0

Ang Prosesong Legal

Posted on Saturday, 6 August 2016

ANG PROSESONG LEGAL
Ni Apolinario Villalobos


ANG SINASABING PROSESO AY NAGIGING KALASAG NG MGA KRIMINAL NA KAHIT NALITIS AT NAPATAWAN NG PARUSA AY NAKALALABAS PA RIN DAHIL SA KAPANGYARIHAN NG PERA AT IMPLUWENSIYA.

KAYLAN NAGING MASAMA ANG ISANG GAWAIN UPANG MATIGIL ANG KRIMEN DAHIL LANG UMABOT SA HINDI MAIWASANG PAGKAPATAY SA KRIMINAL? KAILANGAN PA BANG PATUNAYAN ANG PAGKA-INOSENTE NG KRIMINAL DAHIL LANG SA TINATAWAG NA PROSESO NG BATAS NA WALA NAMANG BINATBAT? ANO PANG EBIDENSIYA ANG HAHANAPIN KUNG ANG KRIMINAL AY HULING-HULI SA PAGGAWA NG KRIMEN? ANO PANG PAGTATAKIP ANG GAGAWIN KUNG MISMONG MGA NAKAKAKILALA SA KRIMINAL ANG NAGSASABING TOTOO NGA ANG PARATANG?


LIMITADO ANG PANANAW NG MGA TAONG MAY ADBOKASIYA SA “HUMAN RIGHTS” DAHIL HANGGANG SA KAHULUGAN LANG SILA NG SALITANG “KAMATAYAN” AT “BUHAY” NA ANG TINUTUKOY AY ANG KRIMINAL. HINDI NILA BINIGYANG HALAGA ANG IBA PANG SAKLAW NG MGA SALITANG NABANGGIT DAHIL HINDI NILA ISINAMA ANG KAPAKANAN NG MGA BIKTIMA. MAS NAAAWA PA SILA SA BUMULAGTANG KRIMINAL NA PINATAY DAHIL NAHULI SA AKTO, SA HALIP NA BIGYANG-PANSIN DIN ANG MGA BIKTIMA NA KUNG HINDI NAWALAN DIN NG BUHAY AY HABANG-BUHAY NA MAGDURUSA!

Discussion

Leave a response