Showing posts with label child. Show all posts

0

Love of the Mother

Posted on Saturday, 4 November 2017

Love of the Mother
By Apolinario B Villalobos

When it comes to giving love -
Nothing can beat the one
Who nurtured us within her
And for months endured our weight
A burden that she carried -
Until with hard drawn effort
Brought us forth into this world.

While in her womb
We partake of the air she breathes
We partake of the food she eats
We partake of the emotions she feels
Her blood makes our heart beat
And careful that we float with ease
She moves with well-guarded steps.

Our heart that beats is her mark in us
Greater than anything, we owe it to her –
She who cries when we succumb to sickness
And dry her breast for precious milk…
Our life, we owe to our dear mother
She, we should love more than any other.




0

Sa Ugoy ng Duyan

Posted on Wednesday, 24 August 2016

SA UGOY NG DUYAN
Ni Apolinario Villalobos


Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan -
Umidlip ka’t huwag pansinin ang paligid
Palakbayin mong matiwasay ang iyong diwa
Nang kahit sa maikling pagkakatao’y panatag ka
At hindi makarinig o makakita ng mga nakakabahala.

Tulog na bunso…sa ugoy ng duyan –
Damhin mo ang biyaya na dulot ng buhay
Buhay na bigay ng Diyos at sa ati’y nagmahal
Hayaan mong sa iyong puso’t diwa ay kumintal
Habang payapa ang paligid at dilim ay di pa dumatal!



kumintal – impressed
dumatal – occured; happened




0

Nagtutulungan Dapat ang mga Magulang at Guro sa Pag-agapay sa Batang Nag-aaral

Posted on Thursday, 10 March 2016

Nagtutulungan Dapat ang Mga Magulang
At Guro sa Pag-agapay sa Batang Nag-aaral
Ni Apolinario Villalobos

Kadalasang maririnig sa magulang ng isang batang nag-aaral at nakitaan ng magaspang na ugali sa bahay ang, “yan ba ang itinuturo sa iyo ng titser mo?”. At ang titser namang taklesa o walang preno ang bibig ay nadudulas sa pagsabi sa batang sutil sa klasrum ng, “ganyan din siguro ang ginagawa mo sa inyo at hindi ka sinisita ng magulang mo!”

Kung may makitang hindi maganda sa isang batang nag-aaral, ang magulang at titser nito ay parehong may tungkulin sa pag-agapay o pag-alalay sa kanya upang mahubog nang maayos ang kanyang pagkatao habang lumalaki. Hindi sila dapat nagbabatuhan ng sisi. Dapat alalahaning magkaiba ang sitwasyon sa tahanan at sa paaralan kaya ang uri ng kanilang paghubog ay nagkakaiba rin, subalit may iisang layunin tungo sa kabutihan ng bata.

Ang mahirap lang ay kung ang mismong magulang ng bata ay wala man lang inilalaang panahon para sa anak dahil baka ni hindi man lang ito maipaghanda ng maayos na pagkain bago pumasok o di kaya ay mapaalalahanang magpakabait sa paaralan. Ganoong problema din ang kakaharapin ng bata kung ang titser niya ay hindi man lang makakapagparamdam ng pagiging “pangalawang magulang” sa labas ng tahanan. May ilang titser kasi na bukod sa malupit na sa mga bata ay halos nakatuon ang pansin sa mga oras ng recess, tanghali, at uwian.

May patakaran ngayon ang mga paaralan na dapat ay magulang o nakakatandang kapatid ang kumuha ng card ng batang nag-aaral, kaya sana ay gamitin ang pagkakataong ito upang maiparating ng mga guro ang mga hindi pangkaraniwang napansin nila sa bata. Ang problema lang ay kung sobra ang dami ng mga mag-aaral kaya hindi posible ang sinasabing “one on one” na pag-uusap ng guro at magulang. Subalit may kasabihan na kung kinakailangan ay may magagawang paraan, at diyan masusukat ang katapatan ng isang guro sa kanyang layunin, ganoon din ang magulang na nagbigay ng buhay sa bata na hindi naman humiling na siya ay iluwal.



0

Life's sorrows and joys, pleasures and pains

Posted on Saturday, 27 June 2015



Life’s Sorrows and Joys,
Pleasures and Pains
By Apolinario Villalobos

Life is not a bed of roses, so they say…
And it is not always pleasure that we feel
But pain that can be like death, as well…
Life is also specked with sadness and sorrow
But beyond them, is always a bright tomorrow.
The pain of birth that convulses a mother
Becomes a joy, with her babe’s cry like no other.
There is sorrow for those who cry for food
But joy with thought, they’re more loved by the Lord.
The world wallows in pains of greed and abuse
But there is always hope that in life hereafter -
Man’s face will shine with joy… forever!


