Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador...pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons
Posted on Thursday, 12 February 2015
Dapat mag-spot check
sa massacre site ang mga imbestigador
… pati mga opisyal ng
gobyerno na resource persons
Ni Apolinario Villalobos
Upang maging kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon
nila sa Mamasapano massacre, dapat ay pumunta sa Mamasapano ang mga senador. Sa
imbestigasyon kay Binay ay nag-spot check ang mga imbestigador, kaya dapat ay
pumunta din sila sa Mamasapano dahil may narinig sa ibang senador na wala
silang kaalam-alam sa kung ano ba ang hitsura ng lugar na pinangyarihan ng
massacre. Baka kapag nakita na nila ang kapatagang tinamnan ng mais na
tinakbuhan ng mga minasaker, kaya animo ay naging mga practice target sa
shooting gallery ay mababawasan na ang mga walang katurya-turyang mga tanong
nila na nagpapatagal lang ng imbestigasyon.
Dapat ay sumabay na rin ang mga nagmamagaling na mga
kongresista, na todo ang self-introduction bago magtanong. Dahil sa ginawang
self-introduction na kumain ng maraming minuto, kaunting panahon na lang ang
natira para sa pagtatanong. Nang sitahin na ng moderator, nakipag-away pa. Doon
sa Mamasapano, magsawa sila sa kaiimbistiga at sa katatanong…kung gusto nila,
mag-overnight pa sila…magtayo ng tents sa gitna ng maisan kung saan ay
minasaker ang mga bayaning SAF 44, para ma-feel nila ang ginagawang pag-imbistiga.
Sana ma-meet din nila ang mga BIFF upang maimbistigahan din dahil namatayan din
daw.
Dapat sumama ang hepe ng BIR upang ma-asses din ang bahay na
tinirhan ni Marwan, kung may buwis bang maipapataw, at baka may makita rin
siyang iba pa lalo na yong mga nagtitinda ng tilapia, daing na dalag, pastil at
tinagtag. Isama si Dinky Soliman kung may dapat bigyan ng mga pinakatago-tagong
relief goods na hindi “inubos” (bakit?) ipamigay sa mga biktima ng bagyong
Yolanda – kung may natira pa dahil sa nangyaring nakawan na “parang wala lang”.
Sumama na rin dapat si Mar Roxas dahil may mga nagtatanong
kung may mga ongoing projects ang gobyerno sa Mamasapano, huwag lang siyang
umiyak sa site. May nagtanong din kasi na kung maayos naman ang mga proyekto
bakit may mga sumama sa grupo ng terorista (wow!!!). Kailangan ding sumama si
de Lima bilang kalihim ng Hustisya for obvious reason. Sumama din ang namumuno
ng Human Rights dahil maraming mga taga-roon sa Mamasapano ang namatay, pati na
mga MILF at BIFF, at may mga taniman din ng mais na napinsala…kawawa naman ang
mga magsasakang kababayan natin na nanginginig pa siguro dahil sa takot. At
lalong dapat sumama si Purisima, upang ma-feel niya ang epekto ng “pagpayo”
niya kay Napeῆas na huwag
makipag-coordinate sa AFP at OIC ng PNP….dahil siya na daw ang bahala sa
dalawa!...baka si presidente gusto ring sumama bilang “guest”…pagbigyan!
Huwag na palang isama si senadora Miriam dahil may sakit
siya, lalo na at dumadanas ng cancer pain. Dapat siyang alagaan dahil sa hanay
ng mga senador, siya lang ang may common sense at tapang na bumato ng mga
nararapat na tanong sa mga resource persons. Sapat na yong ginawa niyang
matapang na pambabara sa mga taong pakialamero maski suspendido, mga sinungaling
at may sakit na kalimot sa Senate hearing na dinaluhan niya. Sana ay gawin niya
uli ang pambabara sa susunod na hearing at baka sakaling may bumigay sa mga
sinungaling, pagkalipas ng ilang gabing hindi pagkatulog dahil sa bangungot at
kurot ng konsiyensiya!
Baka gusto ng mga pumunta sa Mamasapano na umupa ng eroplano
ng Cebu Pacific nang makapag-avail ng murang pamasahe, siguraduhin lang nilang
hindi sila mapagsarhan ng check-in counter…sigurado magmumura sila! Kailangan
pala nilang mag-load sa cellphone dahil baka kailangan nilang mag-text…epektibo
“yata” ito kaya may pagtitiwalang
ginagamit na komunikasyon pati ng military at PNP….maski sa gitna ng barilan.
Suggestion o payo lang po ito...take it or leave it!
Discussion