Showing posts with label Philippine congress. Show all posts

0

Common Sense is the Best Aid for Legislation...not the limelight-flooded hearings

Posted on Monday, 10 October 2016

COMMON SENSE IS THE BEST AID FOR LEGISLATION
…NOT THE LIMELIGHT-FLOODED HEARINGS
By Apolinario Villalobos


No amount of cover up can deny the ultimate objective of the legislators in conducting “hearing in aid of legislation”. The two Houses keep on denying that they are courts of justice, yet the way they conduct hearings run contrary to their allegation. Hearings drag unnecessarily and are kept on being conducted despite the accumulation of inputs enough to frame a law or laws. It seems that dragging is intentional as the longer the hearings are conducted, the longer they get covered by media…and that’s for free, yet!

On the other hand, the situations that they are investigating do not need costly hearings at all. All they need is conduct sensible and honest-to-goodness researches, for which task, they are supposed to have hired Consultants and Researchers. Expenses for these are supposed to be part of their operating budget that runs into millions of pesos!

In the case of drug trade inside the Bilibid, for instance, how can these lawmakers not know that such activity is not only proliferating, but has even taken root, too deep, to be budged? How can they not know that something is wrong with practically the whole system of the penitentiary which is under the DOJ, as obviously, too, despite its having an Operating Manual? How can they not give attention to the exposes made since the time of Marcos on the anomalies that began as petty ones? How can they not know that the Bilibid has become bigger than an urban barangay or even two combined, complete with luxurious facilities?

On the extrajudicial killings….how can the legislators not know that they are offshoots of double-timing transactions among drug suppliers and their cohorts? How can they not know about drugs being recycled by the police and has become a lucrative business among these rogues in uniform, known as, “police ninjas”? How can they not know that there are vigilantes who take the law into their hands after suffering from disappointments on how cases of their victimized loved ones are shoddily handled by corrupt judges, so called, “rogues in robe”? How can they not know that even remote barangays have been infiltrated by the drug menace, and that hideous crimes, such as rape with murder, kidnapping, hostage-taking, and many others related to it are being committed almost daily?

Law makers can better use their tax-paid time in reviewing old laws that need to be updated rather than come up with many more that are just shelved due to lack of funds needed for their implementation. But then, millions are filched by corrupt officials from the government coffer!



0

Ang Karumal-dumal at Nakakasukang Pagpapa-istaring ng ibang mga Kongresista ng Pilipinas

Posted on Monday, 18 May 2015



Ang Karumal-dumal at Nakakasukang  Pagpapa-istaring
Ng Ibang mga Kongresista ng Pilipinas
…bato-bato sa langit, ang tamaan – may bukol!
Ni Apolinario Villalobos

Karumal-dumal na, nakakasuka pa ang istayl ng ibang  mga kongresista upang makatawag lang ng pansin. Ang isang kongresista, nagpa-interview sa radio at TV dahil gustong imbestigahan ang nasunog na pabrika sa Valenzuela, Bulacan. Dahil ba ito ay sensational kaya naka-headline sa mga pahayagan at binabanggit palagi sa mga balita sa radyo at TV? Ang dami namang sunog na nangyari lalo na sa mga iskwater areas kaya libong tao ang nawalan ng tirahan at sa gabi ay kung saan-saang bangketa na lang sila natutulog… bakit hindi nila imbestigahan? Dahil ba mga iskwater lang ang mga biktima at hindi kinagat ang balita tungkol sa nangyari sa kanila?

Pagkatapos bayuhin ng bagyong Yolanda ang Leyte at iba pang lalawigan at naglutangan ang mga katiwalian sa pagpamudmod ng relief goods at cash donations, pati na sa paggawa ng temporary shelters, bakit hindi sila nag-imbestiga? Dahil ba, palaging nakikita ang pangulo sa mga eksena kaya hindi sila makaporma? Nang mabisto ang pagbenta ng mga relief goods at ninakaw pa ang mga ito na nakaembak sa mga bodegang may gwardiya, at na-video pa…bakit hindi sila nag-imbistiga? Dahil ba nagsalita at nagdepensa ang kalihim ng DSW? Malinaw namang maraming kaalyado ang administrasyon sa Kongreso, kaya alam ng taong bayan na namimili ang mga kongresista ng mga isyung bubulabugin para malagay sila sa balita!

