0

Ang Mayabang na Pari

Posted on Tuesday, 30 August 2016

ANG MAYABANG NA PARI
Ni Apolinario Villalobos


Sa isang bayan ay may isang paring mayabang. Ang tingin sa sarili ay napakatalino dahil galing siya sa mahirap at nagsikap sa buhay kaya nagtagumpay kuno. Sa halip na maging mapagkumbaba bilang pari, hinayaang pumasok sa ulo ang hangin ng kayabangan kaya halos lumutang sa ere ang hangal. Dahil sa sobrang pagkabilib sa sarili, akala niya lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay tama. Sa mga ganyang uri ng mga pari galit ang santo papa!

Ang simbahang sinimulang ipaayos ng dalawang pari na nauna sa kanya ay kinukuwento niyang kung hindi dahil sa kanya ay hindi maipapaayos. Nabistong hindi pala niya kabisado ang geographical scope ng hinawakan niyang parukya kaya nagkakandalito kung alin ang may talagang kapilya at alin ang may multi-purpose hall na pinagdadausan ng misa. Dahil diyan, pati ang mga bagay na hindi niya saklaw, ay pilit pinakikialaman, kahit nakakapag-trespassing na siya sa mga karapatan ng mga homeowners’ associations na may-ari ng multi-purpose halls. Akala niya, dahil nagdadaos ng misa sa multi-purpose halls, ang mga ito ay “branch” na ng simbahan niya, kaya gustong kamkamin ang mga gamit na naipundar ng mga nasabing association.

Ang paring ito, sa sobrang kayabangan ay hindi naaagad-agad na matawag kung may mga emergency tulad ng pagbendesyon sa naghihingalo, kesyo pagod o natutulog. Pati ang mga Mother Butler na may sariling grupo at labas dapat sa kanyang hurisdiksiyon ay pinakialaman kaya pinagtatanggal, ganoong hindi naman niya sinusuwelduhan, at ang serbisyo ng mga babaeng tinutukoy ay para sa simbahan at hindi para sa kanya bilang pari. Hindi niya inunawa na ang itatagal niya sa parukya ay anim na taon lang kaya ang mga pang-matagalang bagay tulad ng may kinalaman sa Mother Butler ay labas sa kanyang “kapangyarihan” kaya hindi niya dapat pinakikialaman.

Ang paring ito ay iniwan na ng mga umaalalay sa kanya – mga convent staff, maliban sa secretary at isang kamag-anak. Ayon sa kuwento, hindi daw matiis ng mga dating tauhan ang kayabangan niya kesyo graduate daw siya sa isang high-end university kaya siguro ang tingin niya sa iba ay yagit. Ang nakalimutan ng paring ito ay maraming graduate sa exclusive na mga kolehiyo at high-end universities na nang magtrabaho sa gobyerno o maging opisyal  ay naging korap!


Nakausap ko ang mga kaibigan kong dating nagsisimba sa simbahang Katoliko na hawak ng paring ito pero ngayon ay sa misa sa isang mall na lang dumadalo o di kaya ay sa katedral na hindi kalayuan. Yong iba ay nagtitiyaga sa panonood ng misa sa TV kung Linggo kaya hindi na lumalabas ng bahay. Pinayuhan ko sila na huwag magalit sa pari dahil magkakaroon lang sila ng kasalanan….hayaan nang ang bagong santo papa ang magkondena sa kayabangan nito!...at iwasan din upang hindi mag-kurus ang kanilang landas at baka pandiliman pa sila ng paningin!

Discussion

Leave a response