0

Si Eden...matatag na Ina

Posted on Monday, 25 May 2015



Si Eden…Matatag na Ina
Ni Apolinario Villalobos

Iba’t ibang pagkakataon ang sumusubok sa katatagan ng isang ina. Nandiyan ang mamatayan ng asawa kaya naiwang mag-isang nagtaguyod sa mga anak;  mabubugbog ng istambay na ay adik pang asawa subali’t hindi niya maiwan dahil ayaw niyang mawalan ng ama ang kanyang mga anak; mamasukan sa beer house bilang entertainer upang mabuhay ang mga anak sa pagkakasala…marami pang iba.

Iba at pambihira ang nangyari kay Eden, wala pang apatnapung taong gulang na ina. Maganda ang samahan nila ng kanyang asawang nagta-traysikel hanggang ito’y maputulan ng isang paa dahil sa sakit na diabetes. Dinoble ni Eden ang pagkayod sa pamamagitan ng paglalabada at pagpapataya ng “ending”, isang sugal na paborito ng mahihirap dahil sa laki ng panalo kahit maliit ang taya, pati pagtinda ng banana-cue ay ginawa na rin niya. Sa kabila ng lahat, talagang kinakapos pa rin sila dahil lima ang kanilang anak, na ang mga gulang ay mula tatlo hanggang labing-anim na taon. Tuwing  mag-usap kami ng asawa ni Eden noong buhay pa ito,  pabiro itong nagsasabi na hindi lang kaliwa’t kanan ang mga utang nila, kundi harap at likod pa. Ang nagpatindi ng pangangailangan nila sa pera ay ang regular check- up at mahal niyang mga gamot .

Bilang huling hirit sa kapalaran nila, nagdesisyon si Eden na magtrabaho sa ibang bansa, at pinalad namang makapasok bilang katulong sa Saudi. Naiwan sa kalinga ng asawang pilay ang mga bata. Maganda  ang mga plano na ibinahagi sa akin ng asawa niya dahil uunahin daw muna nilang bayaran ang mga utang, at saka na sila mag-iipon ng pangpuhunan sa negosyo. Inaasahan niyang may maiipon sila dahil dalawang taong kontrata ang nakuha ni Eden. Ang masakit nga lang ay inatake siya hanggang matuluyan dahil hindi nakainom ng gamot ng kung ilang araw. Nangyari ang trahedya, tatatlong buwan pa lamang na nakaalis si Eden.

Nagpakatatag ang mga bata na inalalayan ng ilang kamag-anak, lalo na ng mga kapitbahay na siyang nag-asikaso sa pinaglamayang asawa habang hinihintay ang desisyon ng amo ni Eden kung papayagan siyang umuwi. Masuwerte siya at napayagan naman, ibinili pa ng tiket sa eroplano at pinagbakasyon ng isang buwan upang maasikaso ang pagpalibing sa kanyang asawa. Dahil sa kabaitan ng amo, hindi maaaring hindi siya bumalik sa Saudi, lalo na at nakatali pa siya sa kontrata na maaari niyang ikakulong kung kanyang susuwayin.

May isang kamag-anak ang kanyang asawa na nagbigay ng matitirhan nilang mag-iina. Sa tabi nito nakatira ang bayaw ni Eden na nagpalakas ng kanyang loob. Magpapadala naman siya ng pera sa isa pang kamag-anak para sa mga pangangailangan ng mga bata lalo na ng mga nag-aaral.

Nang mag-usap kami ni Eden, nakita ko ang pangamba sa kanyang mukha na hindi naikubli ng maya’t mayang pagpatak ng luha na pinapahid niya agad upang hindi makita ng mga bata. Kailangang magpakita siya ng katatagan upang hindi panghinaan ng loob ang kanyang mga anak. Kinausap na rin daw niya ang mga ito at nagpasalamat siya dahil kahit sa mura nilang isip, naintindihan nila ang lahat kaya magtutulungan na lang daw sila at handa silang magtiis.

Iniwan ni Eden ang kanyang mga anak bago pumutok ang araw upang makaiwas sa trapik sa pagpunta niya sa airport. Nangyari ang inasahan niyang iyakan nilang mag-ina bago siya makalabas ng bahay, at dahil tulog pa ang bunso, siguradong mahihirapan ang mga kapatid sa pagpatigil ng kanyang pag-iyak paggising nito. Nang huli kaming mag-usap nina Eden at mga anak niyang tin-edyer, nag-isip na kami ng maraming dahilan na sasabihin sa bunso kung hahanapin siya nito.

