Mga Produktong Siguradong Magiging Mabili sa Kasalukuyang Panahon
Posted on Monday, 23 February 2015
Mga Produktong
Siguradong Magiging Mabili
Sa Kasalukuyang
Panahon
Ni Apolinario Villalobos
Sa panahon ngayon, siguradong magiging mabili ang mga
sumusunod na produkto kung lalagyan ng letrato ng mga opisyal ng gobyerno na
ampaw ang pamumuno, o nakalbo dahil sa sobrang dunong sa pagmadyik ng budget ng
bayan, o mga kapit-tuko sa pwesto sa kabila ng panawagang bumaba na sila dahil
wala namang alam sa pagpapatakbo ng ahensiya, o mga kongresista na sipsip sa
pangulo dahil sa maya’t mayang bonus, at mga senador na nagdudunung-dungan:
1.
Toilet paper, upang maidampi sila kung saan sila
nararapat.
2.
Diaper, upang maitapal sila doon sa singawan ng
sama ng loob.
3.
Arenola o ihian, upang malunod sila sa katas ng
sama ng loob.
4.
Upuan – sofa, stool, at bangko, upang madanasan
nilang suminghap sa hirap.
5.
Basahan, dahil pareho lang sila nito na sa
kalaunang gamit ay nanlilimahid.
6.
Pingpong racket set, upang mapagpasa-pasahan ang
nararamdamang ngitngit.
7.
Sangkalan o chopping board, upang matadtad sila
kahit papaano.
8.
Dart board, upang mapuntirya nang tuluyan ang
may sala.
9.
Tsinelas at sapatos, upang maikaskas sa lupa ang
kanilang mukha (mas okey kung may alipunga ang magsusuot!)
10. Sapin
o cover ng kabayo sa plantsa, upang maipadama sa kanila ang init ng impyerno.
11. Kainan
ng aso, swak sila ni Bantay, kasi mahilig din lang silang humimod ng amo.
12. Punasan
ng paa para sa pinto o door mat, karapat-dapat lang…no questions asked.
13. Gomang
proteksiyon na apakan sa banyo, upang malunod sila sa tubig na may libag.
14. Malalaking
kandila, upang matuwa ang tao sa unti-unti nilang pagka-agnas.
15. Mga
balat na gwantes o gloves ng baseball o softball, pati na bat o pamalo,
dahil…yon na nga – dapat lang silang ihagis at paluin!
16. Mag
wheels ng kotse, upang masagasaan man lang nang paulit-ulit.
17. Brief
at panty, upang mailagay sila sa dapat kalagyan – mga sipsip!
18. Basketball
ball at volleyball ball, upang pagsawaan silang mai-untog sa sahig na semento
at mapalo ng nagngangalit na kamao.
19. Palanggana,
upang malunod sa malibag na pinaglabhang tubig.
20. Lagayan
ng basura o basurahan….kung saan sila angkop na angkop dahil sa baho nila!
PAHABOL: HINDI KO NILALAHAT ANG MGA
SENADOR AT KONGRESISTA, PATI NA MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN, DAHIL MAYROON PA RIN
NAMANG MATITINO…YON NGA LANG, MANGILAN-NGILAN LANG.
Discussion