Bakit Hindi Muna Pagbigyan si Duterte dahil Wala pa naman siyang 3 Buwan sa Puwesto?
Posted on Friday, 26 August 2016
BAKIT HINDI MUNA PAGBIGYAN SI DUTERTE
DAHIL WALA PA NAMAN SIYANG 3 BUWAN SA
PUWESTO?
Ni Apolinario Villalobos
HINDI KO MAUNAWAAN KUNG BAKIT MAY MGA TAONG
GALIT DAY DUTERTE SA KABILA NG GINAGAWA NIYANG PAGLINIS NG SISTEMA NG GOBYERNO
AT PAGPIGIL SA PAGLALA NG MGA KRIMEN KASAMA NA ANG MGA DROGA. SA NGALAN NG
INUTIL NA “PROSESO” AY PINAPANIGAN NILA ANG MGA KRIMINAL KAYSA MGA BIKTIMA.
MAY COMPUTER NAMAN SIGURO SILA KAYA DAPAT
AY SUBUKAN NILANG MAG-BROWSE SA INTERNET TUNGKOL SA COLOMBIA AT DRUG CARTEL SA
SOUTH AMERICA. LUGMOK ANG EKONOMIYA NG COLOMBIA DAHIL HINDI NA NAKABAWI MULA SA
ILANG DEKADANG EPEKTO NG KRIMEN NA ANG UGAT AY ILEGAL NA DROGA. IDAGDAG PA
DIYAN ANG PAGKASIRA NG KINABUKASAN NG MGA KABATAAN NILA AT PAGKAWASAK NG MGA
PAMILYA. YAN ANG AYAW NA MANGYARI NI DUTERTE SA PILIPINAS KAYA HANGGA’T KAYA
NIYA AY GUSTO NIYANG SAWATAHIN ANG BISYO BAGO PA TULUYANG LUMALA.
HINDI NILA DAPAT PINI-PERSONAL SI DUTERTE
DAHIL LANG IDENTIFIED SIYA SA MGA MARCOS. AT, LALONG HINDI NILA ITO DAPAT
PANGGIGILAN DAHIL NAGMUMURA.
HINDI DAPAT MAGALIT O UMIWAS SA ISANG BAGAY
DAHIL LANG SA ILANG DIPERENSIYA NITO. ANG MANI (PEANUT) HALIMBAWA, NA INIIWASAN
NG MGA MAY ALLERGY DITO AY HINDI DAPAT
ITURING NANG MASAMA DAHIL MARAMI PA RIN ITONG PAKINABANG. ANG KABUUHAN
NG SIMBAHANG KATOLIKO AY HINDI DAPAT LIBAKIN DAHIL LANG SA IILANG TIWALING
PARI. GANOON DIN ANG ISLAM NA HINDI DAPAT PANDIRIHAN DAHIL SA GINAGAWA NG ISIS.
SI DUTERTE AY GANYAN….NAGMUMURA AT PRANGKA KUNG MAGSALITA, PERO ANG IBANG
BAHAGI NG KANYANG PAGKATAO AY MAY KABUTIHAN NAMAN.
ANG PILIPINAS AY PWEDENG IHALINTULAD SA
ISANG NANGANGANAY NA BABAENG NANGANGANAK…. HIRAP NA HIRAP SA PAGPAPALABAS NG
SANGGOL – ISANG BAGONG BUHAY. MASAMA ANG DATING SA IBA NG MGA NAPAPATAY NA MGA
DRUG PUSHER AT MARAMI RIN ANG NASASAGASAAN KAHIT MGA MATATAAS NA OPISYAL NG
GOBYERNO, SUBALIT ANG MGA NARARAMDAMANG “SAKIT” NA YAN AY DAPAT TIISIN KUNG
KAILANGAN NATIN NG PAGBABAGO….NG BAGONG BUHAY.
ANG ISANG TAO AY MAGIGING INUTIL KAHIT
BUHAY PA, KUNG ANG MGA BAHAGI NG KANYANG KATAWAN AY MAWAWALAN NG SILBI….PILAY
ANG MGA KAMAY AT PAA, BULAG ANG MGA MATA, SIRA ANG PANDINIG, ETC. GANYAN ANG
GINAGAWA NI DUTERTE SA SINDIKATO NG DROGA SA PILIPINAS….PILIT NIYANG GINAGAWANG
INUTIL HANGGANG MAWALAN NG SILBI AT TULUYANG MAWALA SA LIPUNAN BAGO NITO
MAWASAK ANG PILIPINAS!
BAKIT HINDI MUNA SIYA PAGBIGYAN DAHIL WALA
PA NAMAN SIYANG 3 BUWAN SA PUWESTO? KUNG NATIIS ANG MGA KAPABAYAAN NG MGA
NAKARAANG PRESIDENTE, ITONG BAGONG NAGPIPILIT NA MAYROON SIYANG MAGAGAWA AY
BAKIT HINDI PAGBIGYAN?
Discussion