Tumigil na lang sila at tumahimik dahil may kasabihan sa English na: “less talk, less mistake”. Pero hindi yata ito aangkop sa karamihan ng mga kongresista ng Pilipinas dahil kahit hindi sila magsalita o di kaya ay bubuka pa lang ang mga bibig,  puro mistake na ang sumisingaw kasama ang kanilang hininga. Karamihan sa kanila ay utak-ipis na naboto lang dahil may pera at dahil kilala ang pamilya sa kanilang lalawigan! Yong iba naman ay naboto dahil kilala sa iba’t ibang larangan, tulad ng sport!

0

National ID system for the Filipinos?....are the lawmakers serious?

Posted on Friday, 8 May 2015



National ID system for the Filipinos?
…are the lawmakers serious?
By Apolinario Villalobos

To be blunt about it…how can it be possible, for a third world country like the Philippines whose agencies are not interconnected by an intricate and reliable IT system?...when even the signals of Telcos are weak and irregular, rendering the use of cellphones and computers unreliable?...when some folks in remote villages have not even seen a cellphone…or even bought a simple cedula or Residence Certificate from their barangay? These quixotic guys in Congress have been wasting precious time in deliberating on such a useless issue, when there are more  important things to work on such as better and doable anti-flood program, and fast-tracking of the national defense system, to name just two.

As part of the SOP for an ID, it requires swiping in a verification machine, every time it is used by the holder. What if the holder lives in a remote town somewhere in the south where power outage is frequent? What will happen to his transaction? Will it push through even without the response from the nucleus agency that holds all the information? What is the assurance of every Filipino who will sincerely fill up the application form for the ID that the information about them will be secured properly, when these documents are filed just in unlocked steel cabinets or corrugated boxes? What penalty can be readily imposed on the irresponsible and corrupt employee who leaks confidential information to interested person or parties in exchange for a few thousand pesos?...if ever there will be, will it be implemented strictly?  Can the agencies that will be given such responsibilities be trusted enough, in view of the DAP and pork barrel scam concerning ghost projects, etc. involving unscrupulous government officials and employees?

This impractical system will definitely encourage more kidnappings as all information of every Filipino will be exposed to criminal-minded individuals and parties. The lawmakers who thought about such are hypocrites, as they cannot even disclose their real assets, yet they advocate a system which stipulates severe penalties to those who will lie about their declared information! Also, it will just create chaos again just like other policies that do not have clear-cut implementation system and budget! The system will also open another avenue for corruption which has been prevalent in the government.

Clearly, just because the national ID system seems unusual, something special, the congressmen thought, they are doing a monumental job, something heavy, hence, an “impressive” cover up for their ineptness.

0

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador...pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons

Posted on Thursday, 12 February 2015



Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador
… pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons
Ni Apolinario Villalobos

Upang maging kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon nila sa Mamasapano massacre, dapat ay pumunta sa Mamasapano ang mga senador. Sa imbestigasyon kay Binay ay nag-spot check ang mga imbestigador, kaya dapat ay pumunta din sila sa Mamasapano dahil may narinig sa ibang senador na wala silang kaalam-alam sa kung ano ba ang hitsura ng lugar na pinangyarihan ng massacre. Baka kapag nakita na nila ang kapatagang tinamnan ng mais na tinakbuhan ng mga minasaker, kaya animo ay naging mga practice target sa shooting gallery ay mababawasan na ang mga walang katurya-turyang mga tanong nila na nagpapatagal lang ng imbestigasyon.

Dapat ay sumabay na rin ang mga nagmamagaling na mga kongresista, na todo ang self-introduction bago magtanong. Dahil sa ginawang self-introduction na kumain ng maraming minuto, kaunting panahon na lang ang natira para sa pagtatanong. Nang sitahin na ng moderator, nakipag-away pa. Doon sa Mamasapano, magsawa sila sa kaiimbistiga at sa katatanong…kung gusto nila, mag-overnight pa sila…magtayo ng tents sa gitna ng maisan kung saan ay minasaker ang mga bayaning SAF 44, para ma-feel nila ang ginagawang pag-imbistiga. Sana ma-meet din nila ang mga BIFF upang maimbistigahan din dahil namatayan din daw.

