Showing posts with label Pasay City. Show all posts

0

The Dynamic Streak of Asia United Bank (AUB) Reaches Buendia Avenue Extension (Pasay City)

Posted on Friday, 28 October 2016

The Dynamic Streak of ASIA UNITED BANK (AUB)
Reaches Buendia Avenue Extension (Pasay City)
By Apolinario Villalobos

The first time I was impressed by the service of the Asia United Bank (AUB) was when it took over my former depository bank at Rotonda, Bacoor City in Cavite. I almost decided to cancel my accounts but I changed my mind when I met its first branch manager. A few months later, another branch manager took over, Ms. Nanette Quincena whose typically aggressive salesmanship further bolstered my trust.

When the AUB decided to expand its operation to cover the Pasay area, it opened a branch along the Buendia Avenue extension, between Harrison and Leveriza Streets, on September 20, 2016, with the deployment of Ms. Quincena as the first Branch Manager tasked to lay down the foundation. She has been expecting a tough job as along the stretch of Buendia are also other reputable banks. Nevertheless, she considers the situation as a challenge which she can hurdle, together with equally aggressive, Ms. Gemmalou Ortega, the Field Sales Officer, with whom she confers every morning before the latter starts her sales calls.

Interesting to note is the fact that AUB pioneered the paperless transaction in the country with the use of the Virtual Teller Kiosk (VTK) which resulted to a resounding success. At the Buendia branch, the VTK occupies a prominent space which easily catches the attention of the customers. The transaction via the VTK, has likewise, reduced the queuing time considerably.

What impressed me most is how the bank starts the day with a heartfelt prayer, in which everybody joins – the guard, Utility/Messenger, the Operations staff, such as Richard Dumayas, the Service Manager; Gemmalou Ortega, the Field Sales Officer; Jowell Agaban, Counter Teller; and Jean Marie Padua who handles the New Accounts Section. I found out too, that the youthful staffs are all from prestigious schools known for their scholars – Polytechnic University of the Philippines (PUP), Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM), University of Makati (UMak), and New Era University (NEU).

According to Ms. Quincena, the bank maintains its high standards with the support of its consistent utilization of every available banking technology and young recruits who are willing to learn the intricacies of the industry and most especially, are willing to grow with their chosen benefactor. The bank’s investment in human capital so far has been successful, as consistent show of diligence on their part has been very prominent.

On October 31, 2016, Asia United Bank is celebrating its 19th year of success. By then, and onward, Ms. Quincena is expecting more challenges that she aims to clear, to significantly improve the steady growth of the Branch… but of course, with the cohesive co-operation of the whole Buendia Branch Team!


By the way, Asia United Bank is proudly 100% Filipino!






0

Girlie Retos....benefactor ng mga pusang kalye (pusakal) sa Libertad, Pasay City (Philippines)

Posted on Saturday, 20 August 2016

GIRLIE RETOS…BENEFACTOR
NG MGA PUSANG KALYE (PUSAKAL) SA LIBERTAD, PASAY CITY
Ni Apolinario Villalobos

Nang mapagawi ako sa Libertad, Pasay City, nadaanan ko sa isang bangketa ang grupo ng mga pusa na kumakain at umiinom. Mga ampon pala sila ni Girlie Retos isang sidewalk vendor. Siya ay taga-Aklan na dumayo sa Maynila mahigit dalawang dekada na ang nakaraan. Sa Maynila na rin niya napagtapos sa pag-aaral ang isa niyang anak. Ang isa pang anak na nagsisikap ay biktima naman ng contractualization kaya patigil-tigil ang pag-aaral.

Taong 1980 pa nagsimulang mag-ampon ng mga pusang iniiwan sa bahagi ng sidewalk kung saan siya nagpupuwesto upang magbenta ng mga kendi, sigarilyo at mumurahing panty. Ang nakakatuwa ay may isa daw siyang “donor” ng pagkain, isang matandang Intsik na babae. Ang mga madalas namang dumaan sa bahaging yon ng bangketa ay todo iwas naman sa mga pusa na mababait dahil pagkatapos kumain at  uminom ay isa-isang nagpapahinga sa tabi o di kaya ay pansamantalang namamasyal. Bumabalik sila kay Girlie tuwing oras na para sa pagkain nila. Nakapermanente namang nakapuwesto ang isang lagayan ng tubig sa isang tabi na pinupuntahan ng mga pusang gustong uminom.







0

Rederson: Kahit Hirap sa Pagkontrol ng Ulo sa Pag-iling, Tuloy pa rin sa Pagtraysikad

Posted on Wednesday, 13 April 2016

Rederson: Kahit Hirap sa Pagkontrol ng Ulo sa Pag-iling
Tuloy pa rin sa Pagta-traysikad
Ni Apolinario Villalobos

Halos tin-edyer pa lang si “Red”, palayaw ni Rederson Rivera, subalit hindi ito naging hadlang upang siya ay magsikap, at lalong hindi naging hadlang ang kanyang sakit na palsy kaya hirap siya sa pagkontrol ng pag-iling ng kanyang ulo. Nang unang sumakay ako sa kanya, muntik pa akong mainis nang sabihan ko siya ng direksiyon tungo sa pupuntahan ko dahil napansin kong panay ang iling niya habang nakangiti…akala ko ay niloloko niya ako.

