Showing posts with label trust. Show all posts

0

Vices and Gainful Destruction are Conceived by the Selfish and Evil-Minded

Posted on Monday, 17 October 2016

VICES AND GAINFUL DESTRUCTION
ARE CONCEIVED BY THE SELFISH AND EVIL- MINDED
By Apolinario Villalobos

People travel to places after being told by friends that they are worth visiting, aside from reading about them in magazines, both printed and televised…so they spend for it. Their need to see places have been conceived by other people and various forms of media that practically, entice them to embark on an adventure. Without the encouragement, people will not even think of leaving their home because they have no idea that beautiful places exist somewhere.  It is in this manner that the evil-minded have conceived vices for their unsuspecting victims to enjoy, such that, they will attain a euphoric state of satisfaction when they indulge themselves in them. Later, these vices which could be alcohol, cigarette, gambling, and drugs would develop into some sort of necessities of their victims. At the end, the evil-minded have become successful in creating the needs for their victims.

There has been no need for bombs and guns until such need was created by people who thought of gainful destruction. Along with what have been made to attain a selfish motive, the manner, with which they could be used have been conceived, so there are wars and terrorism. Had the evil-minded not brought forth into the world such instrumentalities of destruction, people would have thought of just reaping the grains in the field as they get ripe, hunt for food needed for a day or two, enjoy the moon when it is in its fullest, and worship Nature as a manifestation of a powerful Force….in other words, just lead a simple life, until today.

The tendency of man to abuse has underlined his evil-mindedness. And, because of that, practically, everything that has got to do with life has been abused, such as, kindness, authority, trust, love, Nature, food, water, medicine, animals, plants, mental faculty, etc. His disdainful selfishness has eventually, led him to a gainful destruction that likewise, leads him along the path of self-destruction!



0

Ang Pagtiwala, Pag-aakala, at Pagbakasakali

Posted on Sunday, 11 September 2016

ANG PAGTIWALA, PAG-AAKALA, AT PAGBAKASAKALI
Ni Apolinario Villalobos


Ilang beses na rin akong naging biktima ng mga akala ko ay mga kaibigan kaya nagtiwala ako ng lubos dahil naging palagay ang loob ko sa kanila. May mga tao palang hindi nakakapagsabi ng tunay nilang saloobin sa kanilang kaibigan nang harap-harapan,  at sa halip ay binabahagi pa sa ibang tao ang mga dapat sana ay mga ipinagkatiwala sa kanila. Sa ginagawa nila ay mistulang pinaglalaruan nila ang tiwala ng kaibigan nila. Ang mga nabibikitima ng ganitong ugali ay napapanganga na lang bandang huli, sabay tingala sa langit at tanong ng, “bakit nagkaganoon?…AKALA ko ay magkaibigan kami!”. Yan ang dakilang “AKALA” na hindi lang iilang tao ang ipinahamak!

May mga tao na ang habol lang sa mga kinakaibigan ay mga kapanibangang makukuha sa kanila. Sila ang tinatawag sa Ingles na “user”. Dalawang uri ang ganitong mga tao….ang isa ay yong ang gusto ay makinabang lang kaya ang tawag sa kanila ay mga “linta”, at ang isa pang uri ay yong mga nakikipag-ungguyan o nakikipagbolahanan sa kapwa upang makinabang silang pareho sa isa’t isa…sila naman ang nagbuhay sa kasabihan sa Ingles na, “scratch my back and I will scratch yours”. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit talamak ang korapsyon sa gobyerno. Sila ang mga anay at bukbok ng lipunan!

Sa isang banda, madaling magtiwala sa kapwa dahil likas na sa tao ang pagkaroon ng kagustuhang makipag-ugnayan sa iba pang bahagi ng lipunan, dahil sa kasabihang Ingles na, “no man is an island”  Ang ganitong uri ng kaugalian na may kinalaman sa tiwala ay kadalasang nasisira dahil sa epekto ng makabagong pamumuhay sa lunsod kung saan ay umiiral ang walang pakialaman. Dahil diyan, sa mga nagtatayugang residential condo buildings, ang magkakalapit-unit ay hindi nagkikibuan dahil sa kawalan ng tiwala. Ang mga nagkakabatian lang ay mga katulong at driver. Ganyan din ang nangyayari sa mga high-end na subdivision, kaya nagkakagulatan na lang kung ang isang kaptibahay pala ay big-time drug lord at meron pang laboratory sa inuupahang mansion! Okey na sana ang pagkaroon ng privacy kahit papaano dahil kailangan ito ng iba, subalit naaabuso naman at ginagamit sa masama.

