0

Sa Housing si Robredo at hindi sa Human Rights Kaya Tumigil na siya sa Panawagan Niya

Posted on Monday, 8 August 2016

SA HOUSING SI ROBREDO AT HINDI SA HUMAN RIGHTS
KAYA TUMIGIL SIYA SA MGA PANAWAGAN NIYA
Ni Apolinario Villalobos


SA PANAWAGAN NI ROBREDO NA ITIGIL NI DUTERTE ANG EXTRA-JUDICIAL KILLING NG MGA DRUG PERSONALITIES,  PARA NA NIYANG SINABI NA SI DUTERTE ANG RESPONSABLE SA MGA ITO, GANOONG WALANG NAMAN PRUWEBA. AT ISA PA, KUNG SINO MAN ANG MAY KAGAGAWAN, BAKIT PIPIGILAN ANG MOMENTUM NG PAGPATAY SA MGA TALAGA NAMANG KILALANG MGA DRUG PERSONALITIES? GUSTO BA NIYA AT NG IBA PANG KONTRABIDA NA MAGPAKITA NG KALAMYAAN SI DUTERTE UPANG BUMALIK SA PAMAMAYAGPAG ANG MGA HINDI PA NAPAPATAY NA MGA SALOT NG LIPUNAN? ANO ANG NANGYARI SA MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON DAHIL “MALAMBOT” SA ISYU NG DROGA…HINDI BA LALONG LUMALA ANG SALOT NA ITO?

DAPAT MAGPAKITANG-GILAS NA LANG SI ROBREDO SA PAG-ASIKASO NG MGA PABAHAY NG MGA KAPUS-PALAD, LALO NA ANG MGA NASA RELOCATION SITES NA WALANG MGA BASIC FACILITIES AT WALA MAN LANG MAAAYOS NA KALSADA AT MASAKYAN UPANG ANG MGA NAKATIRA SA MGA ITO AY MAKAPASOK NANG MATIWASAY SA MGA TRABAHO NILA SA MAYNILA.

DAPAT DING GUMAWA NA SIYA NG MGA PLANO AT HAKBANG NA NAAAYON SA INSTRUCTION NI DUTERTE NA WALANG DEMOLITION KUNG WALANG MAAAYOS NA MALILIPATAN ANG MGA APEKTADO. HUWAG NA SIYANG MAKIALAM SA MGA ISYU TUNGKOL SA PAGSAWATA NG PAGKALAT NG ILEGAL NA DROGA DAHIL TRABAHO YAN NI DE LA ROSA.


DAPAT MAGPASALAMAT SI ROBREDO DAHIL BINIGYAN SIYA NG PAGKAKATAON NA MAKASAMA SA “TEAM” NI ROBREDO NA ANG HANGAD AY PAGBABAGO, KAYA DAPAT AY MAGTRABAHO NA LANG SIYA AYON SA INAASAHAN SA KANYA BILANG “HOUSING CZARINA”. MAGPABILIB NA LANG SIYA SA LARANGANG NOON PA MAN NA GUSTO NA NIYA. NAKALIMUTAN NA YATA NIYA ANG PAALALA NI DUTERTE NA, “DO YOUR WORK AND I WILL DO MINE”.

Discussion

Leave a response