Showing posts with label parents. Show all posts

0

The Act of Kindness...a message to parents

Posted on Saturday, 23 December 2017

The Act of Kindness
…a message to parents
By Apolinario Villalobos
The act of kindness should not be a means to an end, but the reason, in itself. In other words, we should not be kind to others, just because we want to go to heaven, but because we want to do it to for the sake of others. Acting kindly should be spontaneous. The act should form part of our habit. By acting this way, we will forget to count our indulgences which others are prone in doing. The act of kindness should end when the action is done, so that any return for such act is not considered.
In this regard, parents should stop telling their kids to be kind to others so that Jesus will love them. Children should be told to be kind, because by being so they are helping others. Of course, there is always Jesus or God or heaven as reasons every time we do kind acts. But, foremost, as our reason to be kind should be the expectation of us, as human beings, intelligent creatures, who should be kind to others. The clever guys may ask, what happens then to the Ten Commandments?
For the question above, I also ask, how about the aborigines who do not know God?… those in the hinterlands and jungles who have not seen a missionary, much more a Bible or a cross? Don’t they have the right to go to heaven even if they have done acts of kindness, just because nobody told them about such an eternal paradise? The unconscious dispensing of kind acts by these people who, in the eyes of others are uncivilized, deserve more heavenly recognition that what some evil-minded, though, college or university-educated and church-going humans are doing!
Parents should tell their children that they should be kind to others because the latter deserve respect due them as human beings. And, blessings should be shared with them because they need the help to be able to survive. We should do only those, and just leave to God the judgment if our acts are worthy of a place in heaven. Again, we should not count our acts of kindness.
Every Christmas, some parents are even going farther, by warning their kids not to be bad because Santa Claus will not give them gifts. Christianity or any religion that observes Christmas never teaches that! Santa Claus is not even mentioned in the Bible or whatever book of any religion. Santa Claus just like the Christmas tree, is just a symbol of the pagan way of celebrating Christmas, to have a semblance of festivity. Christmas is all about the humble birth of Jesus Christ. And, what has been originally celebrated was the baptism of Jesus Christ. It was only one of the early popes who thought of giving importance to the birthday of Jesus Christ, with the exact date not yet even officially established, and to give it a facade of joyful celebration for the sake of the converted pagans, used their early practices that are still being observed today.
A mother confided to me that when she told her child that Santa Claus is a missionary, the child in all innocence, asked her mother why he does not wear a cross, or carry a Bible! The mother was caught flat-footed, and she told me that she felt so ashamed of what she told her child, vowing never to tell her lies again.
The erroneous way of developing kindness in the personality of a child has done its toll. The wrong notion about kindness has become an integral part of the obnoxious attitude of some children which they will pass on to their own children when they become parents, themselves. The world is so full of children with this kind of attitude, with the parents themselves, to be blamed for their “spoiled” upbringing. This is a general observation. If some parents are doing the right thing, they need not react defensively. Unfortunately, I may be pessimistic, by sharing that I see no end to this vicious cycle. Only voluntary contrition of parents may help. But how many parents are willing?







0

Ang Malasakit ng Anak sa Magulang

Posted on Monday, 26 September 2016

ANG MALASAKIT NG ANAK SA MAGULANG
Ni Apolinario Villalobos

Iba na talaga ang panahon ngayon. Hindi na nakasentro ang malasakit ng mga anak sa kanilang mga magulang….subalit hindi ko naman nilalahat. Marami na ang napapalingan o napapagbalingan ng kanilang malasakit at atensiyon. Kasama diyan ang mga barkada at gadgets. Kung mapagsabihan, lalayas agad at pupunta sa barkada, at kung uutusan ay nagbibingi-bingihan dahil nagko-computer o nagpi-facebook pa. Obvious na nawala ang respeto, kaya paano pa silang magkakaroon ng malasakit kahit katiting man lang sa kanilang mga magulang?

May mga anak na hindi man lang inisip kung may perang mahuhugot ang magulang tuwing sila ay may ipabibiling gamit upang hindi mapag-iwanan ng mga kaibigan, dahil kapag sinabihan silang walang pera ay sasama na agad ang loob. Maraming mga anak din ang walang pagkukusa sa pagtulong upang gampanan ang mga gawaing bahay. Nahihiya silang makita ng mga kaibigang nagwawalis sa bakuran o tapat ng bahay. Ayaw ding magluto o maglaba dahil mayroon naman daw perang pambayad sa kasambahay…at lalung-lalo na “nandiyan naman si mama”!