Kung marami ang naipapahamak ng pagtitiwala, ganoon din sa maling akala. Kaya ang dalawang nabanggit ay maituturing na “magkapatid” na bahagi ng damdamin at paniniwala. Sa magsing-irog na nagpakasal agad pagkalipas ng ilang linggong ligawan, akala nila ay ganoon kadali ang pag-aasawa na ang kaakibat ay pagtitiis at matinding pang-unawa sa isa’t isa. Ang mga may maiksing pisi ng pasensiya at nag-akalang langit ang tutunguhin nila ay nadismaya nang madiskubreng impiyerno pala ang kanilang pinasok kaya biglang nagpaalam sa isa’t isa…pagkatapos ng mga naganap na suntukan, tadyakan, murahan, at sakalan.

Ang pagpili ng pinuno ng bansa ay nakukulayan din ng “akala” batay sa nakikitang panlabas na anyo ng mga nangangampanyang kandidato bago mag-eleksiyon. Kadalasang “llamado” ang may mala-anghel na hilatsa ng mukha, may mayuming ngiti, namumulaklak ang labi ng “po” at “opo”, plantsadong pananamit, nakakabilib na scholastic record, at galing sa pagtalumpati na animo ay contestant sa isang inter-school elocution competition. Ang mukha namang butangero ang mukha, na animo ay kargador sa palengke ang porma, nagmumura, paulit-ulit ang pagsuot ng ilang pirasong damit, at hindi gaanong swabe ang Ingles ay siyempre walang binatbat sa tingin ng mga sosyal. Subalit dahil sa kung ilang beses nang nagkamali ang mga tao sa pagpili ng may nakakabilib na panlabas na kaanyuan, wala silang magawa kundi MAGBAKASAKALI… bunsod na rin ng desperasyon.

Si presidente Duterte ay maituturing na bunga ng pagbabasakali ng mga Pilipino dahil sa mga kapalkapakang nangyari nang malamang ang inakala nilang WISE CHOICE sa nakaraang mga eleksiyon ay BAD CHOICE pala, pero huli na. Pinagkatiwalaan ng mga Pilipino si Duterte dahil sa pag-aakalang siya ang kasagutan sa mga problema ng bansa. Binatay ang pagbabakasakaling magagawa din nito sa buong Pilipinas, ang ginawa niya sa Davao. Tinumbasan din ni Duterte ng katapangan ang pagharap sa problema sa droga, bilang sampol, kaya tila naka-jackpot ang mga Pilipino sa kanya!

Siguro kung taong walang yagbols ang nanalo bilang presidente ng Pilipinas, paswit lang ni Obama, baka napaihi na siya sa pantalon o nagkanda-LBM sa nerbiyos!




0

Mabuti pa ang Aso, Matapat, Hindi Tulad ng Ilang Tao

Posted on Saturday, 13 August 2016

MABUTI PA ANG ASO MATAPAT
HINDI TULAD NG ILANG TAO
Ni Apolinario Villalobos

Mabuti pa ang aso, matapat sa kanyang tao
Hindi tulad ng ilang tao, taksil at manloloko
Hindi iiwanan ng aso ang kanyang tao
Sukdulan mang walang maipakain dito,
Hindi tulad ng ilang tao, nang-iiwan -
Kahit sino, kaibigan o kadugo man.

Maraming kuwento na ang ati’y napakinggan -
Taong iniligtas ng aso sa bingit ng kamatayan
Ang pagligtas ay sa maraming paraan
Nakakagulat at halos di mapaniwalaan
Kaya’t mabuti pa silang ang katalinuhan
Ay ginagamit sa tama at may kabuluhan.

Ang ilang tao naman ay nakakalungkot isipin –
Mismong magulang ay di mabigyang-pansin
Mayroon kasing magulang halos sipain
Ng mga anak, walang puso’t damdamin
Pagkatapos silang arugain at pag-aralin
Kawawang magulang kaya nang suwagin!

Marami pa ring tao, inasahan ng kaibigan nila  –
Forever friends sana sila mula noong bata pa
Subalit nang magkainggitan ay nalusaw na
Tila pagkit sa pagkadikit na friendship nila
Sa dahilang walang kuwenta’t nakakahiya -
Gawa-gawa ng naiinggit na friend din nila!







