0

Lalong Nilulubog ni Napenas ang Sarili sa Pagdududa dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugay-kamay

Posted on Monday, 9 February 2015



Lalong Nilulubog ni Napeas ang Sarili Sa Pagdududa
dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugas-kamay
ni Apolinario Villalobos

Gustong bilugin ni Napeas ang ulo ng mga Pilipino, sa pagsabi na “daan-daan” ang napatay ng SAF. Paano nilang nabilang ang mga nalagas na mga kalaban ganoong hilong talilong sila sa paghanap ng mapagkukublihan dahil sa ginawang ambush? At isa pa, halos pumuputok pa lang ang araw nang mga sandaling nagkaroon ng palitan ng putok! Ang galing naman nila dahil tuwing putok nila ay iniisip agad na may tinamaang kalaban. Ang gustong mangyari ni Napeas ay pahupain ang galit ng mga kapamilya at ibang miyembro ng SAF sa kanya, kaya panay ang puri niya sa mga lumusob na SAF sa Mamasapano, lalo na sa mga nasawing 44 at mga nasugatan. Pinapalabas niya na tagumpay ang operasyon subalit matindi ang kapalit na kamatayan nga ng 44 at pagkasugat ng marami pa. Maski hindi niya sabihin ito, talagang bayani ang turing ng mga Pilipino sa mga pinatay na 44 SAF commandos. Tumigil na nga siya!

Naghugas- kamay naman siya nang ituro ang sisi sa Armed Forces na hindi tumulong sa kanila. Ang tinuran ay tahasan namang itinanggi ng tagapagsalita ng Armed Forces. Malinaw na talagang may nagpapalakas ng loob sa kanya…sino ito o sinu-sino ang mga ito? Bandang huli, ang inaasahan niya o ng sinasandalan niya na tagumpay sa pagsisinungaling, pambobola at paghuhugas-kamay ay nag-boomerang kaya nagmukhang tanga si Napeas, gumaralgal ang boses sa pagpaliwanag. Kung may nagpaasa sa kanya na maski tanggalan siya ng pension kung mag-retire siya, maswerte siya dahil milyonaryo na rin naman ang backer niya.

Yan ang hirap sa gobyerno ng Pilipinas. Dahil hantaran ang ginagawang paghuhugas-kamay ng mga sangkot sa kaso at binibetsinan pa ng pambobola, akala ng iba pa sa kanila, sa lahat ng pagkakataon ay makakalusot sila.

Discussion

Leave a response