Nakakalungkot isipin na ang ibang ina sa panahon ngayon ay walang kasiyahan sa kabila ng kasaganaan sa buhay. Ang iba, dahil halos hindi na alam ang gagawin sa paggastos ng labis na kita ng asawa ay inii-spoil ang mga anak sa pagbigay ng kanilang mga luho, bukod pa dito ang mga pansarili nilang kapritso kaya kung anu-anong retoke ang pinapaggagawa sa katawan.

Ang iba naman ay hindi natutong pagkasyahin ang kita ng asawa sa mga pangangailangan kahit sapat naman sana kung hindi lang dahil sa kanilang bisyo tulad ng pagsusugal at paglalabas-labas kasama ang mga kumare. Ang iba ay nagsa-sideline o kumakabit sa mga may pera upang matustusan ang kanilang luho na hindi kayang suportahan ng kita ng asawa, kaya napapabayaan pa ang mga anak.

Maraming biyuda tulad ni Eden sa mundo. Subali’t iilan lang siguro silang may matatag na kalooban. Ang iba ay nagpapakamatay dahil hindi nila kayang balikatin ang napakabigat na responsibilidad sa kanilang balikat. Ang iba ay nawawalan ng katinuan sa pag-iisip kaya bumagsak sa ospital ng may kapansanan sa pag-iisip at ang mga anak ay napapunta sa bahay-ampunan.

Palagay ko ay malalampasan ni Eden at mga anak niya ang mga pagsubok dahil hindi naman ito ibibigay ng Diyos kung hindi nila makakaya.  Sa mga makakabasa, dasal para sa mag-iina ang hinihiling ko.

0

Unawain ang Silakbo ng Galit ng Ina dahil sa Pagtanggol sa kanyang Anak

Posted on Monday, 4 May 2015



Unawain ang Silakbo ng Galit
Ng Ina dahil sa Pagtanggol sa kanyang Anak
Ni Apolinario Villalobos

Nag-viral ang sinabi ng nanay ni Mary Jane Veloso na pagbabayarin raw niya si Pnoy sa ginawa nitong pagpapabaya sa kanyang anak kaya muntik nang mabitay sa Indonesia. Mabuti na lang at hindi natuloy, pansamantala, ang pagbitay. Ang isang ina, ay gagawin ang lahat para sa anak. Alam ng lahat na wala namang kakayahang umupa ng gun-for-hire ang nanay ni Mary Jane, na siyang kadalasang ibig sabihin ng ganoong banta. Maaari namang ihabla niya sa korte, pero alam din ng lahat na imposible dahil sa immunity ng presidente. Kaya sana ay unawain na lang siya.

Ayon kasi sa kuwento ng mga kapatid ni Mary Jane, sa loob ng mahigit apat na taon ay marami silang pinagdaanang hirap, na umabot pa sa muntik nang pagpapakamatay ng ilang beses ng tatay nila. At, sa loob ng panahong yon, ay puro paasa lang daw ang natanggap nila, hindi lang mula sa gobyerno kundi maski pati sa mga pribadong taong nilapitan nila. Sino ngayong normal na tao ang hindi halos mawalan ng katinuan sa pag-iisip, lalo na ang isang ina, kapag nakadanas ng ganoong klaseng hirap?

Ganyan din ang nangyari kay nanay Dionesia nang matalo ni Mayweather si Manny. Ang mga fans ni Manny, nabigla man sa nangyari ay medyo nahimasmasan na, maski si Manny mismo na nagsabing tanggap na niya ang kanyang pagkatalo, subalit ayaw paawat ni nanay Dionesia na nakita daw niya kung paanong lamutakin ni Mayweather ang mukha ng anak niya, na pinatotohanan naman ni Manny, kaya ito siguro yong nakita ng mga nanonood na parang may ibinulong siya kay Mayweather…na itigil na ang ginagawa niya. Sa galit ni nanay Dionesia ay gusto daw niyang makipagsuntukan kay Mayweather!

Sa loob ng siyam na buwan, pinaghirapan ng isang inang dalhin sa kanyang sinapupunan ang anak, na siyang panimula ng kanyang paghihirap. Subalit kung iisiping mabuti, nagsisimula ang paghihirap habang naglilihi pa lang siya dahil panay ang kanyang pagsusuka kaya hindi makakain ng maayos. Ang iba ay hindi maintindihan ang sarili dahil parang galit sa mundo. May naiinis pang nagsasabi na pumapangit daw sila dahil nangingitim ang kanilang kili-kili tuwing magbubuntis, tinutubuan sila ng taghiyawat, at gumagaspang ang kutis!