0

Never Put to Test the Faith of a Person

Posted on Monday, 1 February 2016

Never Put to Test the Faith of a Person
By Apolinario Villalobos

Some people have the habit of putting to test the faith of others. They should take extra care as regards this kind of attitude due to the rise of so many groups that used to be part of the Roman Catholic Church, for instance, and whose primary reason for leaving is the realization that the ceremonious Mass is not for them, though their exit does not necessarily mean the erosion of their faith in God.

Not only are some of the Roman Catholic adherents have this kind of attitude but others who belong to other churches and the various congregations that mushroomed around, assuming different names – all in the name of Jesus. For them, those who “deprive” themselves of the “words of God” will not be saved. But then, what can these “holy” words do when they are not put into action or practiced? A fanatic person may eat the whole Bible, page by page every day, but it will not do him any good if he or she cannot even say “Hi!” to a neighbor.


The best test of faith founded on what Jesus really wanted done, is the test of one’s own. If one can honestly sacrifice for others, share with others, and be consistent in doing them, there is no need to look around and see what others are doing. By then, others will instead emulate what he does. That is what I call faith by practice…that everyone should do, instead of testing that of someone else’s. Do not give somebody the opportunity to put you to shame by sarcastically asking, “…how about you?” 

0

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Posted on Thursday, 28 January 2016

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!


May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya? 

0

Tokens of Love for the Beloved

Posted on Monday, 26 October 2015

Tokens of Love for the Beloved
By Apolinario Villalobos

One need not be rich
to show the love that throbs in his heart.
Tokens are not measured
by the weight of gold and value of paper bills...
not even by the vastness of the land he owns,
or fleet of cars in his garage.
A sincere token of love can be felt by the beloved -
even a peck on the check,
a hug that need not be chokingly tight
but warm enough,
to send a tinge of assurance
that he is just around.


Tokens of love need not be
the oft-repeated promises
broken in a fleeting second by temptations.
A sweet smile that parts the lips
and a touch of one’s finger tips
are enough for tears
to roll down the beloved’s face
and a suppressed sob -
at last, that she lets out
as his love for her…
she can no longer doubt.



0

Ang Pagtitiwala

Posted on Saturday, 17 October 2015

Ang Pagtitiwala
Ni Apolinario Villalobos

Ang ibang tao ay nahihirapang magtiwala sa kapwa-tao. Hindi sila masisisi dahil nga naman sa dami ng mga nangyayaring panloloko at pangraraket tulad ng budol-budol na madalas mapabalita. Dahil sa kawalan ng tiwala, ayaw na tuloy nilang magbigay ng cellphone number man lang kahit sa kaibigan dahil baka daw mapasakamay daw ito ng ibang tao. Subalit mayroon pa ring hindi makapigil sa sarili na makipag-kaibigan sa hindi nila kilala dahil mukha naman daw mga disente at mayaman ang mga ito. Nakakarma tuloy sila, dahil hindi nga nagtitiwala sa mga taong ang kasuutan ay pang-mahirap, nadale naman sila ng mga akala nila ay mayaman, kaya maliban sa ninakawan na ay nari-reyp….at lalong malas ang pinatay pa.

Sa panahon ngayon mahirap pairalin ang kasabihang, “ang tiwala ay nasusuklian ng tiwala” (trust begets trust). Pero yong talagang likas na mapagtiwala at matulungin ay talagang hindi mapipigilan sa pagbukas ng kanilang gate kapag may kumatok upang humingi ng pagkain. Bibihira lang ang ganitong uri ng tao ngayon. Yong iba kasi, basura nga lang sa labas ng gate nila na kinakalkal ng mga batang nangangalakal, ay ikinagagalit pa sa pamamagitan ng pagmumura at pagtaboy sa mga ito. Hindi pa rin sila masisisi dahil talagang may mga nangangalakal na basta magkaroon lang ng pagkakataon ay talagang nagnanakaw – dahil sa kahirapan.

