0

Mabuti pa ang Aso, Matapat, Hindi Tulad ng Ilang Tao

Posted on Saturday, 13 August 2016

MABUTI PA ANG ASO MATAPAT
HINDI TULAD NG ILANG TAO
Ni Apolinario Villalobos

Mabuti pa ang aso, matapat sa kanyang tao
Hindi tulad ng ilang tao, taksil at manloloko
Hindi iiwanan ng aso ang kanyang tao
Sukdulan mang walang maipakain dito,
Hindi tulad ng ilang tao, nang-iiwan -
Kahit sino, kaibigan o kadugo man.

Maraming kuwento na ang ati’y napakinggan -
Taong iniligtas ng aso sa bingit ng kamatayan
Ang pagligtas ay sa maraming paraan
Nakakagulat at halos di mapaniwalaan
Kaya’t mabuti pa silang ang katalinuhan
Ay ginagamit sa tama at may kabuluhan.

Ang ilang tao naman ay nakakalungkot isipin –
Mismong magulang ay di mabigyang-pansin
Mayroon kasing magulang halos sipain
Ng mga anak, walang puso’t damdamin
Pagkatapos silang arugain at pag-aralin
Kawawang magulang kaya nang suwagin!

Marami pa ring tao, inasahan ng kaibigan nila  –
Forever friends sana sila mula noong bata pa
Subalit nang magkainggitan ay nalusaw na
Tila pagkit sa pagkadikit na friendship nila
Sa dahilang walang kuwenta’t nakakahiya -
Gawa-gawa ng naiinggit na friend din nila!







Discussion

Leave a response