Paulit-ulit na mga tanong ng mga senador...nakakainis na!
Posted on Thursday, 12 February 2015
PAULIT-ULIT NA MGA
TANONG NG MGA SENADOR
…NAKAKAINIS NA!
Ni Apolinario Villalobos
Kahit kaylan, talagang ang mga senador maliban kay Miriam ay
nagpapatalbugan sa Mamasapano massacre hearing dahil ang mga tanong na nasagot
na ng mga resource persons ay tinatanong pa rin ng mga sumusunod na senador o
senadora. Lumalabas na ang mga senador ay hindi nakikinig habang ongoing ang
hearing, dahil hindi nila alam na nasagot na pala ang mga tanong nila at
na-record na. Malamang na kung basahin ang na-transcribe na mga tanong at
sagot, hindi lang doble ang naitala kundi baka triple pa!
Kung ang konklusyon ng Senate hearing ay ibabatay sa naipong
mga sagot ng mga resource persons, dapat ay marami na ang mga naipon
nila…MALIBAN LAMANG SA IMPORMASYONG MAGTUTURO KUNG SINO O SINU-SINO ANG DAPAT
SISIHIN DAHIL PALAGING LIHIS ANG MGA TANONG NA NAPUPUNTA SA MGA ISYU NA HINDI
NAMAN SAKLAW NG OBJECTIVE NG HEARING!...SA BANDANG HULI, HINDI NA NAMAN
MAIBABAGSAK ANG SISI SA TALAGANG DAPAT SISIHIN.
MABUTI PA SI MIRIAM, NAGBANGGIT NG APAT NA DAPAT SISIHIN –
KASAMA SI PURISIMA AT SI AQUINO. ANG MGA KASAMA NIYANG SENADOR AYAW ITUON SA
DALAWA ANG TAKBO NG MGA KATANUNGAN.
SINAYANG NA NAMAN ANG ORAS NG MGA SENADOR, PERA NG TAONG
BAYAN, AT PAGOD NG MGA RESOURCE PERSONS. ANG SISING-SISI AY MGA REPORTERS NA
DISMAYADO…ULI!
Discussion