May mga pamilya na dahil sa kawalan ng tiwala sa kasambahay ay naglalagay ng CCTV camera sa loob at labas ng bahay. Subalit kadalasang dahilan ay laan daw para sa mga taong-labas na may masamang pakay o sa madaling sabi, mga magnanakaw. May nagkuwento sa aking nakilala ko na naglayas sa kanyang amo dahil nakikita daw siya sa memory ng CCTV na  kumakain ng junkfoods na nakatabi sa cabinet. Ginawa lang naman daw niya yon dahil noong unang araw niya bilang kasambahay ay magiliw siyang sinabihan na “kung gutom ka, bahala ka nang maghagilap ng makakain mo”. Sinunod naman daw niya. Nang pagsabihan daw siya ng among babae na wala na silang tiwala sa kanya dahil sa madalas niyang pagmeryenda ng junk food, nagpaalam siya subalit hindi siya pinayagan hangga’t wala siyang kapalit. Inabot ng apat na buwan ang paghintay niya pero wala pa rin kaya lumayas na lang siya at iniwan na lang ang dalawang buwang suweldo na hindi pa ibinigay sa kanya, kaysa patuloy siyang inaalipusta.

Ang isa pang uri ng tiwala ay yong sa sariling kakayahan. Maraming taong hindi nakakaalam na mayroon pala silang tinatagong galing. Yong iba naman ay alam talagang may galing sila, subalit nahihiya lang maglabas. Sa panahon ngayon, kailangang may makapal na mukha ang isang tao, hindi nahihiya upang maipakita niya ang kanyang galing. Kailangan ito upang kumita at hindi magutom dahil may magagamit namang galing na bigay ng Diyos. Ang ilan sa mga kagalingan ay sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, pagsulat, at pagkuha ng larawan. Ang mga nagiging sikat na you tube sensations ay halimbawa ng mga ito. Ang mga manunulat naman ay walang tigil sa pag-submit ng mga gawa nila sa mga publishers o di kaya ay magblog. Sa ganitong larangan, mayroong ang gusto ay magsulat upang maibahagi sa iba ang kanilang nalalaman.

Ang pinakamatinding tiwala na maipapakita ng isang tao ay ang tiwala sa Diyos na hindi niya nakikita. Masuwerte yong may Bibliya at nakakabasa tungkol sa Kanya, subalit ang ibang walang pambili ng librong ito ay nagtitiyaga na lamang sa mga naririnig sa radio at napapanood sa TV o di kaya ay sa mga religious rally tulad ng sa EL Shaddai. Ang magandang halimbawa ng masidhing pagtiwala sa Diyos ay ang ginawa ng mga disipulo ni Hesus. Iniwan nila ang kanilang pamilya at trabaho dahil naniwala silang may mahalaga silang misyon. Noong unang panahon ay pwede ang ganoon, dahil iba ang ugali ng mga tao. Subalit sa panahon ngayon, kahit may “misyon” ka pa, hindi kailangang mag-resign sa trabaho dahil gutom ang aabutin mo at ng pamilya mo.

Nakakabahala lang ang ibang tao sa panahon ngayon na dahil sa sobrang tiwala nila sa kaalaman daw nila sa mga bagay tungkol sa Bibliya at Diyos ay itinuturing na nila ang sarili nilang parang si Hesus. Ito ang mga dapat hindi pagkatiwalaan…



0

Mga Diretsahang Usapin tungkol sa Panlabas na Kaanyuan at Imahe ng Tao

Posted on Monday, 24 August 2015

Mga Diretsahang Usapin tungkol sa
Panlabas na Kaanyuan at Imahe ng Tao
Ni Apolinario Villlalobos

Sa diretsahang salita, ang isang ugali ng ibang Pilipino ay ang pagtingin sa panlabas na kaanyuan ng kapwa. Ibig sabihin, maganda lamang ang pakisama nila sa mga kaibigang mamahalin ang kasuutan, may kotse, maganda ang bahay, at lalo na kung may mataas na katungkulan sa trabaho kaya napapakinabangan nila.

Akala ko noon ay gawa-gawang mga kuwento lamang ang naririnig ko tungkol sa mga taong retirado na dating may mataas na tungkulin sa mga kumpanya, na kung pumasyal sa dating opisina ay halos wala nang pumapansin. Karaniwan sa mga retirado ay gustong maaliwalas ang pakiramdam kaya naka-walking shorts lamang at t-shirt kung mamasyal, ibang-iba sa long-sleeved na barong tagalog o long-sleeved polo shirt with matching necktie noong nagtatrabaho pa sila. Ang pinaka-“disenteng” damit na presko para sa kanila nang mag-retire na ay maong at polo shirt lamang. Dahil sa pagbabago sa kanilang pananamit, nagbago na rin ang pagtingin sa kanila ng ibang mga dating kasama sa opisina, makita man sila sa labas o di kaya ay sa hindi nila inaasahang pagdaan sa dating opisina.