Maraming mga magulang na sa kagustuhang maibigay sa mga anak ang magandang kinabukasan nila, halos igapang na nila ang pagpapaaral sa mga ito, kesehodang mabaon sila sa utang. Hindi rin nila alintana kahit wala silang maitabi para sa kanilang pagtanda o retirement upang may maipambili man lang ng mga maintenance drugs o pambayad sa doktor para sa kanilang regular na check-up. Ang masaklap ay kung dumating ang panahong nakatapos na ang kanilang mga anak at biglang nag-asawa ang mga ito kaya malabo na para sa kanila ang makapagtanaw man lang ng utang na loob dahil nakakahiya sa mga asawa nila. Samantala, ang mga magulang na nagpakahirap hanggang humina ang katawan ay naiwang nakatunganga!...pero ang pinakamasaklap ay kung nag-asawa na nga ay tamad namang maghanap ng trabao at nagsusumiksik pa rin sa piling ng mga magulang na matatanda na parehong retired, at ang mga pensiyon ay kulang pa nga sa kanila.

Kaya ako gumawa ng blog na ito ay dahil sa napansin kong pangyayari kung paanong tratuhin ang kumpare ko ng kanyang anak na may trabaho bilang call center agent. Nang pasyalan ko siya sa Pasay ay natiyempuhan kong nasa bubong ito at naglalagay ng vulca seal sa mga butas ng yero. Ang anak namang lalaki ay nakaupo sa harap ng bahay nila at busy sa pagpi-facebook gamit ang isang tablet. Nang tawagin niya ang anak upang maghagis ng basahan sa kanya, hindi ito sumagot.  Sa halip na sundin ang utos ng ama ay padabog na pumasok sa bahay at sinabihan ang katulong na gawin ang inuutos sa kanya. Sa awa ko sa kumpare ko ay ako na ang umakyat sa hagdanan upang iabot ang basahan sa kanya.

Yong isa namang kuwento ay tungkol sa anak na hindi man lang binuksan ang gate para sa nanay na hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng pinamalengke. Hindi man lang sinalubong ng anak na busy rin sa pagpi-facebook gamit ang cell phone habang nakaupo sa labas lang ng pinto ng bahay nila. Hindi rin tumulong sa nanay niya upang maipasok ang dalawang grocery bags sa loob ng bahay.


Yong isa pang anak ay makapal naman ang mukha sa paghingi ng kanyang mamanahin “in advance”, na para bang may ipinatago sa mga magulang!...ang panahon nga naman!

0

Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon

Posted on Thursday, 24 December 2015

Ang Nanay naming Matapang at Mahilig Mag-ampon
Ni Apolinario Villalobos

Ang pangalan niya ay Angelica pero ang palayaw niya ay “Ica”. Bunso siya at nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Mabait siya pero matapang dahil kahit maliit ay marunong humawak ng itak kaya sa palengke noong maliit pa ako, kung saan may puwesto kami ng tuyo pero nalugi kaya nauwi sila ng tatay namin sa paglatag sa lupa ng ukay-ukay, ay pinangingilagan siya.

Naalala ko noong nasa Grade 1 ako, nagkagulo sa isang inuman ng tuba malapit sa puwesto namin dahil sa isang lasing na nagwala. Daanan ang puwesto namin papunta sa inuman ng tuba, kaya halos naglaglagan ang mga tuyo dahil sa dagsa ng mga taong nagtakbuhan. Sa inis ng nanay namin, kinuha ang itak na nakatago sa ilalim ng bangko at sinugod ang nagwawalang lasing. Nang makita siya ay parang nahimasmasan dahil kilala pala siya nito. Lalong natakot ang lasing nang makita ang itak na hawak ng nanay namin. Ang may-ari naman ng puwesto ay hindi mahagilap dahil tumakbo daw at nagtago, kaya ang nanay namin ang nag-utos sa lasing na linisin ang mga kalat tulad ng nabasag na mga maliit na garapong kung tawagin ay “Bol” na ginagamit sa pag-inom ng tuba. Ang “Bol” ay tatak ng garapong galing sa America noon at ang dating laman ay minatamis yata. Antigo na ito ngayon at mahal kung bilhin sa antique shop.