Nang umagang yon na sumakay ako sa kanya sa kanto ng Baltao Drive sa Pasay City, hindi pa raw siya nakakapag-almusal dahil medyo madilim pa lang ay pumila na siya. Nag-aabang daw siya ng maski dalawang pasahero para may pambili siya ng almusal. Nagkukuwento siya ng pautal habang nagsisikad kaya may kasamang hingal ang kanyang mga salita. Hiwalay daw ang kanyang mga magulang, at siya ay napunta sa kanyang tatay pero wala naman daw itong trabaho dahil mahina ang katawan, kaya lumalabas na siya pa ang sumusuporta dito. Dahil naging interesado ako sa kanyang kuwento, tumigil muna kami sa isang kainan sa tabi ng kalsada upang maibili ko siya ng almusal. Pinagbalot ko na rin siya ng pagkain para sa tatay niya.

Sinubukan daw niyang mag-aral pero nahirapan siya dahil sa kanyang kalagayan palagi daw siyang tinutukso kaya nang magkaroon ng pagkakataong makapagtraysikad ay sinunggaban na niya. Sa simula ay wala pa daw tiwala sa kanya ang may-ari ng traysikad dahil maliban sa kaliitan ng katawan niya ay may sakit siyang palsy, kaya baka daw hindi niya makontrol ang direksiyon ng traysikel. Subalit, sa kapipilit ay pinagbigyan din siya, lalo pa at alam din ng may-ari ng traysikad ang kuwento ng buhay niya. Todo kayod daw siya dahil nag-iipon siya upang makabili ng mga bagay na gusto niya tulad ng cellphone, maliban pa sa mga gamot ng tatay niya, at pagkain nila sa araw-araw.

Nang mga sumunod na pagbalik ko ay hindi ko siya natataymingan, kaya nagtanong ako sa ibang nagtatraysikad din tungkol sa kanya at sinabi nilang bilib nga daw sila dito. Ang problema nga lang ay may mga kaibigan daw itong nang-uuto sa kanya kaya nababawasan ang ipon niya o kung minsan ay nawawalan pa siya ng pera.

Pero isang beses ay inabot ko si Red na bumibili din ng malunggay pan de sal na binibili ko para sa kaibigan kong pinapasyalan sa lugar na yon. Nasa likuran niya ako kaya hindi niya ako napansin, pero pansing-pansin ko naman ang walang tigil na pag-iling ng ulo niya. Pagkatapos niyang magbayad ay saka niya ako napansin kaya nakita ko na naman ang kanyang ngiti na may kasamang kagat ng labi. Kahit alam niyang bibili ako ng pan de sal ay inalok pa rin niya ako ng kanyang nabili. Mabuti na lang at nagkita kami kaya nagkaroon ako ng pagkakataong iabot sa kanya ang ipinangako ko noon pa na palagi kong dala kung pupunta ako sa Baltao.

Nang makilala ko si Red, naalala ko ang anak ng kaibigan ko. Matanda lang siguro ito ng ilang taon kay Red, pero siya ay malusog, at sa kabila nito ay nagbabayad pa ng oras sa gym upang magbuhat ng barbell kaya lumaki ang katawan. Araw-araw, ang oras ng gising ng mapalad na taong ito ay alas nuwebe o alas diyes ng umaga dahil napupuyat sa kai-intenet. Samantala, si Red na payatot ay gumigising ng alas singko upang mag-abang ng pasahero at upang may pambili ng almusal nilang mag-ama ay kailangang makapaghatid ng dalawang pashero man lang.



0

Embarrassing Prides of Manila - Roxas Boulevard and Macapagal Avenue

Posted on Saturday, 12 September 2015

Embarrassing Prides of Manila -
Roxas Boulevard and Macapagal Avenue
By Apolinario Villalobos

Roxas Boulevard is considered as one of the main arteries of Metro Manila. Along this strip of avenue, flow traffics to the airport, southern destinations, Rizal Park, Makati business district, and city proper of Manila. Unfortunately, the boulevard is being used for special events, hence, closed for as long as half day, posing a problem to motorists. Traffics get snarled along secondary streets where the motorists are redirected. The length of the boulevard is shared by Manila City, Pasay City and Paraῆaque City. None of them ever thought of sitting down to discuss options on how to solve the problem, one of which is using the reclaimed area now being developed into an “Entertainment City”. Its streets are more than enough to accommodate running events, as they are wide without any impediment, especially on Sundays. Meanwhile, for as long as this problem is not solved by the “three heads”, the historic strip shall remain an embarrassment to the government.

Then, there’s the Macapagal Avenue, right in front of the Dream City, with its giant potholes. For several months now, the road made useless by these traffic obstacles, have not been touched by the Philippine Reclamation Authority (PRA), headed by its General Manager, Peter Anthony Abaya, who is incidentally, brother of Department of Transportation and Communication (DOTC), Jun Abaya. President Aquino always refers to the whole area where a forest of modern structures has sprung up, as the next “Entertainment City of Asia”. But, even with the simple retouch to a short length of road not applied, will it happen?…or remain just to be a dream.