Dapat sumama ang hepe ng BIR upang ma-asses din ang bahay na tinirhan ni Marwan, kung may buwis bang maipapataw, at baka may makita rin siyang iba pa lalo na yong mga nagtitinda ng tilapia, daing na dalag, pastil at tinagtag. Isama si Dinky Soliman kung may dapat bigyan ng mga pinakatago-tagong relief goods na hindi “inubos” (bakit?) ipamigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda – kung may natira pa dahil sa nangyaring nakawan na “parang wala lang”.

Sumama na rin dapat si Mar Roxas dahil may mga nagtatanong kung may mga ongoing projects ang gobyerno sa Mamasapano, huwag lang siyang umiyak sa site. May nagtanong din kasi na kung maayos naman ang mga proyekto bakit may mga sumama sa grupo ng terorista (wow!!!). Kailangan ding sumama si de Lima bilang kalihim ng Hustisya for obvious reason. Sumama din ang namumuno ng Human Rights dahil maraming mga taga-roon sa Mamasapano ang namatay, pati na mga MILF at BIFF, at may mga taniman din ng mais na napinsala…kawawa naman ang mga magsasakang kababayan natin na nanginginig pa siguro dahil sa takot. At lalong dapat sumama si Purisima, upang ma-feel niya ang epekto ng “pagpayo” niya kay Napeῆas na huwag makipag-coordinate sa AFP at OIC ng PNP….dahil siya na daw ang bahala sa dalawa!...baka si presidente gusto ring sumama bilang “guest”…pagbigyan!

Huwag na palang isama si senadora Miriam dahil may sakit siya, lalo na at dumadanas ng cancer pain. Dapat siyang alagaan dahil sa hanay ng mga senador, siya lang ang may common sense at tapang na bumato ng mga nararapat na tanong sa mga resource persons. Sapat na yong ginawa niyang matapang na pambabara sa mga taong pakialamero maski suspendido, mga sinungaling at may sakit na kalimot sa Senate hearing na dinaluhan niya. Sana ay gawin niya uli ang pambabara sa susunod na hearing at baka sakaling may bumigay sa mga sinungaling, pagkalipas ng ilang gabing hindi pagkatulog dahil sa bangungot at kurot ng konsiyensiya!

Baka gusto ng mga pumunta sa Mamasapano na umupa ng eroplano ng Cebu Pacific nang makapag-avail ng murang pamasahe, siguraduhin lang nilang hindi sila mapagsarhan ng check-in counter…sigurado magmumura sila! Kailangan pala nilang mag-load sa cellphone dahil baka kailangan nilang mag-text…epektibo “yata”  ito kaya may pagtitiwalang ginagamit na komunikasyon pati ng military at PNP….maski sa gitna ng barilan.

Suggestion o payo lang po ito...take it or leave it!

0

Isang Sulyap Kay Manny Pacquiao Bilang Kongresista

Posted on Monday, 22 December 2014



Isang Sulyap Kay Manny Pacquiao
Bilang Kongresista
Ni Apolinario Villalobos

Bilib ako kay Pacquiao – bilang boksingero, pero wala pa siyang napatunayan bilang kongresista. Ang pinakahuling pangarap niya bilang coach ng isang basketball team para sa PBA ay nalusaw nang ma-eliminate ang grupo. Hindi rin kinakagat ng publiko ang kanyang pagkanta, pati ang pag-host sa TV na hindi rin tumagal. Dapat maliwanagan si Pacquiao na ang bawa’t tao ay may nakalaang papel sa mundo, isang papel kung saan ang pagkatao niya ay talagang itinugma ng Diyos.

Dahil sa pinanggalingang kahirapan, parang gustong patunayan ni Pacquiao na lahat ay posible kung pagsisikapan. Tama siya. Subalit iba ang posibleng nagawa sa magagawang angkop na ayon sa inaasahan. Hindi yan nalalayo sa isang tao na gustong patunayang kaya niyang maipasa ang pagsusulit ng abogasya, na nagawa naman niya. Subalit hanggang doon lang siya, kung sa pagka-abogado niya ay hindi naman pala siya epektibo, dahil lahat ng hawakan niyang kaso ay puro talo.

