-gym….at ganadong kumain!
Discussion