Girlie Retos....benefactor ng mga pusang kalye (pusakal) sa Libertad, Pasay City (Philippines)
Posted on Saturday, 20 August 2016
GIRLIE RETOS…BENEFACTOR
NG MGA PUSANG
KALYE (PUSAKAL) SA LIBERTAD, PASAY CITY
Ni Apolinario Villalobos
Nang mapagawi ako sa Libertad, Pasay City,
nadaanan ko sa isang bangketa ang grupo ng mga pusa na kumakain at umiinom. Mga
ampon pala sila ni Girlie Retos isang sidewalk vendor. Siya ay taga-Aklan na
dumayo sa Maynila mahigit dalawang dekada na ang nakaraan. Sa Maynila na rin
niya napagtapos sa pag-aaral ang isa niyang anak. Ang isa pang anak na
nagsisikap ay biktima naman ng contractualization kaya patigil-tigil ang
pag-aaral.
Taong 1980 pa nagsimulang mag-ampon ng mga
pusang iniiwan sa bahagi ng sidewalk kung saan siya nagpupuwesto upang magbenta
ng mga kendi, sigarilyo at mumurahing panty. Ang nakakatuwa ay may isa daw
siyang “donor” ng pagkain, isang matandang Intsik na babae. Ang mga madalas
namang dumaan sa bahaging yon ng bangketa ay todo iwas naman sa mga pusa na
mababait dahil pagkatapos kumain at
uminom ay isa-isang nagpapahinga sa tabi o di kaya ay pansamantalang
namamasyal. Bumabalik sila kay Girlie tuwing oras na para sa pagkain nila.
Nakapermanente namang nakapuwesto ang isang lagayan ng tubig sa isang tabi na
pinupuntahan ng mga pusang gustong uminom.
Discussion