Sa pagluwal ng sanggol, halos maputol ang hininga ng isang ina sa pag-iri upang maitulak  palabas ang sanggol. Yong nagpa-caesarian naman, dusa din ang dinanas dahil nalimas ang inipong pinambayad sa doktor. Habang lumalaki ang sanggol, panay ang puyat niya, at mamalasin pa kung tamad ang asawa, kaya ayaw makisama sa pag-alaga. Kapag nagsimula nang mag-aral ang bata, ina pa rin ang tumutulong dito sa mga araling-bahay  kahit siya mismo ay halos hindi makaunawa sa mga bagong leksiyon na hindi niya inabot – trying hard lang talaga siya!

Kaya sinong ina ang hindi halos mabaliw kung malaman niyang nakulong at mapa-firing squad ang kanyang anak….sa ibang bansa pa? At sinong ina ang hindi aaray habang nakikitang inuupakan ang anak niyang boksingero sa loob ng ring at dinadaya pa sa pamamagitan ng paglamukos sa mukha nito?

Siyanga pala, ang tinutukoy ko dito ay ang mga inang normal ang pag-iisip, hindi ang mga disgrayadang babae na naglalaglag ng sanggol na nabuo sa kanilang sinapupunan dahil sa kanilang kalandian o kalibugan, o yong mga inang nagtatapon ng sanggol sa basurahan!

Sa isang banda, nakakabilib ang inang nagbunga man ang pagkaligaw niya ng landas ay nagpipilit pa ring buhayin ang anak sa lahat ng paraang kaya niya. Ang ganyang klaseng ina ang pinagpapala ng Diyos!

Samantala, yong mga hindi pa nakakadanas ng mga pagsubok tulad ng mga Veloso at nanay Dionesia Pacquiao, tumigil na lang sana sa pagbatikos…..unawain na lang sila. Isipin nyo na lang na nanay nyo rin sila na pinaglalaban kayo. At, higit sa lahat alalahanin natin ang kasabihang: NANAY LANG ANG MAGSASABING MAGANDA O GUWAPO ANG KANYANG ANAK!...may panlaban kayo diyan?

0

Mga Pagkakamali ng Ibang Magulan

Posted on Friday, 11 July 2014

Mga Pagkakamali ng Ibang Magulang
Ni Apolinario Villalobos

Kung noong unang panahon ay marami na ring anak na hindi maganda ang ugali…lalung-lalo na ngayon. Merong mga anak na kung sumagot sa magulang ay aakalain mong nambubulyaw ng nakababatang kapatid. Merong mga anak ng naghihikahos na mga magulang na hindi kakain kung hindi karne ang ulam. Merong mga anak na halos ay bugbugin ang magulang sa paghingi ng mga makabagong gadget. Merong mga anak na mas gusto pang umistambay sa mga internet cafĂ© kasama ang barkada, sa halip na mag-aral ng leksiyon sa bahay. Merong mga anak na sa murang gulang ay animo tambutso ang bibig sa pagbuga ng usok ng sigarilyo. Merong mga anak na kung gumastos ng pinaghirapang pera ng magulang ay aakalain mong anak-mayaman. At higit sa lahat, ay merong mga anak na ikinahihiya ang mga magulang na ang pinangbubuhay sa kanila ay pagtinda sa palengke, halimbawa, o di kaya ay ang pagiging tricycle driver ng ama, o di kaya ay ang pagigig labandera ng ina.

Sino ang dapat sisihin sa mga nabanggit? Mga magulang mismo! Ang tao ay parang halaman na habang maliit pa lang at malambot ang mga sanga ay maaaring baliku-balikuin upang makasunod sa porma. Kapag lumaki na ito, titigas na ang mga sanga, at kung pipiliting balikuin, tiyak na mababali. Upang maiwasan ito, hahayaan na lang kung saang direksyon patungo ang tumutubong sanga. Yan ang ginawa ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi nila nadisiplina ng maayos ang kanilang mga anak habang maliit o bata pa. Yong ibang magulang sinasabing ayaw nilang danasin ng anak nila ang hirap na dinanas nila, kaya sukdulan mang mangutang maibili lang ng mamahaling cellphone ay gagawin, o di kaya ay i-enroll sa mamahaling unibersidad, at di kaya ay palakihin sa mga pagkaing pangmayaman kahit hilahod na sila sa kahirapan ng buhay.

