Bukas na Liham kay Senador Leila de Lima
Posted on Tuesday, 2 August 2016
BUKAS NA LIHAM KAY SENADOR LEILA DE LIMA…
DEAR SENADOR DE LIMA:
Sa talumpati mo noong August 2 sa bulwagan
ng senado, sinabi mong maliban sa pagpatay sa mga drug pushers at drug lords ay
may ibang paraan pa. Ang mga sumusunod ay katanungan na may kinalaman tungkol
dito:
·
Totoong may mga batas nang
nakalatag upang masawata ang illegal na droga at sinusunod naman subalit ano
ang mga nangyayari sa mga nahuli noon?...hindi ba napapakawalan dahil sa
piyansa ng mga drug lord financer?...hindi ba ang mga nakakulong na mga drug
lords ay nakakapag-operate pa mula sa loob dahil sa malinaw na
pakikipagsabwatan nila sa kanilang bantay?...hindi ba sa kabila ng mga batas na
yan ay marami ding local government officials ang nasasangkot ngayon?
·
Binilang ninyo ang ang pinatay
na mga drug pushers at drug lords na ilang daan lang, subalit binilang ba ninyo
ang mga milyon-milyon na buhay na nawala at nasira ang kinabukasan?...at, kung
ilang milyong pamilya ang nasira dahil sa pagkalat ng bisyong ito hanggang sa
pinakaliblib na barangay?
·
May magagawa ba ang mga
prusisyon ng mga pari at madre upang manawagan sa mga drug pushers at drug
lords na tumigil na sa kanilang ginagawa?
·
Ang mga batas ng Pilipinas ay
kasama sa mga pinakamagaling sa buong mundo, subalit hindi naipapatupad ng
maayos dahil sa kutsabahan ng mga gustong kumita...ito ba ang sinasabi ninyong
paraan?...paanong nagkaroon ng political dynasty, hindi ba dahil sa mga batas
na maraming butas kaya napapaikutan?...paano nagkaroon ng mga ghost
projects…hindi ba dahil sa mga “magagaling” na batas nasilipan ng mga butas?
·
Hindi ba naging kalihim kayo ng
Hustisya noon? Ano ang nagawa ninyo dahil noon pa man ay talamak na ang illegal
drugs? Noong huling mga buwan ninyo sa puwesto, bakit hindi pinursige ang
pag-raid sa Bilibid? Bakit nakalampas sa inyong paniningin ang mga
naglalakihang pasilidad na pinagawa ng mga detinadong drug lords?
Ngayon, nanghihinayang kayo sa iilang buhay na nalagas, mga buhay ng
mga drug pushers at drug lords, pero hindi kayo nanghihinayang sa milyon-milyong
buhay na nasira dahil sa droga. Alam naman siguro ninyo na maski sa mga liblib
na barangay ay mga illegal drugs na at ang bentahan sa iba ay “charged to crop”
o pagdating ng anihan ng palay o mais. Hindi maaaring hindi ninyo ito alam
dahil may budget kayo para sa “intelligence” bilang kalihim ng Hustisya.
Kung hindi naman ito alam ng mga pinupuri ninyong paring
nagkokondena sa mga pagpatay sa mga drug
pushers at drug lords, sana ay huwag na silang magtatalak dahil sa kakulangan
nila ng kaalaman. Hanggang saan nakarating ang mga paring pinuri ninyo sa
privilege speech? Nakapasok na ba sila sa mga slum areas? Naglibot na ba sila
sa Maynila lalo na sa gabi upang makita ang mga tunay na nangyayari na may
kinalaman sa gutom at isa sa mga dahilan kung bakit namamayagpag ang problema
sa droga? Nakita na ba nila ang mga babaeng may edad na at tin-edyer na alas
siyete pa lang ng umaga ay nakatambay na sa Avenida upang magbenta ng laman?
Nakakita na ba sila ng mga nangangalkal sa basura na nagsubo ng inaamag na
pagkain at pinagpagan ng dumi upang maisubo?.....kung ang sagot nila sa mga
tanong ay hindi, tumahimik na lang sila at magdasal 24/7!
MARAMING SALAMAT,
Si Juan ito…isang naiinis na mamamayan at nagtatanong kung bakit may
mga taong matalino sa mundo subalit hindi ginagamit ito sa tamang paraan, at
higit sa lahat ay makasarili.
(Ang liham na ito ay computer-generated kaya walang pirma.)
Discussion