Nang kumandidato ang nakakatanda niyang kapatid bilang Vice-Mayor, pati ang pamilya namin ay nadamay sa mga intriga. Sa inis niya ay nag-research kung sino ang nagpasimuno ng isang intriga at nang malaman niya ay sinugod sa bahay at hinamon ng away sa kalsada. Binantaan din niyang huwag nang dumaan sa tapat namin at huwag na huwag daw magpakita sa kanya. Nagkaroon ng problema ang intrigera dahil ang bahay namin ay nasa tapat lang ng plasa kaya kung may libreng sine, ay nagtatakip ito ng turban sa ulo at mukha upang hindi makilala ng nanay namin na mahilig ding manood ng libreng sine. Ayaw makialam ng nanay namin sa pulitika at ito ang itinanim niya sa aming isip dahil para sa kanya na naunawaan din namin, sisirain lang ng pulitika ang magandang samahan ng magkakamag-anak at magkakaibigan na ang isip ay nakatuon sa hangad na makaupo sa puwesto sa anumang paraan.

Isang gabi ay nakita ko sila ng tatay namin na nagbibilang ng mga lumang pilak na perang Kastila na matagal na nilang naipon. Kinabukasan pinalitan ng kumpare nila ang mga pilak na pera ng bago. Pambayad pala sa naipong utang na dahilan kung bakit wala nang nagdatingang bagong stock ng mga tuyo galing sa Iloilo. Nalaman ko ring marami pala silang pinautang ng paninda na hindi nabayaran kaya nalugi ang negosyo. Sa bagay na ito, hindi ko nakitaan ng tapang ang nanay namin upang maningil dahil sa awa sa mga umutang…mga kapos din daw kasi tulad naming. Hindi nagtagal, ibinenta nila ang puwesto namin.

Noong ukay-ukay na ang ibinenta ng magulang namin, sinubukan din nilang dumayo sa ibang bayan. Isang gabing dumating sila galing sa dinayong tiyangge, may kasama silang buntis. Sa kuwentong narinig ko isinama nila ang babaeng nakita nilang palakad-lakad sa palengke ng Tulunan, ang dinayong bayan nang araw na yon, dahil baka daw “ihulog” ng babae ang anak niya. Ang “ihulog” ay “ilaglag”sa Tagalog o sa Ingles ay i-“abort”. Pero dahil bata pa ako ang na-imagine ko ay ang gagawin ng babae na “ihuhulog” ang anak niya sa bangin! Inampon namin ang babae hanggang sa manganak. Nang umabot na ang anak niya sa gulang na apat na taon ay pinayagan siya ng nanay namin na bumalik sa Tulunan.

Isang beses naman, nang naghuhugas ako ng mga reject na tuyo upang matanggal ang namuong asin ay may nakita akong batang apat na taong gulang lang yata, umiiyak sa tabi ng public toilet. Nag-iisa lang siya at ayaw sumagot sa mga tanong ko kaya sinundo ko ang nanay ko. Isinama niya ang bata sa puwesto namin at inutusan ang kuya ko na maghanap ng pulis sa palengke upang sabihan na may batang “napulot” at nasa puwesto namin. Hanggang magsara na kami ng puwesto, ay wala pa ring kumuha sa bata kaya isinama na namin sa pag-uwi. Araw-araw siyang isinasama sa puwesto upang makita ng kung sino mang nakakakilala. Nang magdesisyon ang nanay naming ampunin na ang bata ay saka naman siya nakita ng tiyuhin. Sa pag-uwi nila ay sumama kami ng nanay ko at nagdala pa kami ng maraming tuyo upang pasalubong sa mga magulang. Nakatira pala sila sa bulubundukin ng Magon malapit na sa boundary ng South Cotabato, kaya napasabak kami ng “hiking” na inabot din ng ilang oras dahil napakadalang pa ang mga sasakyan noon. Nakabalik kami sa palengke bandang hapon na. Inihatid kami ng tatay ng bata dahil sa bigat ng pinabaon sa aming maraming bayabas at guyabano.

