Wala Nang Epek ang Pagbatikos sa mga Tiwaling Opisyal
Posted on Wednesday, 11 February 2015
Wala Nang Epek ang
Pagbatikos
Sa mga Tiwaling
Opisyal
Ni Apolinario Villalobos
Sa pansarili kong pananaw, wala nang epek ang pagbatikos ng
mga Pilipino sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga itinalaga ni
Pnoy sa mga puwesto. Mabilis ang pag-usad ng panahon at tulad ng dati, ay
magugulat na lang tayo dahil 2016 na, mag-eeleksiyon na…bababa na si Pnoy
kasama ang kanyang mga “bagahe”.
Ano ang nangyari sa mga anomalya tungkol sa mga hindi
maipaliwanag na pagkawala ng limpak-limpak na mga donasyon na dapat sana ay
pang-rehabilitate ng Tacloban at iba pang nasalanta ng bagyong Yolanda, at
isama pa rito ang mga ninakaw sa isang bodega sa Cebu? WALA! Ni walang narinig
kung may nasuspinde man lamang. Ni walang narinig na magandang paliwanag mula
kay Soliman.
Nadagdagan ang mga bulilyaso ni Soliman sa paghakot niya ng
mga taong kalye sa isang mamahaling resort sa BAtanagas upang makaiwas sa mga
paningin ni papa Francis nang dumating ito sa Pilipinas. Sa paliwanag na sinabi
niya, inakala niyang ang mga Pilipino ay napakabobo na upang paniwalaan siya!
Marami ang nagtatanong tuloy kung magkano ang kinitang komisyon mula sa
“proyektong” ito.
Ang Maguindanao massacre case ay usad- pagong. Tulad ng
dati, inaasahan na namang may mga palusot na paliwanag si Pnoy bago siya bumaba
sa puwesto. Baka pumalakpak pa siya dahil nawalan siya ng malaking sagutin. Ni
hindi man lang siya naringgan ng kapirasong salita na magpapakita ng pag-alala
dahil sa kakuparan ng kaso. Nadagdagan pa ito ng massacre pa rin sa Mamasapano,
Maguindanao kung saan ay pinatay ang 44 na pulis at may nadamay na mga sibilyan.
Inaasahan na ang matinding pagtatakip upang hindi masisisi ang sinasabing may
pakana at ugat ng lahat ng pangyayari na si Purisima na noon pa dapat
nag-resign bilang hepe ng PNP.
Ang isang bagay na napansin sa administrasyon ni Pnoy ay
kawalan nito ng “sense of urgency”, ganoong maaari naman siyang makialam upang
mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. Dahil sa kanyang gawi, ang mga ahensiyang
may kinalaman ay pumitik-pitik na rin sa pagkilos. Kaya ang mga proyekto, puro
bitin, at nabulgar pa na ang iba dahil sa kakuparan ay nakansela ang nakalaang
budget at naging “savings” upang magamit ni Pnoy para sa DAP niya.
Kung ano man ang kahihinatnan ng 2016 election ay talagang
nakakabahala. Yong isang taong interesadong maging presidente, nakakarating pa
sa Mindanao sa pangangampanya. Ang iba namang may intension ay may kalabnawan
ang mga pagkatao, dahil sila mismo ay may mga dapat ding sagutin dahil sangkot
din sa mga anomalya.
Ang maaaring gawin ng mga Pilipino sa ngayon ay magmatyag at
mag-ingay na lang kung kinakailangan upang makatulong sa pamamahagi ng
katotohanan…may kahirapan mang gawin, maski papaano ay may nagagawa.
Tanggalin natin sa isip ang pagkakaiba ng mga Pilipino sa
relihiyon dahil iisa ang mukha ng korapsyon, ang gumawa ay Kristiyano man o
Muslim. Hindi rin dapat isipin ang rehiyonalismo upang maiwasang magbanggit
kung saang probinsiya siya galing. Basta ang punahin ay ang taong nagkamali at
ang kanyang pagkakamali, at iwasan na lang ang mga personal na isyu. Isipin na
lang natin ang kapakanan ng mga Pilipino sa pangkalahatan.
Discussion