0

Ang Dalawang Babae ng Maragondon (para kay Emma Mendoza-Duragos at Ellen Mendoza-Deala)

Posted on Sunday, 8 March 2015



Isang pagsaludo sa mga kababaehan, ngayong Marso, International Women’s Month…



Ang Dalawang Babae ng Maragondon
(para kay Emma Mendoza- Duragos at Ellen Mendoza- Deala)
Ni Apolinario Villalobos


Magkapatid silang sa mundo’y isinilang
At magkatulad  ang sinapit na kapalaran
Hindi mawari kung bakit sa kanila’y dumating
Kapalaran na ang may mahinang loob, di kakayanin.

Sa simula’y maganda ang tinamasang buhay
Hindi kapapansinan ng kung ano mang lumbay
Akala nila kaligayang tinamasa ay hindi mapapatid
Hanggang dumating ang sigalot na naging balakid.

Marami ang nag-akala magpapaka-martir ang dalawa
Subali’t taliwas sa inaasahan lalo na ng mga tsismosa
Ang dalawa’y nagsikap, nagpakita ng angking tapang
Tulad ng ibang taga-Maragondon, kung saan sila isinilang.

Kayod mula sa madaling araw, hanggang abutin ng gabi
Ang isa’y hahangos upang datnan murang bilihin sa palengke
Ang isa, sa pagpadyak ng traysikad hindi magkandaugaga
Sa pagdeliber ng mineral water na kanya naming binebenta.

May isa din silang negosyo, isang karinderya, maliit na kainan
Na ginawa din ng mga kaibigan na pahingahan, tambayan
Ano pa nga ba at ang dalawang magkapatid ay hindi nalumbay
Dahil sila’y napapaligaran ng mababait na mga kapitbahay.

Nakakabilib  silang dalawa, ang isa ay si Baby, at ang isa, si Emma
Dahil sa ugali nilang sa iba ay talagang  mahirap na makita
Marahil ang pagiging maka-Diyos nila ang kanilang gabay
Sa pagtahak sa masalimuot at lubak-lubak na landas ng buhay.

Discussion

Leave a response