Nang umuwi naman ang nanay namin galing sa Bantayan Island (Cebu) mula sa pagdalo sa pista ng nagmimilagro daw na Sto. Niá¼§o, may kasama siyang isang batang babae na ulila at limang taong gulang. Naging kapamilya namin ang bata hanggang sa siya ay isinama uli sa Bantayan noong mag-sasampung taon gulang na. Hindi na siya naisama pag-uwi ng nanay namin dahil nang makita daw ang bata ng isang tiyahin ay binawi. Wala namang nagawa ang nanay namin kundi ang umuwing luhaan.

Hindi lang tao ang nakahiligang ampunin ng nanay namin dahil nang minsang umuwi siya ay may napulot siyang tuta na nangangalkal sa basurahan ng isang bakery na nadaanan niya. Hindi pa ako nag-aaral noon kaya naging kalaro ko ang tuta hanggang sa ito ay lumaki. Ang pinaka-puwesto ng aso tuwing gabi ay ang balkonahe namin. Isang umaga ay nakita namin siyang patay at kagat pa ang leeg ng isang asong patay din at ang bunganga ay umaapaw sa laway, palatandaang ito ay isang asong ulol. Nakaakyat pala sa balkonahe ang asong ulol at kung hindi napatay ng aso namin ay malamang na kami ang nabiktima pagbukas namin ng pinto nang umagang yon.


Kung buhay ang nanay namin ngayon, malamang ay naipagpatayo namin siya ng isang maliit na “halfway home” para sa mga gusto niyang ampunin kahit pansamantala, pati na rin siguro ng isang maliit ding “pet shelter”. Pero masaya na rin ako dahil alam kong inampon din siya doon sa “itaas”.

0

Ang Hindi ko Makalimutang Tatay Namin

Posted on Thursday, 11 June 2015



Happy Fathers’ Day!


Ang Hindi ko Makalimutang Tatay Namin
Ni Apolinario Villalobos

Simple lang ang buhay namin noon. Nagtitinda ng tuyo ang aming mga magulang hanggang sa ito ay nalugi. Bumigay ang maliit na puhunan dahil sa laki ng aming pamilya. Mula noong nasa grade one (walang pang prep noon) hanggang grade five ako, dama ko ang saya ng pamilya namin. Yon nga lang, lahat kami ay walang baon pagpasok sa eskwela.

Tuwing uuwi ang tatay namin, palagi siyang may pasalubong na saging. At kung isda namang nakatuhog sa yantok (rattan) na panali (wala pang supot noon) ang inuuwi, palagi namang tilapia na siyang pinakamura. Siya na rin ang naglilinis at nagluluto. Dahil sa kamahalan ng isdang dagat, lumaki akong hindi ko sila “nakilala” kaya hanggang ngayon ay wala ako ng sinasabing “acquired taste” para sa mga sariwang isdang dagat. Ang kilala ko lang noon na isdang dagat ay nasa lata - sardinas. Maliban sa tilapia, ang binibili ng tatay ko ay bangus na nagkakamurahan kung hapon na, pero dahil sa dami ng tinik kaya mahirap kainin, nagkasya na lamang ako sa sabaw.

Walang bisyo ang tatay namin, hindi tulad ng nanay namin na nagnganganga. Ang kinatutuwa ko pa ay ang pagtabi niya para sa akin, ng mga diyaryong pinangsapin sa mga kahon ng tuyo. Napansin kasi niya na matiyaga kong binabasa ang mga ito kahit malakas ang amoy…inuuwi ko pa at itinatago sa ilalim ng kama. Dahil sa ginagawa ko, pingot naman ang inaabot ko sa ate namin. Tumigil lamang siya sa pagbulyaw nang magwala ako dahil sinunog niya ang “collection” ko. Natakot yata nang pinagtutumba ko ang mga silya, kaya tumakgo siya sa palengke upang manghingi  sa ibang nagtitinda ng tuyo…pampalit sa mga sinunog niya!

Noong hindi pa ako nag-aaral, tuwang-tuwa ang tatay ko sa mga isinusulat kong mga salita sa lupa gamit ang maliit na sanga ng kaimito, na kinokopya sa kung anumang babasahin na mahagilap ko. Ang una kong isinulat noong tatlong taon pa lang daw ako ay “Purico”, isang brand ng mantika na uso noon. Yon kasi ang gamit namin sa pagluto kaya nababasa ko ang nakasulat sa kartong pambalot. Nasundan ito ng mga pangalan ng mga kapatid ko, kaya palaging puno ng mga isinusulat ko ang lupa sa bakuran namin. Mabuti na lang at wala pa noong spray paint, dahil baka pati dingding ng bahay ay hindi ko pinalampas!