Ang isa kong nakausap namang kare-retire lang ay bumili pa ng kotse ganoong halos ay igagarahe lang pala. Ang sabi niya, mabuti daw yong may nakikita sa garahe niya para hindi isipin ng mga kapitbahay na naghihirap na siya, dahil wala na siyang trabaho. At upang ma-maintain din daw niya ang image niya bilang executive sa dating pinapasukan kung siya ay maalalang maimbitahan kung may okasyon. Bandang huli ay nagsisi lang siya nang madagdagan ang maintenance drugs niya para sa cholesterol at diabetes, kaya lumaki ang kanyang gastos lalo na at hindi naman umabot sa sampung libo ang kanyang pensiyon.

May isa namang nagkuwento na dating nagtrabaho sa sa isang airline. Proud daw sa kanya ang mga kamag-anak  at mga kaibigan niya. Subalit nang mag-resign siya, ang iba sa kanila ay umiba rin ang pagtingin sa kanya. Yong isa niyang kaibigan ay nahuli daw niya mismo sa bibig kahit pabirong sinabi nito na wala na raw siyang pakinabang. Noon kasi ay naikukuha pa niya ang pamilya ng kaibigan niya ng discounted tickets sa mga travel agents kung mag-abroad sila, at nakakagawa din daw siya ng paraan kung may problema sila sa booking upang hindi ma-bump off.

Kung lumabas ako ng bahay, mas gusto kong naka –walking shorts at nakasuot ng t-shirt dahil pawisin ako. Nang minsang may nag-text sa akin upang mag-imbita sa isang kilalang restaurant, sinabi kong hindi pwede dahil sa suot ko. Sabi niya okey lang dahil wala naman daw dress code sa nasabing restaurant, kaya pumunta na ako. Nasa restaurant na ako nang malaman kong may iba pala siyang bisita. Sa simula pa lamang, naramdaman ko na ang malabnaw na pagpansin nila sa akin dahil siguro sa suot ko, kaya animo ay tanga akong nanahimik lamang habang nag-uusap sila. Tiyempo namang  binati ako ng manager ng nasabing restaurant na natandaan pala ako nang maging resource speaker sa isang tourism seminar kung saan ay isa siyang participant. Nagulat ang lahat lalo na ang nag-imbita sa akin. Dahil narinig ko naman ang pag-uusap ng grupo na gamit ay “Barok English”, sinadya kong kausapin ang manager sa tamang English. Noon pa lang sila parang naalimpungatan, lalo na nang inimbita ako ng manager sa office niya. Iniwan ko silang nakanganga!

Ang mga leksiyon dito ay:  huwag husgahan ang kapwa batay sa panlabas niyang kasuutan at huwag ding patalo sa pangambang maliitin tayo ng ating kapwa dahil sa ating kasuutan na naaayon sa ating nararamdaman o kasalukuyang kalagayan. Ang payo ko naman sa mga mayayabang at walang utang na loob na mga “kaibigan” ay palaging isipin ang “Ginintuang Kasabihan” o Golden Rule, upang hindi bumalandra sa kanila ang ginagawa nilang hindi maganda sa kanilang kapwa…at lalong huwag gawin ang pakikipagkaibigan upang makinabang lamang!


0

Magno Padua: Matatag na Ama ng Tahanan at Mapagkakatiwalaang Kaibigan

Posted on Tuesday, 11 August 2015

Magno Padua: Matatag na Ama ng Tahanan
At Mapagkakatiwalaang Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Ang pagkatatak ng pangalang nabanggit sa titulo ay hindi na maaaring mawala sa diwa ko. Simula nang ako ay tumira sa isang bahagi ng dating Barangay Real 1, at ngayon ay Real 2 na, siya ay naging kaagapay ko bilang presidente ng aming homeowners’ association, na ang mga miyembro ay iilang pamilya lamang noong dekada otsenta. Iilang bahay pa lamang ang may kuryente at ang paligid namin ay bukid, kaya balot ng pusikit na kadiliman kung gabi.

