0

Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi at ang may Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin....at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon

Posted on Monday, 18 May 2015



Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi
At ang May Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin
…at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon
Ni Apolinario Villalobos

May desperadong nagparinig na kandidato sa pagka-presidente na malalagay sa alanganin ang Pilipinas kapag nagkaroon ng Presidenteng walang karanasan. Bilib ako sa lakas ng loob ng taong ito sa pagmamalaki ng mga ginawa niya na kinukwestiyon naman dahil sa korapsyon. At ano ang ibig niyang sabihin sa “karanasan”?....karanasan saan?....karanasan sa “pag-ano?”….dapat liwanagin niya!

Yong isa ay pa-simpleng nagdududa pa kung makakaya niyang tumakbo dahil kapos sa makinarya o suporta. Pero sabi naman ng mga supporter niya, hindi kailangan ang maraming pera dahil hindi naman siya mamimili ng boto. Hindi rin isyu ang kawalan niya ng karanasan dahil maraming aalalay sa kanya na desperado dahil sa mga katiwaliang nangyayari, kaya naghahangad ng makatotohanang pagbabago kahit hindi matuwid na daan ang tatahakin.

Ang walang karanasan ay may malawak pang espasyo sa kanyang utak para sa mga bagong ideya, pero ang may karanasang kaduda-duda, nag-uumapaw sa utak ang katiwalian. Ang walang karanasan, lalo na kung wala pang bahid ng katiwalian, ang nahahatak na mga supporter ay may malinis na layunin. Subalit ang nakakadudang may karanasan ay napapaligiran ng mga kapareho niyang sakim at ang utak ay puno na ng mga maiitim na balak.

May isa namang ninenerbiyos dahil baka hindi na naman matutupad ang pangarap niya noon pang makaupo sa Malakanyang. Baka iniisip niya ngayong kahit puro puti na ang kanyang buhok ay “segunda persona” pa rin siya ng bansa. Subali’t no regrets para sa mga botante dahil nakita naman ang kahinaan niya at kawalan ng backbone at self-respect dahil maraming beses nang binastos ng kanyang amo ay kapit-tuko pa rin sa pwesto na para bang itong amo na ito lang ang makakapagbigay sa kanya ng buhay.

Yong isang nagmamarunong, biglang tumiklop dahil nabisto ng taong-bayan na kaibigan pala ng kanyang tatay si Binay, baka kumpare pa. Tatakbo pa kaya sa kabila ng kahihiyan dahil noon nagpipilit na “straight” siya? Yong isa pa rin na kung magsalita ay parang robot, inakala ng maraming Pilipino na matalino pero mababaw rin pala dahil nabisto ang matinding kapit niya sa administrasyon, kaya walang narinig mula sa kanya tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanyang close friend doon sa malaking bahay sa tabi ng Ilog Pasig. Nakakaaliw ang kanyang pananahimik…” nasa “tahimik” na kasi siyang kalagayan .

Yong isang matapang daw, noon pa man, parang sirang plaka sa pagsabing talagang interesado siya sa ano mang dalawang puwesto sa “itaas”, pero hindi siya pinapansin maski ng mga kapartido. Hindi kasi siya kapani-paniwala at pruweba ang pag-abandona niya sa kanyang mga kasama sa adhikain, dahil mas binigyan ng bigat ang career niya sa pulitika. Kapag nalaman na ang mga nominado at hindi siya napasama, interesado pa kaya siyang ipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga Binay?...wala na kasing kabuluhan ang kanyang pa-istaring tuwing may hearing.

Sino sila?

Discussion

Leave a response