Pinagtatanggol niya ako kapag pinapagalitan ako ng nanay namin, tuwing umuwi akong maraming sugat dahil sa pag-akyat sa mga puno ng prutas ng mga kapitbahay. Dahilan niya, inuuwi ko naman daw ang mga prutas para sa mga kapatid ko. Ganoon din kapag naghahakot ako ng mga supot na plastic na napupulot ko mula sa basurahan ng isang bakery, dahil ginagamit ko ang mga ito bilang pang-cover ng libro. Dahilan niya, pati naman daw mga kapatid ko ay nakikinabang. Naigagawa ko rin kasi sila ng raincoat, mula sa mga pinagtagpi-tagping mga plastic. Ang hindi lang niya matanggap ay nang mag-uwi ako ng maliit na ahas na iniligtas ko sa pananakit ng ibang bata…noon na siya nagalit sa akin.

Noong nasa kalagitnaan ako ng grade six, nalugi ang negosyo namin. Gamit ang maliit na puhunang natira, nagtinda ng ukay-ukay ang nanay namin. Ang tatay naman namin ay naging kargador ng mga kaibigan niyang may puwesto sa palengke. Mula madaling-araw hanggang hapon siyang nakaistambay sa dati naming puwesto at naghihintay ng tawag kung may gagawin. Ganoon siya katiyaga. Kung minsan dinadalhan ko siya ng tanghalian. Ganoon pa man, hindi ko narinig na nagreklamo ng pananakit ng katawan ang tatay namin.

Nang panahong nangangargador siya, napadalas ang pakisama niya sa mga kumpareng nagbigay ng trabaho sa kanya, kaya natuto siyang uminom ng alak. Hindi kalaunan, dahil sa kahinaan ng katawan, bumigay ang kanyang atay dahil sa kanser. Mula noon, nagtiyaga na lamang siya sa pagdungaw mula sa bintana habang minamasdan akong nagwawalis sa aming bakuran at nagsusulat sa lupa. Pumanaw siya noong nasa kalagitnaan ako ng Grade Six.

Sa kanya ko natutunan ang ugaling hindi pagpili ng gawain, basta marangal. Nalaman ko sa isang matandang kamag-anak na naging kaminero o basurero din pala siya noong nanliligaw pa lang siya sa nanay namin, kaya pala galit sa kanya ang ibang tiyuhin namin sa ina. Palagi niyang sinasabi na ang kita ay nakakatulong kaya hindi dapat ikalungkot kung ito ay maliit. Nakakatulong din ang kasiyahan sa ginagawa upang matanggap ng lubos ang isang gawain, ano man kababa ito… ganyan daw dapat ang panuntunan sa buhay.

Hindi nakatapos ng elementarya ang tatay namin, subalit pinagmamalaki namin siya. Ang turing ko sa kanya ay higit pa sa isang doktor o abogado, o sa isang Presidente man ng kung anong bansa pero tanga naman, o Bise-presidente ng kung anong bansa din, pero  kurakot naman!

Sa panahon ngayon, lalong umigting ang respeto at pagmamahal ko sa tatay namin. Hindi ko siya ipagpapalit sa ibang tatay ngayon na mayaman nga at kilala sa lipunan, subalit ang pangalan ay kakambal naman ng kahihiyan…walang maski kapirasong dangal!

0

Ang Aming Nanay...

Posted on Friday, 8 May 2015



Ang Aming Nanay…
Ni Apolinario Villalobos

Nakagisnan ko na ang bisyo ng aming nanay na pagnganga. Sa gulang niyang wala pang limampu, naipanganak niya kaming labing-isang magkakapatid, subalit siyam lamang ang buhay. Bihira siyang magsalita, at sa kanilang dalawa ng aming tatay siya ang taga-disiplina sa amin. Sa aking paningin, siya ay matapang at napatunayan ito nang minsang sugurin niya ang puwesto ng larong “pool”, yong parang bilyar, subalit flat na bilog na kahoy ang tinutumbok ng tako. May nagsumbong kasing naglalaro doon ang isa kong kuya sa halip na pumasok sa eskwela. Pagpasok daw niya ay kumuha agad siya ng tako at hinataw ang kuya ko, at nang mabali ito, kumuha pa raw ng isa at iwinasiwas sa ibang mga nandoon na hindi alam kung saan susuling, habang minumura ang may-ari ng puwesto. Pinasara daw niya ang puwesto subalit sa awa sa may-ari ay pinabuksan din makalipas ang ilang araw.