Isa si Magno sa mga tumatanggap ng kontrata noon sa pag-ayos ng mga low-cost housing shell na ipinasa ng developer sa aming mga homeowner. Kasama ang mga kapatid na sina Budjo, Emo, at Tura, naglalatag sila ng tiles, mga kawad para sa electrical connections, at nagpipintura.

Hindi kalaunan ay inimbita niya akong mamasyal sa kanilang bahay sa “bukid” na nasa likod ng subdivision, na upang marating ay kailangang dumaan sa mga pilapil. Dahil mahilig ako sa kalikasan, napadalas ang pasyal ko sa kanila, lalo na naging malapit na rin ako sa kanyang nanay, si Inang Bidang at yumaong kapatid na si Mely. Lalo akong nawili dahil tuwing nasa kanila ako, pinagluluto nila ako ng upo na sinahugan lamang ng bawang. Sa kanila ko rin natikman ang manggang inatsara sa bawang, hugas-bigas, at asin. Ang ibang gulay na inihahanda nila para sa akin o pinapadala sa bahay ay galing naman sa taniman ng namayapa niyang kapatid na si Tomas.

Sinadya kong dalasan ang pagpasyal sa bukid upang ipakita sa mga kapitabahay ko na kailangang makisama sa mga taong nakapaligid sa amin upang hindi kami pangilagan o pag-isipan na mapangmataas.  Sa kagustuhan kong magkaroon ng magandang samahan sa pagitan namin at nina Magno, pinangunahan ko ang pagpakita ng tiwala sa pamilya at mga kapitbahay niya, na tinumbasan din nila ng kahalintulad na tiwala. Dahil dito, madalas kong sinadyang umuwi ng dis-oras ng gabi mula sa bukid upang ipakita na ligtas ang paligid namin.

Si Magno ang ang naging tulay namin sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga nakatira sa aming paligid na karamihan ay may kaalaman sa pag-ayos ng bahay. Dahil sa nabuong magandang samahan, sa pangunguna ni Magno, nakipag-bayanihan ang mga kapatid, kamag-anak, at kumpare niya nang gawin ang unang basketball court, multi-purpose hall, at tulay na gawa sa dalawang malaking poste ng kuryente.

Sa pakikipag-usap ko sa mga nauna sa amin at nakatira sa isang katabing subdivision, nalaman kong itinuturing pala nilang “kuya” si Magno. May nagkuwento pa na pinapasakay raw siya ni Magno sa kalabaw tuwing mamasyal siya sa bukid, na ginagawa niya tuwing hapon pagkagaling sa eskwela.  Pahingahan din daw nilang magbabarkada ang bahay nina Magno kung sila ay manghuli ng ibon, gagamba at dalag sa mababaw na ilog. Marami pa akong kuwentong narinig tungkol sa magandang pakisama sa kanila ni Magno at ng kanyang pamilya.

Hindi nakatapos sa kanyang pag-aaral si Magno dahil sa kakapusan ng pantustos, at lalong dahil kailangang pagtulungan nilang magkakapatid na linangin ang malawak na lupang kanilang sinasaka noon bilang mga “tenant” nang mamayapa na ang kanilang ama. Pagkatapos ng taniman ng palay, upang kumita ng dagdag na pantulong sa kanyang pamilya dahil siya ang panganay, namasada rin siya ng dyip.

Makulay ang buhay ni Magno, subalit naging tapat siya sa mga kinasama niya lalo na sa kanyang asawang si “Baby”. Wala siyang inilihim, kaya nitong huling mga araw ay nagkakakontakan sa isa’t isa ang kanyang mga anak. Nakita ko ang katatagan ni Magno bilang ama ng tahanan, nang panahong naghirap sila dahil sa madalang niyang trabaho at si “Baby” naman ay may diabetes at sakit sa puso. Maliban sa pag-eekstra sa pagpasada ng dyip, tumanggap din siya ng kontrata sa pagmaneho ng kotse, na nagpahina ng kanyang pulmon, subalit hindi niya pinaalam sa kanyang pamilya. Nalaman ko lang nang pinilit ko siyang magtapat nang minsang mag-usap kami dahil napansin ko ang pagkahulog ng kanyang katawan at pamumutla.