Masigasig si Pacquiao at walang kapaguran kung mag-ensayo. Malakas siyang sumuntok at magaling ang mga istratehiya batay sa istratehiya ng mga kalaban. Ang mga ito ay katangian ng isang magaling na boksingero, kaya lumutang siya sa larangang ito. Subalit bilang kongresista ay wala pa siyang ginawa upang patunayan na epektibo siyang representative na dapat ay gumagawa ng lahat para sa ikauunlad ng kanyang mga kalalawigan dahil na rin sad alas ng kanyang pagliban. Madali sa kanya ang humugot ng pera mula sa kanyang bulsa kung kailangan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng ibang mahal niya ang kanyang mga kalalawigan. Subalit ito ay panandaliang konsuwelo lamang. Paano kung hindi na siya ang kongresista? Iba ang mga batas na naipasa at naitala nang panghabang buhay para sa kapakanan ng isang lalawigan.

Naging popular siya dahil sa kanyang pera…bilyonaryo siya, at sa kultura ng Pilipino, isa ito sa mga katangian upang makilala. Ang mga sinasabing batas daw na siya ang author ay hindi maikakailang gawa ng kanyang matitinik na mga tauhan sa opisina. May nagagamit siyang pera para kumuha ng magagaling na researchers at writers. Ganito naman ang mga kalakaran kahit saang opisina. May alam nga akong mga “kolumnista”  sa magazines at diyaryo pero may mga “ghost writers” na ginagamit. Marami ring mga mambabatas na kahit simpleng talumpati ay pinapagawa pa sa mga “ghost writers”… panukala pa kaya? Kaya walang dapat pagtakhan kung may mga mambabatas na akala natin ay magaling subalit umaasa lang pala sa matitinik na ghost writers at researchers. Alam ko yan, dahil nadanasan ko ang ganyang trabaho.

Nagbitaw pa si Pacquiao ng paghanga kay Jejomar Binay na sa tingin niya ay karapat-dapat daw na maging presidente ng Pilipinas kaya siniguro niya ang kanyang suporta para dito sa 2016. Malinaw namang ginawa niya ito bunsod ng sama ng loob niya sa administrasyon dahil sa isyu ng tamang buwis na pilit pinababayaran sa kanya ng BIR. Alam ng mga Pilipino kung hanggang saan umabot ang  ginawa ni Binay sa pagkamal ng salapi na kwestiyonable. Sa pinapahiwatig niyang suporta sa isang taong tingin ng mga Pilipino ay nangamkam ng pera ng bayan, pati ang kanyang reputasyon ay nalagay sa balag ng alinganin. Paano na ang pinipilit niyang pagpapakita ng isa pa niyang katauhan bilang “pastor”.

Bayani si Pacquiao dahil nagbigay siya ng karangalan sa Pilipinas ng hindi matawarang dangal, subalit sa larangan ng boksing lamang. Malaking kaibahan ang mga responsibilidad ng isang manlalaro sa isang mambabatas. Hindi rin magandang dahilan bilang pagsuporta sa kanya, na sabihing mabuti nga siya at ang kinita niyang limpak-limpak na pera ay galing sa boksing, hindi tulad ng sa maraming pulitiko na ninakaw sa kaban ng bayan. Hindi yan ang isyu…kundi ang tungkulin niya bilang kongresista na ang kaakibat ay tiwala ng mga kalalawigan niyang bumoto sa kanya. At nakadikit din dito ang reputasyon ng buong kamara na dapat ay inuupuan ng mga maaasahang mambatatas.

Matalino si Pacquiao at may pag-iisip ng isang negosyante. Naisip niyang sa pagboboksing ay  malaking pera ang malilikom niya para sa mga darating pang mga araw lalo na kung magretiro na siya sa lahat ng pinagkakaabalahan niya. Sa puntong ito,  kahit alam niyang may dapat siyang importanteng gampanan bilang kongresista ay pinipilit pa rin niyang paibabawin ang kanyang pagkaboksingero na maswete namang sinuportuhan ng mga kasama niya sa kamara, kahit kapalit nito ay mga pagliban niya. Ginagamit din kasi siya ng mga kaalyado niya dahil sa katanyagan niya.