Ang una naming pagtatalo na umabot sa pagpingot niya sa magkabila kong tenga ay nang tumanggi akong magsuot ng ukay-ukay na long sleeves at puting polo shirt, na dahil may pagka-synthetic ang material ay mainit sa katawan. Ayaw ko ring isuot ang malaking sapatos at maluwag na pantalon ng kuya ko. Ang okasyon ay ang pag-akyat ko sa stage upang masabitan ng ribbon na pang-third honor noong ako ay grade three. Pinagyabang niya ako sa mga bumabati sa kanya, na ikinainis ko rin, dapat daw kasi ay first honor ako, pero dahil kamag-anak namin ang teacher, binigay na lang sa akin ang third honor para walang masabi ang ibang magulang.

Nang malugi ang negosyo naming tuyo at daing, nagtinda siya ng ukay-ukay na ang tawag noon ay “relip” mula sa salitang “relief” dahil nga naman ang mga damit ay “relief goods” na donasyon galing Amerika  at unang ibinagsak noon ng mga tiwaling negosyante sa palengke ng Bambang sa Sta. Cruz, Manila. Kumalat ito hanggang Baguio na nadagdagan ng mga surplus galing naman sa Subic (Olongapo) at Clark (Pampanga). Ang mga artista at singer noon ay may mga suking tindero at tindera na alam ang mga style na gusto nila, kaya kung may bubuksang mga bundle, inuuna nilang pinipili ang para sa mga ito. Ang nanay ko naman ay sa Bambang lang kumukuha dahil nandoon ang suki niyang puwedeng utangan.

Dahil sa negosyo naming ukay-ukay, lahat ng damit namin ay galing na dito. Pinagtitiyagaan niyang  i-alter ang mga damit upang magkasya sa amin. May mga suki siya na pinapatawag sa akin tuwing may bagong bundle siyang bubuksan upang una silang makapamili, at ang matira ay binebenta sa palengke at idinadayo pa sa mga tiyangge ng ibang bayan. Gumigising siya at ang kuya kong hinataw niya ng tako, madaling araw pa lang upang umabot sa trak na naghahakot ng mga “volantero”, tawag sa mga dumadayo sa tiyangge ng ibang bayan. Hindi ko sila nakitang humigop man lang ng kape bago umalis, dala ang malalaking sako ng ukay-ukay. Sumasabay sa kanila ang tatay namin sa pag-alis ng bahay upang mag-abang sa palengke ng mga kalakal na kanyang mahahakot bilang kargador, na naging trabaho niya nang malugi ang negosyo namin.

Dahil sa laki ng pamilya namin, kahit anong sipag ng aming magulang ay hirap kaming makaangat sa buhay. Ang unang bumigay ay ang aming tatay na dahil siguro sa sama ng loob ay natutong uminom na nagpadali sa kanyang buhay, kaya namatay sa sakit na kanser sa atay.
Sa kabila ng lahat hindi pa rin sumuko ang aming nanay na tumira sa bukid upang makasama sa mga kamag-anak na nagsasaka, kaya napasabak naman siya sa pagtanim ng palay, mais, at pag-ani  na rin ng mga ito. Nagbukas din siya ng maliit na tindahan na ang mga paninda ay pinapautang niya at ang bayad ay mais o palay, hindi pera. Ganoon ka-diskarte ang aming nanay. Tuwing Sabado naman ay binibisita ko siya at dahil kapos sa pamasahe, sinasabayan ko ang ang pagsikat ng araw kung lakarin ko ang ilang kilometrong layo mula sa aming bayan, hanggang sa bukid na tinitirhan niya. Lakad din ang ginagawa ko kung ako ay uuwi na sa bayan, madaling araw pa lang ng Lunes upang maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Noon ko napansin ang madalas na pagtali ng nanay namin ng malaking panyo sa kanyang sikmura. Akala ko ay normal lang yon tuwing umaga. May iniinda na pala siyang sakit na nagpapahirap sa kanya dahil sa kirot na naging sanhi pa ng kanyang pagsusuka kung minsan. Dahil sa kakapusan ng pera, sa arbularyo siya dinadala ng mga kapatid ko kung atakehin siya ng sakit.

