0

Ang Mga Bagay-bagay tungkol sa Mamasapano Masaker

Posted on Tuesday, 3 February 2015



Ang Mga Bagay-bagay
Tungkol sa Mamasapano Masaker
Ni Apolinario Villalobos

Ang mga malinaw:

  1. Matagal na pala ang teroristang bomb maker sa “teritoryo” ng MILF at ang kasama nito kaya siguradong alam ng MILF.
  2. Apatnapu’t-apat ang minasaker at marami pang SAF members ang nasugatan.
  3. Maraming sibilyan ang nadamay.
  4. Nasa “teritoryo” ng MILF ang BIFF kaya lumalabas na para itong kinakanlong, at ang dahilan ay magkakamag-anak daw ang mga miyembro ng MILF at BIFF.
  5. Bago pa masuspinde si Purisima ay alam na nito ang mga detalya tungkol sa kinaroroonan ng mga terorista subalit hindi naibahagi sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.
  6. Hindi napagsabihan si Mar Roxas bilang kalihim ng DILG.
  7. Hindi napagsabihan ang mismong OIC ng PNP.
  8. Hindi nakipag-coordinate ang SAF sa MILF sa ginawa nilang operation.
  9. Maglulunsad pa ng mga pag-atake ang BIFF na nagsabing hindi sila sasali sa imbestigasyon.

Ang mga katanungan:

  1. Bakit hindi hinuli ng MILF at isinurender sa pamahalaan ang mga terorista?
  2. Bakit hindi pinapaalis ng MILF ang BIFF na itinuturing ding teroristang grupo, sa “teritoryo nila kahit magkakamag-anak pa ang mga miyembro nila? May ginagawa na bang plano, bilang paghahanda kung napirmahan na ang Bangsamoro Basic Law?
  3. Paanong naputol ang koordinasyon na “dapat” sana ay ginawa ng nasibak na hepe ng SAF bago sila nag-operate, kaya tuloy walang alam ang hukbong sandatahan, ang OIC ng PNP at ang kalihim ng DILG?
  4. Sino o sinu-sino ang “pumutol” ng koordinasyon?
  5. May maganda bang pinangako ang mga “pumutol” sa namumuno ng SAF, kaya ganoon na lang ang sobra-sobrang self-confidence ng nasibak na hepe ng SAF sa interview na ginawa makalipas ang maraming araw pagkatapos ng masaker? Bakit ganoon ka-delay ang interview? Pinag-usapan ba muna ang mga ibibigay na sagot upang may mapagtakpan?
  6. Anong ibig sabihin ng ininterbyung taga-sandatahang hukbo ng Pilipinas na parang may kulang sa sinasabi ng “ibang grupo”?...na parang may itinatago?
  7. Bakit hindi lumulutang si Purisima upang makatulong sa pagpalinaw ng mga isyu dahil malakas ang ingay sa pagbanggit ng pangalan niya?


Ang mga kawawa:

  1. Ang mga pamilya ng mga apatnapu-t apat na miyembro ng SAF at mga nasugatan…ang mga asawang buntis, ang mga batang paslit, ang mga sanggol, etc – lahat sumisigaw sa paghingi ng hustisya.
  2. Ang mga nadamay na sibilyan sa pinangyarihan ng masaker.


Ang mga nagmukhang tanga:

  1. Si Mar Roxas na kalihim ng DILG.
  2. Ang mga taga-hukbong sandatahan ng Pilipinas dahil sinisisi na.
  3. Ang OIC ng PNP.

Ang pinagmumukhang tanga ay ang taong bayan….at ang masaya ay MNLF!

Discussion

Leave a response