Sa Ugoy ng Duyan
Posted on Wednesday, 24 August 2016
SA UGOY NG DUYAN
Ni Apolinario Villalobos
Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan -
Umidlip ka’t huwag pansinin ang paligid
Palakbayin mong matiwasay ang iyong diwa
Nang kahit sa maikling pagkakatao’y panatag
ka
At hindi makarinig o makakita ng mga
nakakabahala.
Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan –
Damhin mo ang biyaya na dulot ng buhay
Buhay na bigay ng Diyos at sa ati’y
nagmahal
Hayaan mong sa iyong puso’t diwa ay
kumintal
Habang payapa ang paligid at dilim ay di pa
dumatal!
kumintal – impressed
dumatal – occured; happened
Discussion