Marami akong kilalang mga magulang na hinayaang masanay sa hot dog at iba pang pagkaing hindi masustansiya ang kanilang mga anak habang maliliit pa lang ang mga ito. Kaya nang lumaki, ayaw nang kumain ng gulay o isda. Meron ding mga magulang na hinahayaang sagutin sila ng mga anak nilang paslit pa lamang na hindi alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig, pati na ang pagmumura kung minsan na naririnig sa ibang tao….cute daw kasing pakinggan, parang matanda na kung magsalita! Nang magsimulang mag-aral ang mga anak, sa halip na pabaunan ng pagkain, pera ang ibinibigay sa kanila kaya nasanay…resulta kalaunan – tinatapon ang bente pesos, ang gusto ay singkwenta, na nakikita nila sa mga kaklaseng anak-mayaman.

Meron ding mga magulang na pinapakita sa mga anak ang mga bisyo nila tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak…ang resulta, high school pa lang, bihasa na sa paghitit ng sigarilyo at paghawak ng bote ng alak ang mga ito. Ang pinakamatindi, may mga magulang na pilit tinatago kung anong klaseng buhay meron sila – na nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke. Ang anak binibihisan ng damit na pangmayaman, hindi minumulat ang kaisipan sa tunay nilang sitwasyon, kaya natanim sa isipan ng anak nila na nakakahiya ang kanilang ginagawa. Ayaw ipabanggit sa anak kung sa iskul ito na ang mga magulang niya ay nagtitinda sa palengke!

May mga magulang na hindi sinanay sa gawaing bahay ang mga anak kaya lumaki sila na wala man lang kusang maghugas ng pinggang kinainan, magsaing, maglaba, o magwalis man lang sa loob ng bahay. May alam akong mag-asawang nakakabilib ang sipag. Maaga pa lang, si mister naglilinis na ng bakuran, si misis kandakuba dahil pinagsabay sa paglaba ang pagluto. Pero ang mga anak na tin-edyer, kung gumising tanghali na! Ang anak na babaeng panganay, third year high school na, hindi man lang marunong magsaing. Pinagmamalaki pa ng mga magulang ang kamangmangan ng mga anak sa mga gawaing bahay, na kung umasta sa labas, animo ay mga taga-Ayala Alabang….ganoong si mister ay taga-singil ng isang maliit na lending agency, at si misis ay manikurista sa isang parlor!

May mga magulang din na nakita na ang maling ginawa ng anak, pinagtatakpan pa, kaya natanim sa isip ng anak na pwede pala siyang ipagtanggol ng magulang kahi’t siya ay gumawa ng masama. Pagdating ng panahong naging kriminal ang anak na humaba ang sungay, nagkakasisihan, ang itinuturo ng magulang ay kahirapan nila at gobyerno…subali’t sa kaibuturan ng isip nila ay may pagsisisi pa rin, ayaw lang aminin! Isang halimbawa ay ang pagpapatakas ng mga magulang sa mga anak patungo sa ibang bansa upang makaiwas sa mga kasong haharapin dahil sa ginawang labag sa batas. Isang halimbawa ay ang pagkamatay ng isang Servando dahil sa hazing. Apat sa mga sangkot sa hazing ang nakaalis na ng bansa. Meron ding mga magulang na ninanakawan na ng anak na adik upang may pambili ng shabu, itinatanggi pang may bisyo ito….sasabihin pang iskolar daw!

Hindi matitigil ang ganitong kaugalian kung ang mga anak ay hindi matututo, dahil kung wala silang matututunan, wala rin silang maituturo sa kanilang mga anak pagdating ng panahon, kaya tuloy pa rin ang masamang ugali ng magiging mga anak nila . Ibig sabihin….pasa-pasahan na lang, na kung tawagin sa English ay vicious cycle!

Ang mga magulang na nagdudusa dahil sa kanilang kamalian, ay dapat matutong tumanggap nito. Hangga’t hindi nila matanggap ang kanilang pagkakamali, wala silang dahilan upang magsisisi, kaya ang sama ng loob na nakakapagpasikip ng kanilang dibdib ay hindi matatanggal habang sila ay nabubuhay. Ito ang klase ng mga tao na hindi nakikinig ng payo. Iniisip nilang tama sila palagi. Matalino daw sila. Huwag na lang silang magdrama na animo ay si Sisa o di kaya ay magsusumigaw sa buong mundo na sila ay martir upang mapabilib ang mga kapitbahay at kaibigan!....sarilinin na lang nila ang kanilang problema.