Showing posts with label Bacoor. Show all posts

1

Pol Saulog at Magno Padua

Posted on Saturday, 21 January 2017

POL SAULOG AT MAGNO PADUA
…mga bukod-tanging kaibigan sa Cavite
Ni Apolinario Villalobos

Nakilala ko si Manong Pol nang tumira ako sa isang subdivision sa Cavite. Sa simula ay simpleng batian lang ang aming ginagawa tuwing kakain ako o uminom ng beer sa kanyang “native style” na restaurant sa labas ng aming subdivision. Mahilig siyang magluto ng mga pagkaing Kabitenyo subalit hindi niya ako inaalok ng mga ito dahil nalaman niyang vegetarian ako. Nakilala ko rin ang kanyang mga anak at asawa na naging malapit sa akin. Hindi ko binigyang pansin ang tikas ng kanyang personalidad sa simula sa kabila ng artistahin niyang mukha. Nagulat na lamang ako nang malaman ko sa ibang kaibigan niya na lumalabas pala siya sa pelikula ni Ramon Revilla kasama ang isa pang kaibigan ko sa lugar ding yon na si Ding Santos.

Hindi palasalita si Manong Pol kaya karamihan ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay ay sa kanyang mga kumpare ko nalaman. Napansin niya ang pagiging galante ko noon sa inuman kaya pinayuhan niya akong maghinay-hinay sa paggastos sa alak at piliing mabuti ang mga taong gustong makipagkaibigan sa akin. May laman ang kanyang sinabi at napatunayan ko makalipas ang maraming taon. Nagsilbi siyang “kuya” ko sa lugar namin, at ang samahan namin ang nakatulong upang respetuhin din ako ng mga nagrerespeto sa kanya.

Maaga ako noong pumasok sa opisina na nasa Roxas Boulevard, sakop ng Ermita. Madaling araw pa lang ay nasa highway na ako at nag-aabang ng masasakyag dyip. Madalas akong madaanan nina Manong Pol at ng kanyang asawa na araw-araw namang pumupunta sa Maynila kaya nai-aangkas nila ako sa kotse nilang Mustang, isang collectible na edition. Ibinababa nila ako sa mismong harapan ng S&L Building kung saan ako nag-oopisina.

Bukod sa restaurant sa labasan namin, may tindahan pa rin sina Manong Pol sa kanilang bahay na katabi ng subdivision namin, kung saan ako umuutang ng kaha-kahang beer na nilalatag ko sa mga kaibigan tuwing mag-inuman kami. Nagtapat siya minsan na ako lang ang pinagbubuksan niya ng tindahan kahit alanganing oras tuwing ako ay tatawag upang umutang ng beer. Sinabi din ito sa akin ng mga kumpare niya na hindi niya pinagbibigyan kahit sa tagal na ng kanilang samahan.

Nang panahong yon, kailangan kong makisama sa mga taong nakatira sa paligid ng subdivision namin dahil sa katungkulan ko bilang presidente ng homeowners’ association. Sa pagkakataong ito ko nakilala din si Magno Padua, na nirerespeto sa lugar namin. Bukod sa kanya ay nakilala ko rin ang kanyang mga kapatid na sina Tomas, Budjo, Emo, Tura at  Millie. Namayapa na sina Tomas, Emo, at Millie. Noong buhay pa ang nanay nina Magno, ipinaghahanda niya ako ng hiniwa nang malalaki na patola na niluluto niya sa  bawang. Ang ulam ay masarap sa kabila ng payak na pagkaluto sa bawang, lalo na ang sabaw na manamis-namis pa.. Masipag magtanim ang magkakaptid ng gulay na binibenta din nila sa palengke ng Zapote kaya sagana ako sa gulay tuwing pupunta ako sa kanila.