Isang halimbawa si Pacquiao na pumasok sa pulitika gamit ang katanyagan. Kung ang iba ay ginamit ang pagka-artista, siya naman ay gumamit ng pagiging kampeon  sa boksing. Samantalang ang iba naman ay ginamit ang pangalan ng angkan na nakalista sa kasaysayan ng bansa bilang mga tanyag na mambabatas. Ang mga Pilipino ay mahilig sa katanyagan. Ito ang dahilan kung bakit magulo ang pulitika sa Pilipinas, kaya hindi na dapat pang magtanong ang mga Pilipino kung bakit animo ay pusali ang kalagayan ng bansa dahil sa mga tiwaling nakaupo sa gobyerno. Pulitika ang dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas at mga Pilipino noon pa man, lalo na ngayon. Kaya ang malaking katanungan ay….sino ang may kasalanan?

Sa isyu tungkol kay Pacquiao, dapat lang siyang mag-resign, o kung hindi man ay magbakasyon, at hindi lumiban lang, upang hindi lalabas na niloloko niya ang taong bayan na tuloy pa rin ang pasweldo sa kanya tuwing may workout o laban siya. Huwag siyang mag-alala dahil barya lang naman ang suweldo niya bilang kongresista kung ihambing sa mga kinikita niya sa boksing. Ang tawag sa gagawin niya kung sakaling maliwanagan siya ay….delikadesa, common sense, o sense of fairness.

Kung katanyagan ang pagbabatayan sa pagbigay ng espesyal na konsiderasyon sa isang Pilipino dahil namumukod-tangi siya, dapat ang mga nagbigay ng karangalan sa bansa na tulad ni Lea Salonga, Charise Pempengco, mga beauty title holders, at iba pa ay dapat libre sa buwis at bigyan din ng iba pang pribiliheyo.

Walang dapat alalahanin si Pacquiao dahil para sa mga Pilipino ay bayani talaga siya sa larangan ng palaro…pero, magbayad din siya ng tamang buwis upang masabi niyang nakikinabang ang bansa sa kanya. Subalit ang pinakamalungkot ay ang malinaw na paggamit sa kanyang katanyagan ng mga mapagsamantala sa gobyerno…isang hudyat na talagang mahihirapang makaahon ang Pilipinas sa pagkalugmok dahil sa kultura ng Pilipinong pagmamahal sa katanyagan!



0

Huling Hirit sa Badyet

Posted on Friday, 31 October 2014



Huling Hirit sa Badyet
Ni Apolinario Villalobos

Ayaw kong sabihin ang eksaktong halaga ng badyet para sa taong 2015 na alam na rin naman ng lahat, dahil nakakalula, nakakahilo. Basta ang sabi sa mga balita ay pinakamalaki sa kasaysaysan ng Pilipinas. At, ang may pinakamalaking bahagi ng badyet ay opisina ng Presidente na pinuputakte na ng mga batikos at katanungan dahil sa hindi maipaliwanag nitong Development Acceleration Program (DAP). Higit na malaking eskandalo ang pagkadispalko ng mga badyet na galing sa DAP kung ihahambing sa eskandalo ng pork barrel ng mga mambabatas na kinasangkutan naman ng mg ghost NGOs ni Janet Lim Napoles.

Ang tinatagong intension sa badyet ay nabulatlat nang ilabas ang mga pagwawasto sa mga “errata” nito,  mga pagkakamali. At ang inaasahang mga pagkakamali na dapat sana ay tungkol sa pagbaybay ng mga salita, paglagay ng tuldok o kudlit sa tamang bahagi ng mga talata, na kung sa English mga typographic error, ay inabot ng kung ilang daang pahina! At lumabas na hindi lang mga typographic error ang iwawasto, kundi pati na mga mahahalagang provisions lalo na ang mga halaga ng badyet! Hindi pa man naipapasa sa Senado, ang mga kongresista ay naglalaway na sa inaasahang makakamkam nilang pera ng bayan!