Nang pumanaw si “Baby”, lalo pang nagpakita ng katatagan si Magno sa kanyang mga anak. Pinilit niyang ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga kontrata sa pagmaneho kahit nararamdaman niya ang patuloy na panghihina ng kanyang katawan. Ang mga anak naman niya, maliban sa bunso, ay tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho.

Ngayon, nakakaraos ang pamilya niya kahit papaano dahil sa isang anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi na siya pinayagan ng kanyang mga anak na magmaneho, at upang malibang ay tinuruan siyang mag-facebook ng mga ito gamit ang cellphone na bigay ng isa niyang anak. Napabuti rin ang pagpi-facebook niya dahil nakontak siya ng iba niyang kamag-anak na nasa ibang bansa at probinsiya.


Tiwala at respeto sa isa’t isa ang pundasyon ng pagiging magkaibigan namin ni Magno na bilang pinakamatanda sa kanilang angkan sa barangay ay itinuturing nilang “ama”. Dahil sa nasabing pagkilala, nilalapitan siya upang mamagitan sa mga hindi nagkakaunawaang mga kamag-anak pati mga kaibigan. At ang nakakabilib ay ang ugali niyang hindi mapang-abuso sa mga kaibigan na hindi man lang nakarinig sa kanya ng kapirasong himutok kung siya ay may problema….tanda ng katatagan ng kanyang kalooban!

0

Trust

Posted on Monday, 11 May 2015



Trust
By Apolinario Villalobos

Trust is faith. I wholeheartedly let go of this word from my mind when a viewer of my blogs expressed that he is always looking forward to them. I believed his appreciation for the blogs without doubting his sincerity. In return, I told him that I trust him….because somehow he understood my sentiments and even make connection through his comments to enhance my views.  Another viewer added his inspiring comment that further enhanced my view. My trust in them is such, that it is not tainted with even a speck of doubt to their sincerity.

We cannot live in this world if we cannot trust our fellowman even a bit. For instance, we entrust our teeth to our dentist whose expertise has been patiently tested, our general health to our family doctor whose prescription for just the best medicine has been proven, the security of our home to our house help every time we leave for work, the manufacturers as we buy their products in securely sealed packaging, and many more. Practically, even the air that we breathe is trusted to be still tolerably clean despite what we already knew how polluted it is. In other words, we have no choice. Risk is also involved at all times, of being exploited by the shrewd, for which all we can do is just be doubly cautious.

If we cannot trust others, it means that we better lead a lonely life. But this is impossible, even those with vows such as the monks. In the eyes of those outside the monastic walls, they live a solitary life, but they talk to each other. Their life together under the cloak of silence is still permeated with trust due to their need for each other, although as a group, they have somehow detached themselves from the material world.

Dangerous shows such as trapeze and acrobatics for instance, are not possible without the performers trusting each other. Even members of the orchestra and dance groups will not be able to perform their best if they will not trust each other for their complementary support. Stage performers also trust their directors and stage hands to do their best, so that their acts will come out right and appropriately supported with the best props.

Trust, on the other hand, should not be abused to the point, that the trusting party is exploited. Once trust in a person has been eroded due to his exploitive overtures, his crumbled image will be very difficult to reconstruct as the fissures or the flaws will always show. A “paint-over” which means pretensions, perhaps, may help to cover the fine lines, but for how long?

An instance of trust abuse is the case of Mary Jane Veloso. She trusted her recruiter so much that she had no inkling, the small suitcase given to her by the former, contained illegal drug. Now she is languishing in jail after having been spared from execution, although, temporarily. Another case is that of the Filipinos who trusted the officials they voted into office, but later on proved to be inept, some yet, are with bottomless dishonest yearning – corrupt to the highest degree!

Trust should be likened to the fragile crystal. A clear and unscratched crystal that gleams and sparkles under the light, in the same way that a person known for his trustworthy image can standout even in a crowd, no matter what.

0

The Philippine Justice System....can it still be trusted?



The Philippine Justice System…can it still be trusted?
By Apolinario Villalobos

Some people mispronounce “lawyer” as “liar”.  At the rate guilty parties get scot-free despite their glaring offenses, the second allusion to the lawyer as a liar, seems to hold water. But, before all lawyers condemn me, I would like to make it clear that just like the rest of professions that are tinted with dishonesty, there are some law practitioners who try their best to be honest…still. In this profession, the rule is “my words against your words”. Whoever can persuade the presiding judge based on their painstakingly researched proof, makes the day. That is supposed to be way how the trial should be done.