Dahil ako ay dayo sa lugar na tinirhan ko malaking bagay ang nagawa ng pakipagkaibigan ko sa mga nabanggit. Kung anong respetong ipinakita sa kanila ay ipinakita at pinadanas din sa akin ng mga naging kaibigan kong nakakakilala sa kanila. Marami rin akong natutunan sa kanila lalo na sa pakikisama sa ibang tao, higit sa lahat ay ang pagpapairal ng ugali sa paraang walang kayabangan. Napansin ko na sa mga kasayahan, kalimitan ay nasa tabi lamang sila at hindi nagbabangka o nagpapasimula ng kuwentuhan. Kung uminom man ng alak ay yong tipong, pang-sosyal, hindi laklak.

Parehong biyudo sina Manong Pol at Magno, magkasing-edad sa gulang na mahigit sitenta pero matitikas pa rin. Nagkikita kami ni Manong Pol kung siya ay masumpungan ko sa tinitirhan ng kanyang anak, dahil nakatira na siya ngayon sa isa pang bayan ng Cavite mula noong mamatay ang asawa niya. Si Magno naman ay pinapasyalan ko tuwing may panahon ako dahil hindi kalayuan ang tinitirhan niya mula sa amin.


Ang mga tinukoy ko ay halimbawa ng mga taong hindi ko makakalimutan dahil sa maganda nilang asal kahit hindi nakatuntong ng kolehiyo. Lutang na lutang ang bukod-tangi nilang pagkatao kahit sa umpukan dahil sa ugali nilang higit pa sa ilang nakatapos sa malalaking unibersidad...kaya dapat tularan.



0

Love is Sweetest...the second time around (for Sol and Rod Retaga)

Posted on Tuesday, 8 September 2015

Love is Sweetest
…the second time around
(for Sol and Rod Retaga)
By Apolinario Villalobos

I saw Sol first along the highway outside our subdivision many years ago and was impressed by her dusky beauty, always smiling, yet. I did not know that she was our neighbor. Later on, because of our homeowners’ association, we became close, especially because she was also active in our projects just like me. What impressed me was her being down-to-earth, easy to get along with and most especially, her husky singing voice that she can manage to fit any style. I learned that she was working in a bank, but found still later on that she also moonlighted as a lounge singer.

She was a picture of happiness and contentment with her husband, Rey and their two children. But it was cut short by her husband’s death during the early part of the 80’s. Despite the loss, she moved on and took the misfortune as some kind of a challenge. From then on, she worked harder as a single parent, with her mother lending a hand.

Nobody knew about her colorful love life until she got married again, this time to Rod, a former classmate in third year high school (Jose Abad Santo High School/Arellano University – Pasay City).

Sol shared that Rod was her best friend in high school, and who provided her instrumental accompaniment every time she sang in their programs. The intense love for music made Rod decide to pursue his musical career after graduating from high school. At 18, he joined a band that had contracts abroad. Rod decided to pursue his studies in 1975, during which time, the two met again, although Sol was already married to Rey, her boyfriend of 8 years.

Since 1986 Sol had been helping her alumni association organize their annual reunion, by tracing the whereabouts of their former schoolmates. In 1999, for the 2000 Grand Reunion, while checking directories, she came across the name of Rod’s brother. Instinctively, she requested that the information about their reunion be relayed to him. She even wrote to Rod but got no reply. Then one day, she received a call from Taiwan and found out later that it was Rod who divulged that she just got divorced from his Taiwanese wife. He had three kids.

From then on, Rod would call and they talked for five to six hours. He was still with the band, performing in clubs and other joints, while she was still connected with a bank in the Ayala district of Makati City. As fate would have it, she decided to resign from the bank and joined Rod in Taiwan. Their common denominator was love for music which made them decide to get married, for which Rod was given the blessing by his children. As for Sol, her two children who have families of their own, were more than glad that they were getting a “brand new father”. Their marriage was very simple, no fanfare. They just wanted to tie the knots in public, among friends and relatives on hand, to show how sincere they were for the belated vow. That was in March 24, 2001.