At dahil opisina ng Pangulo ang may pinakamaking bahagi, siguradong papasok na naman ang salitang “discretion” o pansariling niyang desisyon na siyang magbibigay hustisya sa mga gagawin nito upang “magamit” ang pondo sa mga “programa o proyekto” na hindi man lang tinutukoy. Siguradong babanggitin ng mga tagapagsalita niya ang  tungkol sa tiwalang dapat ibigay sa kanya. Nakakalungkot sabihing, ang taong bayan ay wala nang tiwala sa Presidente, lalo na at napapaligiran pa rin siya ng mga taong mula pa man noon ay questionable na ang mga pagkatao. Kaya ang malaking tanong ay: saan o kanino ipagkakatiwala ng Pangulo ang nakakaeskandalong pondo na nakalaaan sa kanyang discretionary fund? Kung sasabihin ng Malakanyang na gagamitin ang pondo sa pagpapatuloy ng mga repormang nagawa niya…ang tanong ay ano ba ang nareporma niya? Nakakahiya ngang sabihin na lalo pang lumala ang mga dati nang malalang mga sitwasyon na ibinibentang niya palagi sa nakaraang administrasyon ni Arroyo! Sa madaling salita, wala na ngang ginawa… lalo pang nagpalala! Hindi tanga at bulag ang taong bayan…

Padating na ang eleksiyon 2016 na bubulaga na lang sa taong bayan dahil sa bilis ng takbo ng panahon. Ang mga interesadong maging Presidente ay nag-iingay na lalo na si Jejomar Binay na lahat ay gagawin upang makalusot, sa harap ng mga kasong gumugutay sa kredibilidad niya. Kailangang maging Presidente ni Binay upang lalo niyang mapalakas ang kanyang kapangyarihan na gagamitin niya sa pagbura ng kanyang mga kaso, pati na ang mga ibinibentang sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Kailangang magkaroon ng mekanismong pinansiyal ang administrasyon upang malabanan ang isang katulad ni Binay. Ang malaking badyet ang tanging pag-asa ng administrasyon na siguradong idya-juggle na naman upang mailabas sa kaban ng bayan nang hindi obvious o halata, at kung batikusin man ay siguradong wala ring kahihinatnan. Nangyari na yan at bistado na ang sistema kaya nga patuloy na binabatikos ang Presidente tungkol diyan. Subalit hindi na siya nadala. Ang pinapakinggan pa rin niya ay ang mga nakapaligid sa kanya.

Ang badyet 2015 ay lalong magbabaon sa Pilipinas sa lampas- taong kumunoy ng pagkakautang. At kung aaprubahan ng Presidente ang nakakawindang na halaga, ito  ang magiging ugat ng pamana niya sa mga Pilipinong nakanganga sa kawalan,  pagbaba niya sa puwesto. Ang nakakalulang halaga ang siyang magiging basehan ng mga susunod na gagawing mga badyet… kung hindi man dapat pantayan ay dapat lalong taasan pa. Dapat isipin na walang ginawang bagong badyet na mas mababa sa sinundan nito. Kaya, pagkatapos ng eleksiyon 2016, asahan na ang matinding inflation…kawawa ang papalit kay Pnoy, lalong kawawa ang mga Pilipino. Inaasahan na ni Pnoy ang mangyayari kapag naipasa ang badyet kaya malakas na ang loob niya sa pagsabing hindi na siya interesadong ipagpatuloy pa ang kanyang panunungkulan. Nakaganti na siya sa mga taong umaalipusta sa kanya!

Ang ipapamanang ugat ng mga utang ay lalago habang umuusad ang panahon,  titibay ang puno at mga sanga, yayabong ang mga dahon, mamumulaklak at magigig hitik ito sa mga bunga – kahirapan, kawalan ng trabaho, krimen, at marami pang iba. Matataranta ang papalit sa kanya sa paghabol sa mga bayarin, na ngingitian lamang niya habang nakatanaw from a distance. Diyan maaalala ang isang Pnoy na minsan nang naging Presidente ng isang kaawa-awang bansa sa isang sulok ng Asya…ang Pilipinas…na lalong naging kaawa-awa ang kalagayan sa kapanahunan niya!