0

May nag- Out of Tune na Senadora

Posted on Thursday, 4 August 2016

MAY NAG-OUT OF TUNE NA SENADORA
Ni Apolinario Villalobos

Nang magbigkas si senador de Lima ng kanyang privilege speech sa senado ay sinundan siya bilang suporta ni senador Hontiveros na nagsabing hindi dapat mangyari sa Pilipinas ang nangyayari sa Amerika. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ito. Ibig pala niyang sabihin ay “police brutality”. Klarong mahilig siyang mag-browse sa internet dahil doon ay makikita ang pagpatay ng mga Amerikanong pulis sa mga mamamayan na itim ang kulay ng balat.

Naghuhumiyaw ang malaki niyang pagkakamali sa paghambing ng kapulisang Pilipino sa kapulisang Amerikano dahil batay sa droga ang kanyang sinasabi. Hindi droga ang isyu sa mga pagpatay ng mga pulis sa Amerika. Sa Pilipinas, ang isyu ay droga na ang “pinapatay” ay 98% ng populasyon ng Pilipinas dahil hanggang sa mga liblib na barangay ay kalat na ito…at HIGIT SA LAHAT, ANG SINASABI NIYANG EXTRA-JUDICIAL KILLINGS NG MGA DRUG PUSHER AT DRUG LORD SA PILIPINAS AY “BINTANG” PA LANG SA MGA KAPULISAN AT KAHIT ISANG PIRASO NITO AY WALANG NAPATUNAYAN! Nakakahiya ang pagsalita niya sa senado dahil halatang hindi nagawan ng maayos na pagsaliksik ang kanyang talumpati….at higit sa lahat ay kumain ng oras na dapat ay nagamit ng ibang senador na may makabuluhang sasabihin at itatanong.


Magsalita lang sana ang mga senador at mga kongresman kung angkop at nasaliksik na mabuti ang kanilang sasabihin dahil sayang ang oras na kinakain ng kanilang talumpati o tanong tuwing may session. Binabayaran sila ng taong bayan upang maging MAKABULUHAN at MATALINO dahil nakasalalay sa kanilang maayos na pag-iisip ang mga batas na pagbabatayan ng lahat ng kilos ng mga Pilipino at kapakanan ng buong bansa.

Discussion

Leave a response