Rod and Sol are still in Taiwan singing together and bowed to do it for as long as their God-given talent will allow them. Life can be mysterious, at times….and with love, Rod and Sol proved that it can be sweetest, not only sweeter, the second time around.




0

Popoy

Posted on Thursday, 19 March 2015



Popoy
(para kay Daniel Earl “Popoy” Defante)
Ni Apolinario “Bot” Villalobos


Sa murang gulang, buong tapang na namuhay
Sinuong ang mga pagsubok upang magtagumpay
Kapos man sa karaniwang mga pangangailangan
‘Di nawalan ng pag-asa, salat man sa pinag-aralan.

Hindi naringgan ng pagdaing, kahit siya’y gulapay
Tahimik niyang nilabanan, mga balakid sa buhay
‘Di nakitaan ng pagkabahala ang kanyang mukha
Dahil alam na laging sa likod niya ang Manlilikha.

Iba si Popoy…talagang iba siya, lahat ay may sabi
Kahit sa pagtulong sa kapwa, ‘di siya nag-aatubili
Sa abot ng kanyang makakaya, kahit walang pera
Sa ibang paraan, pagtulong sa kapwa’y pinapakita.

Magalang sa nakakatanda, magiliw sa nakababata
Madaling lapitan, taos sa puso’ng pagtulong sa iba
Iyan si Popoy itinuring na anak, kapatid at kaibigan
Dahil sa kagandahan ng ugali’y hindi makakalimutan!

0

Ang Dalawang Babae ng Maragondon (para kay Emma Mendoza-Duragos at Ellen Mendoza-Deala)

Posted on Sunday, 8 March 2015



Isang pagsaludo sa mga kababaehan, ngayong Marso, International Women’s Month…



Ang Dalawang Babae ng Maragondon
(para kay Emma Mendoza- Duragos at Ellen Mendoza- Deala)
Ni Apolinario Villalobos


Magkapatid silang sa mundo’y isinilang
At magkatulad  ang sinapit na kapalaran
Hindi mawari kung bakit sa kanila’y dumating
Kapalaran na ang may mahinang loob, di kakayanin.

Sa simula’y maganda ang tinamasang buhay
Hindi kapapansinan ng kung ano mang lumbay
Akala nila kaligayang tinamasa ay hindi mapapatid
Hanggang dumating ang sigalot na naging balakid.

Marami ang nag-akala magpapaka-martir ang dalawa
Subali’t taliwas sa inaasahan lalo na ng mga tsismosa
Ang dalawa’y nagsikap, nagpakita ng angking tapang
Tulad ng ibang taga-Maragondon, kung saan sila isinilang.

Kayod mula sa madaling araw, hanggang abutin ng gabi
Ang isa’y hahangos upang datnan murang bilihin sa palengke
Ang isa, sa pagpadyak ng traysikad hindi magkandaugaga
Sa pagdeliber ng mineral water na kanya naming binebenta.

May isa din silang negosyo, isang karinderya, maliit na kainan
Na ginawa din ng mga kaibigan na pahingahan, tambayan
Ano pa nga ba at ang dalawang magkapatid ay hindi nalumbay
Dahil sila’y napapaligaran ng mababait na mga kapitbahay.

Nakakabilib  silang dalawa, ang isa ay si Baby, at ang isa, si Emma
Dahil sa ugali nilang sa iba ay talagang  mahirap na makita
Marahil ang pagiging maka-Diyos nila ang kanilang gabay
Sa pagtahak sa masalimuot at lubak-lubak na landas ng buhay.