Isang hapong umuwi ako mula sa eskwela, sinalubong ako ng kalaro kong kapitbahay namin na nagsabing kailangan ko raw magmadali upang  “umabot pa ako”. Hindi ko siya naintindihan, subalit pagdating ko sa amin, nagulat ako dahil maraming tao, yon pala, kararating lang ng kapatid ko kasama ang bangkay ng aming nanay na natuluyan habang ginagamot ng arbularyo. Nasa kalagitnaan ako ng first year high school noon, at wala pang isang taon ang nakalipas nang mamatay ang aming tatay. Namatay ang nanay namin sa sakit na kanser sa matris.

Bilang paggunita sa Buwan ng mga Ina, itong payak na pag-alala lamang ang kaya kong magawa dahil hindi ko naman kayang ibalik ang kanyang buhay upang maski papaano sana ay maipatikim ko sa kanya bilang ganti, ang ginhawang bunga ng kanyang pagsisikap katuwang ang aming tatay.

Sa isang banda, ang panawagan ko naman sa mga mambabasa na may mga magulang pa, kahit tatay o nanay man lang…mahalin ninyo sila....dahil sila ang bukod-tanging kayamanan sa ating buhay na walang katumbas…o di man,  ay buhay lamang natin ang katumbas. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo sa mundong ito….


0

Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng Magulang at Suwail na Anak...

Posted on Monday, 27 April 2015



Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng  Magulang
At Suwail na Anak….
Ni Apolinario Villalobos

Pangalawang beses na itong pagsabi ko na swertihan ang pagkakaroon ng mapagmahal at responsableng magulang, o anak na mabait at hindi makasarili, ibig sabihin ay uliran at hindi suwail. Hindi na kailangang magtaas ng kilay ang mga magulang at anak sa pagbasa ng titulo dahil talaga din namang hindi lahat ng magulang ay 100% na responsable, ganoon din ang mga anak na hindi lahat 100% ay uliran. Ang blog na ito ay tungkol sa Pilipinong pamilya lamang.

Batay sa kultura ng Pilipino ang mga magulang ay inaasahang mapagmahal at responsable upang maging matatag ang tahanan. Ang mga anak naman ay inaasahang maging huwaran sa pagsunod sa magulang, kaya dapat ay mabait at hindi makasarili.

Subali’t sa panahon ngayon, hindi na ito kadalasang nangyayari dahil sa dami ng impluwensiyang nasasagap ng pamilyang Pilipino. May nababasang balita tungkol sa magulang na nagbubugaw ng anak o nagsasalang dito sa sex video upang pagkitaan. May mga kuwento rin tungkol sa mga anak na sa murang gulang ay sumasagot sa magulang o di naman kaya ay nagmumura pa. May mga magulang na nagtatapon ng anak sa basurahan o nagpa-flush ng bago pa lamang panganak o fetus, sa inuduro. Meron ding mga anak na nang magkaroon ng sariling pamilya, ang sariling magulang ay hinayaan na lang na lumaboy sa kalye at mamulot ng basura upang mabuhay.

May mga responsableng magulang na kahit anong gawin upang mahubog sa kabutihan ang anak, talagang walang kinahihinatnan ang pagod dahil malakas ang pagkontra sa kanila. Kung lumaki na ang mga anak na suwail ay halos sipain pa sila ng mga ito palabas ng bahay. Sa ganitong sitwasyon, ang magulang na hindi nakakatiis ay nagiging kawawa kapag matanda na dahil hindi makakaasang aalagaan sila ng kanilang anak. May mga nakausap akong matatandang namumulot ng basura upang mabuhay dahil sa kamalasan nilang pagkaroon ng mga anak na suwail, kaya nagtitiis na lamang sila sa pagtira sa bangketa.

May mga anak din na uliran sa kabaitan, subali’t ang mga magulang naman ay iresponsable at gumon sa mga bisyo, kaya pati sila ay naipapahamak. Sa pamilyang ito nagkakaroon ng bugawan ng anak upang kumita ang magulang. Sa mga ganitong sitwasyon, kadalasan, ang mga anak na hindi makatiis ay naglalayas na lamang at nakikisasama sa ibang bata na may kahalintulad na kuwento ng buhay. Sila ang mga nagugumon sa pagsinghot ng rugby, at kalaunan ay natututong magbenta ng sarili o magnakaw upang mabuhay.

