Ang Kasal at ang Marriage Contract
Posted on Tuesday, 9 August 2016
ANG KASAL AT ANG MARRIAGE CONTRACT
Ni Apolinario Villalobos
Kung ang lahat ng kontrata ay may mga
condition at expiration, dapat ang marriage contract ay meron din. Subalit
dapat bigyan ng pagkakataon ang mga kinakasal na balewalain ang expiration kung
gusto nilang magsama habang-buhay. Dapat ay may mga condition din ito na
batayan ng automatic na pagbabalewala sa kontrata kahit hindi pa umabot sa
expiration. Para sa mga mayayaman ay proteksiyon ng mga ikinasal ang mga
condtion upang hindi mapagsama ang mga ari-arian nila bago sila ikasal at ang
expiration ay para sa walang gulong
hiwalayan kung nagkasawaan na sa isa’t isa.
Kung hindi rin lang masunod ang mga
nabanggit dapat ay palitan ang pantukoy o titulo ng dokumento. Sa halip na
“contract” dapat ay tawagin itong “COMMITMENT AND ACKNOWLEDGEMENT OF CEREMONY”
dahil ang basic na laman nito ay ang “pangako” sa isa’t isa ng dalawang
ikinasal na “magsasama habang buhay, sa hirap at ginhawa”….kahit hindi
binanggit na ang pagsasama ay umabot sa umbagan, sakalan, tadyakan, saksakan…..kawawa
daw kasi ang mga anak nila kung sila ay maghiwalay. At, lalo’t higit ay kahit
umabot sa pag-abandona ng lalaki sa pamilya niya dahil nagbahay ng isang mas
sariwa at mabangong itini-table niya sa paboritong beer house….at kahit umabot
din sa pagpendeho sa lalaki na iniwan ng asawang malandi at makati kaya sumama
sa isang machong tricycle driver o pulis.
Dapat ding tawaging “acknowledgment” ang
dokumento dahil ito ang magpapatunay na nang ikasal ang magsing-irog, sila ay
nasa katinuan ng kanilang pag-iisip….hindi bangag sa bawal na gamot, hindi
lasing, at walang tutukan ng baril na nangyari.
Ang presidente ng Pilipinas ay pwede nang
manumpa ng tungkuling pangako sa harap ng isang Barangay Chairman, kaya dapat
ay pwede na ring magkasal ang nasabing LGU official. Ang taong nagkakasal ang
pangunahing saksi sa pangakong magsasama sa dalawang ikinasal, ang mga ninong
at ninang ay suporta lamang. Ganoon din ang nangyayari kung pari ang nagkasal,
subalit sinasabi na kung sa simbahan ginawa ang seremonya, ang pangunahing
saksi ay ang Diyos o si Hesus. Sa isang banda, kung ang Diyos o si Hesus ay
nasa paligid at hindi limitado ang presensiya sa loob lang ng simbahan , sila
ay nasa beach din, restaurant, events
venue, lugar ng mga casino tulad ng Las Vegas, basketball court, etc. kung saan
ay ginagawa ang Christian ceremony. Ang problema nga lang dito ay ang pirmahan
sa “contract” na walang expiration dahil ang ibang nagpapakasal ay nadala lang
ng damdamin kaya makalipas lang ang ilang buwan o taon ay nag-uumbagan ang
“magsing-irog” dahil walang maisaing na
bigas o di kaya ay dahil sa selos!
Discussion