0

Ang "Taga-akay" ng Barangay Real 2, Bacoor...Jun Kamatoy

Posted on Sunday, 8 February 2015



Ang “Taga-akay” ng Barangay Real 2, Bacoor
…Jun Kamatoy
Ni Apolinario Villalobos

Isa siyang retiradong manager ng Philippine Airlines. Subali’t bago siya umangat sa puwestong nabanggit ay marami din siyang nilusutang mga pagsubok. Ang kanya namang ama ay isa sa mga mga naunang mekaniko ng nasabing airline. Dahil halos sapat lang sa mga pangunahing panganailangan ng pamilya ang kinikita ng kanyang ama, silang magkakapatid ay  napilitang gumawa ng paraan upang makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Ang unang trabaho ni Jun sa Philippine Airlines ay sa departamento ng Catering. Napasabak siya sa mga trabaho sa kusina bilang katulong ng mga chef. Dahil sa pagtitiyaga ay nalipat si Jun sa ibang trabaho hanggang makarating sa Flight Operations, kung saan ay nagkaroon ng responsibilidad sa paggawa ng iskedyul ng mga Flight Attendants, piloto, at mismong mga eroplano. Hindi kalaunan ay naging manager siya sa nasabing Departamento, hanggang sa abutin siya dito ng retirement.

Nang mapatira sa Perpetual Village 5 ng Barangay Real 2, sa lunsod ng Bacoor, napansin agad ang hindi niya pagiging palakibo. Matipid sa salita subalit hindi nagkulang sa pakisama, na animo ay nananantiya o nakikiramdam sa bago niyang komunidad. Nang maging kampante, napahinuhod siyang maging presidente ng Homeowners’ Association. Naging aktibo rin siyang maging Lay Minister ng simbahan ng parukya ng San Martin de Porres at miyembro ng Crusaders of the Holy Face of Jesus, kasama ang kanyang asawa.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaibigan, may mga unti-unting naaakay si Jun tungo sa landas na kanyang tinatahak. Ang isa sa kanila ay may sakit na epilepsy at madalas hindi maunawaan ng mga kapitbahay dahil naging bugnutin at naging mapili ng pinagkakatiwalaan. Dahil sa sakit na epilepsy, kung minsan ay basta na lang ito nahihilo at natutumba. At dahil sa kalagayan ay madalas na lang din itong mag-isa sa pag-alala na baka abutin ng pagkahilo sa mga alanganing lugar.  

Hindi inalintana ni Jun Kamatoy ang mga hadlang sa kanyang balak na bandang huli ay naging matagumpay dahil sa pamamagitan niya ay nabigyan ng pagkakataon ang inaakay niyang tao upang maging isang Lay Minister. Sa tuwa ng mga nakaalam, may mga nagbigay sa inaakay na tao, ng mga kailangang itim na pantalon, puting damit, at sapatos. Nitong huling mga araw halos hindi na inaatake ang nasabing tao ng epilepsy, at dahil natuwa sa mga pangyayari ang mga kapitbahay, tinatawag nila ito kung may ipapagawa sa kanilang bahay.

Ang isa pang inakay ni Jun Kamatoy ay barkada niya na dina-dialysis sa kasalukuyan. Matagal na panahon ding hindi nakakapagsimba ang nasabing tao. Subalit marami pa rin ang nakaalala na ang taong ito at ang kanyang asawa ang nag-donate ng isang religious item na ginagamit sa chapel ng Real 2. May isa silang  kabarkada na naging pastor ng born again Christian group, subalit nabigong magpabago sa sinasabi kong taong nalihis ang landas. Nang si Jun Kamatoy na ang sumubok sa pag-akay, buong pagpakumbabang nakinig sa kanya ang kanyang barkada.

Si Jun Kamatoy ay nagpapagaling din sa sakit na kanser sa colon…stage four. Inoperahan siya upang matanggal ang tumor. Dahil positibo ang kanyang pananaw at hindi pinanghinaan ng loob, marami ang nakakapansing mabilis ang kanyang paggaling. Subali’t para kay Jun, may sakit man siya o wala, nagpapagaling man o hindi, tuloy pa rin ang paghanap niya ng mga taong maaakay niya patungo sa tamang daan. Sa kabila ng kanyang sitwasyon, tumanggap pa rin siya ng responsibilidad bilang Auditor ng Senior Citizens group ng Barangay Real 2.

Sana marami pang tao, Katoliko man o hindi ang tumulad sa kanya.