Ang Karumal-dumal at Nakakasukang Pagpapa-istaring ng ibang mga Kongresista ng Pilipinas
Posted on Monday, 18 May 2015
Ang Karumal-dumal at
Nakakasukang Pagpapa-istaring
Ng Ibang mga
Kongresista ng Pilipinas
…bato-bato sa langit,
ang tamaan – may bukol!
Ni Apolinario Villalobos
Karumal-dumal na, nakakasuka pa ang istayl ng ibang mga kongresista upang makatawag lang ng pansin.
Ang isang kongresista, nagpa-interview sa radio at TV dahil gustong
imbestigahan ang nasunog na pabrika sa Valenzuela, Bulacan. Dahil ba ito ay sensational
kaya naka-headline sa mga pahayagan at binabanggit palagi sa mga balita sa
radyo at TV? Ang dami namang sunog na nangyari lalo na sa mga iskwater areas
kaya libong tao ang nawalan ng tirahan at sa gabi ay kung saan-saang bangketa
na lang sila natutulog… bakit hindi nila imbestigahan? Dahil ba mga iskwater
lang ang mga biktima at hindi kinagat ang balita tungkol sa nangyari sa kanila?
Pagkatapos bayuhin ng bagyong Yolanda ang Leyte at iba pang
lalawigan at naglutangan ang mga katiwalian sa pagpamudmod ng relief goods at
cash donations, pati na sa paggawa ng temporary shelters, bakit hindi sila nag-imbestiga?
Dahil ba, palaging nakikita ang pangulo sa mga eksena kaya hindi sila
makaporma? Nang mabisto ang pagbenta ng mga relief goods at ninakaw pa ang mga
ito na nakaembak sa mga bodegang may gwardiya, at na-video pa…bakit hindi sila
nag-imbistiga? Dahil ba nagsalita at nagdepensa ang kalihim ng DSW? Malinaw
namang maraming kaalyado ang administrasyon sa Kongreso, kaya alam ng taong
bayan na namimili ang mga kongresista ng mga isyung bubulabugin para malagay
sila sa balita!
Tumigil na lang sila at tumahimik dahil may kasabihan sa
English na: “less talk, less mistake”. Pero hindi yata ito aangkop sa karamihan
ng mga kongresista ng Pilipinas dahil kahit hindi sila magsalita o di kaya ay
bubuka pa lang ang mga bibig, puro
mistake na ang sumisingaw kasama ang kanilang hininga. Karamihan sa kanila ay
utak-ipis na naboto lang dahil may pera at dahil kilala ang pamilya sa kanilang
lalawigan! Yong iba naman ay naboto dahil kilala sa iba’t ibang larangan, tulad
ng sport!
Discussion