0

Mistulang Nag-boomerang kay de Lima ang Senate Hearing tungkol sa Extra-judicial Killing

Posted on Wednesday, 24 August 2016

MISTULANG NAG-BOOMERANG KAY DE LIMA
ANG SENATE HEARING TUNGKOL SA EXTRA-JUDICIAL KILLING
Ni Apolinario Villalobos


Halata o obvious ang mga layunin ni de Lima sa pagpipilit na magkaroon ng Senate Hearing tungkol sa “extra- judicial” killings. Gusto niyang ipaalam sa bayan ang mga nangyayaring “police brutalities” at hindi karapat-dapat ang kapulisan sa suportang binibigay ni Duterte sa kanila kasama na ang dagdag sa take home pay.

Una, ang “police brutalities” ay alam na ng lahat ng Pilipino at isama pa diyan ang mga kuwento tungkol sa pagkasangkot nila sa illegal drugs kaya nga mayor pa lang si Duterte sa Davao ay alam na niya ang tungkol sa “ninja cops”, kaya ang isyung ito ay hindi na bago.

Pangalawa, ang kapulisan ay kasama sa mga empleyadong “underpaid” at ito ang dahilan kung bakit ang iba sa kanila ay nagda-drive ng aircon van upang mamasahero kung day-off nila. May kilala akong nagtitinda sa palengke kung day-off niya. Ilan lang yan sa ginagawa ng mga matitinong pulis upang kumita ng extra at nang matustusan ang pag-aaral ng mga anak. Ito ang nakita ni Duterte kaya pinursige niya ang pagkakaroon nila ng dagdag sa take home pay kahit sa pamamagitan ng dagdag sa allowance. Ang katotohanang ito ay alam na rin ng lahat, kaya hindi na isyu.

Ang naunang mga “witness” na pinasalita ni de Lima sa hearing ay mistulang nag-validate ng mga pangyayaring matagal nang nangyayari, hindi pa presidente si Duterte. Ang isa namang  halatang nagda-drama ay na-corner pa ni Pacquiao tungkol sa 20thousand pesos na pinang-areglo sa salang “cara y cruz”, pero ang sa shabu ay 10thousand lang…kaya hindi kapani-paniwala! Malaking katanungan din ang pagpalabas niya ng 20thousand na pang-areglo ganoong ang kinikita lang ng napatay niyang asawa ay mula 200-300pesos isang araw.

Nabara si de Lima ni de la Rosa sa pagsabi na dapat noong nalaman nito ang mga katiwalian sa Bilibid prison ay ginamit na niya ang SAF. Kanda-bulol si de Lima sa pagsagot sa pagsabing marami pa raw proseso upang magamit ang SAF sa Bilibid. Subalit, ngayon, bakit nagawa?

Nasasayang ang panahong ginugugol ng mga senador sa hearing na pinipilit ni de Lima dahil mas marami ang dapat pang pag-usapan at mga batas na dapat ipasa upang makatulong sa bagong presidente.


Discussion

Leave a response