Today, however, there are factors to consider: integrity of the presiding judge and cost of the influence, name of the lawyer, influence of the media in case of sensational issues, and persistent courage of the aggrieved to pursue the case.

It cannot be denied that some judges have been disrobed of their authority after giving in to the tempting offer of wealthy defendants in connivance with their lawyers.  News items about this shameful occurrence, find their space in broadsheets and tabloids, even broadcasted over radio and television. The future of a case may also hinge on the image of the lawyer, as those with historically reputable name are given more positive expectation, an impression that counts a lot. For the sensational cases, the media plays a vital role as it can stir the public’s emotion and opinion. On the other hand, the courageous persistence of the aggrieved will decide if the case will still be pursued, in the face of tempting “compensation” in exchange for their grief.

The popular joke is that, if one wants to hear the best lies, he better attend trials in court. It is where one can hear oratorical dissertations that can move one to shed a tear or two and can turn one into a savage seething with anger. All these happen under, not the gaze, as the eyes are covered, but the shadow of the so-called Lady Justice holding a weighing scale perfectly balanced.

However, one particular and interesting opportunity can be viewed via TV - the Binay case. The viewers with weak and sickly heart, though, are counseled not to view it as they will just clasp their painful chest after witnessing the effort of his lawyers in covering very obvious wrongdoings with their circuitous statements. These “lawyers” try their best to bleach clean their client, hoping to high heavens that the senators and the viewing public will believe them just because they finished their Law from reputable universities!

In view of the above, with earnest and all innocence, I wonder if the Lady Justice is still reliable today. Can she defend the innocent Filipinos facing trial, with her sword? Can she make a good judgment, ensuring a perfectly-balanced scale with her eyes covered? Obviously, with her uncovered ears, her judgment shall be based on the best delivered lies!



0

It's Only Now that the Hovering High-Tech Satellites Discover the Runway Project of China in West Philippine Sea?...tell that to the Marines!

Posted on Friday, 17 April 2015



It’s Only Now that the Hovering High-Tech Satellites
Discover the Runway Project of China in West Philippine Sea?
…tell that to the Marines!
by Apolinario Villalobos

It is irritating to read “revealing” and “explosive” news about the “discovery” of the runway being built by the Chinese in the West Philippine Sea. And, of all things, they learned about it from the shots of the satellites in the sky. What hypocrisy! Those satellites are hovering up there 24/7 and captured images are being monitored, and to think that the Chinese have been flaunting their reclamation projects for years! Are the lenses of the satellites’ cameras selective?

Conflicting statements of the Americans are coming out on the defense issue of the Philippines. It shows the ambivalent treatment of the trust given by Filipinos to their white big brothers. Even the United Nations sat on the complaint filed by the Philippines. What will they do now that the reclamation projects that glaringly indicate a military base of the Chinese to protect their claim in the West Philippine Sea is almost finished? The Chinese are not fools to dismantle those structures to comply with whatever pronouncements the United Nations will have just in case it favors the Philippines which is just a dream! It should be noted that China is a permanent member of the UN Security Council…need I say more on this aspect? China has been adamantly vocal about their refusal to resolve the issue with the mediation of UN. Period.

Those “Balikatan Exercises” with the United States Armed Forces are just for show. If the United States has been effective in scaring off the Chinese, the latter should have stopped their reclamation projects long time ago yet. In another situation which God forbids should happen, just in case there will be altercation between the Chinese and Americans, in “defense” of the Philippines, it will not last for days. A few guided missiles from China is enough to obliterate structures and Filipinos from the face of the earth! And, the big brothers, the Americans can just say, “we did our best…now let us talk peace”…..that will be the happiest moment for the Chinese and the Americans, as the archipelago will then be sliced into portions like cake!

Show of power without regard to the mediating authority of the United Nations is being done in Europe now resulting to invasion of helpless countries. What will prevent the same thing to happen in Asia? With the extended sovereignty that China is building via their reclamation projects, what organization or what other powerful country will tell them that the Philippines is not within their territory? And, the Chinese can easily quote now the UN’s Law of the Sea which in the eyes of the exploited nations is becoming inutile…useless!

I fear the day when stories about a lost race somewhere in the Pacific will be told to the coming generations of earthlings….just like the stories about, “Paradise Lost” and the “Bermuda Triangle”. Only this time, the islands will still be there….