Ang matinding sitwasyon ay kung parehong may mga kasalanan ang mga magulang at anak tulad ng nakita ko sa isang pamilya sa isang barangay na madalas kong pasyalan. Ang mga anak ay puro batugan. Paggising, ay cellphone agad ang inaatupag. Nagsilakihan silang ni hindi nakahawak ng walis nang may kusa, dahil kailangang utusan pa ng magulang, at sumunod man ay animo nilamukos ang mukha dahil sa pagsimangot.  Ang mga magulang naman ay masosyal at ayaw patalo sa mga kapitbahay pagdating sa mga kagamitan, dahil ayaw paawat sa pagbili ng mga gamit, kahit hindi kailangan. Dahil sa pagsalpukan ng hindi kagandahang ugali ng pamilya, umaga pa lang ay nabubulahaw na ang malalapit na kapitbahay dahil sa kanilang pagsasagutan.

Ang basag na relasyon ng magulang at anak ang isa sa mga dahilan kung bakit ang lipunan ay tuluy-tuloy sa pagbulusok, habang nawawalan ng kabuluhan. Hindi lahat ng Pilipino ay may iisang pananaw at panuntunan sa buhay. Ang iba, kahit walang laman ang tiyan ay okey na, makapagsamba man lang. Subalit may iba ring dahil sa gutom ay nawawala sa sarili kaya hindi lang pamilya ang nabubulyawan, kundi pati na ang Diyos ay pinagdududahan na rin. Idagdag pa dito ang mga impluwensiya ng teknologhiya at ibang kultura, at lalo na ang kapabayaan ng pamahalaan, kaya kung wawariin ay halos wala nang masusulingan ang Pilipino.

Sa puntong ito dapat ipasok ang pakikialam sa ating kapwa nang may kabuluhan. Ang pakikialam ay hindi lamang pagpayo kung ano ang tama, kundi ang pagpapakita sa pamamagitan ng kinikilos natin na maaaring tularan. Ang isa pa ay ang pakikialam sa pamamagitan ng tulong na abot-kaya. Huwag nang hangaring makatulong ng malaki kung ang kaya ay para sa isa, dalawa o tatlo lang…dahil kabawasan din sila kahit papaano, sa hanay ng mga nangangailangan.


0

Going Beyond the Success of having a Happy Family...

Posted on Wednesday, 14 January 2015



Going Beyond the Success
of having a Happy Family…
by Apolinario Villalobos

This share is inspired by facebook bloggers who never tire of declaring happiness and satisfaction in life. Obviously, they are not stopping at their happy family, to show how satisfied they are in life, and with happiness overflowing their person. They are going beyond their boundaries by filling their facebook pages with inspirational quotes, medicinal remedies, photos and information on touristic destinations, personal views on politics and necessary comments that are helpful as added information of viewers – all sincerely shared.

Most people thought that the ultimate goal of a human being on earth is to raise a family. And, in this effort, one should do all possible to gain success in having a beautiful and intelligent better half, equally beautiful, handsome and intelligent children, and of course, a stable home. But, thanks to the social media, for they unknowingly went beyond this goal.

There are religious and civic organizations that are tirelessly making communities alive. Some of those behind them are retirees who unselfishly share their precious time to keep the organizations pulsate with life. Aside from these senior citizens, there are others in the prime of their life who likewise unabashedly shout to the world how happy they are, and manifest such by their active participation in similar organizations.

 In this regard, I am touched by what a facebook blogger did to two of his posts – pasted the same declaration of happiness and even invited his friends  to do the same. The guy, Jess Fuentevila is a picture of satisfaction, just like another blogger, Bogz Jamorabon who never tires of wearing a big smile while going around the community on his China motorbike, as if to show that there is nothing to worry about, with the Lord’s hand touching us! Both still found time to be part of active sports and religious organizations despite their hectic jobs. The mentioned guys’ feeling of success has indeed, overflowed their home, beyond their beloved families.

At this juncture, I must say that satisfied people who declare happiness and success are also declaring a profound appreciation for what He has done – gave life with choices on how to live it…choices that could spell happiness or misery.