Mamasapano
Posted on Monday, 16 February 2015
Mamasapano
Ni Apolinario Villalobos
Palanas na nadilig ng dugo ng kabayanihan
Dugong umagos mula sa mga ugat ng apatnapu’t apat na SAF
Mga piling-piling pulis na walang dudang matatapang,
makabayan
Sa sinumpaang adhikai’y hindi umurong, at animo bakal ang
katapatan.
Sa liblib na Tokanalipao ng nasabing bayan
Mga teroristang sina Usman at Marwan, sa kadilima’y
tinunton-
Kadilimang pinatindi ng mga paing bomba na ibinaon sa
kapaligiran
Subali’t hindi inalintana ng apatnapu’t apat, may tatak ng
kabayanihan.
Mga mapalad na nabuhay, puso’y nagngitngit
Bakit wala man lang umalalay sa kanilang nasukol,
naghihingalo
May mga armas nga sila, subali’t ibang granada’y hindi
nagsisabugan
Kaya pagkadismaya’y nadagdag sa nagngangalit na kanilang
naramdaman!
Amerika’y itinuturong
may pakana nitong lahat
Maraming pangyayari ang magpapatunay daw, lahat ito’y totoo
May pinalipad pa daw na “drone” kung saan nagkaroon ng
bakbakan
Subali’t sa kabila ng mga nangyari ay walang tulong na
kanilang inasahan!
Ang presidente ng Pilipinas na tawag nila ay Pnoy
Nasa Zamboanga, umaming umaga pa lang, lahat ay alam na niya
Mga heneral niya, nakapaligid sa kanya, pati si Roxas,
kalihim ng DILG -
Ni isa ay hindi nagkibuan kung sino sa kanila ang sa
presidente ay nagsabi!
Akala ni Pnoy, tropeo na ang matatanggap niya
Akala, dahil Amerika ang sa lahat ay nagpakana, sa SAF ay
nagtulak
Natigalgal siya dahil napatay man si Marwan, kung napatay
man talaga
Ngitngit ng bayan ang naging kapalit, na kahit ano ay di
kayang magpahupa!
Malaking batik sa kasaysayan ang Mamasapano
Kahihiyan ng isang presidenteng nagmamagaling, kung tawagi’y
Pnoy
Dinamay niya ang “dangal” sa pangalang nakadikit sa kanyang
pagkatao
Bangunot sa kanya na hindi magpapatahimik kaya tuluy-tuloy
ang pagtatago!
Dahil sa Mamasapano, nagkaroon ng katanungan-
Nararapat bang sa MILF ay magbigay ng tiwala sa itatatag na
Bangsamoro?
Sila na ba ang kahuli-hulihang grupo na dapat kausapin ng
ating pamahalaan –
Upang sa Mindanao ay magkaroon ng inaasam… habang-buhay na
kapayapaan?
(The 44 commandos of Special Action Force (SAF) of the
Philippine National Police (PNP) were massacred at Tokanalipao, Mamasapano in
Maguindanao, on the island of Mindanao, on 28 January, 2015 when they tried to
serve the warrant of arrest to two international terrorists, Marwan and Usman
who were entrenched in the Moro Islamic Liberation Front (MILF) territory.
Purportedly, the USA has a hand in the operation which also points to the
president of the Philippines, Noynoy Aquino and suspended PNP Chief Allan
Purisima as the ones directly responsible for everything. This has yet, to be
proven with the so many investigations going on which many Filipinos believe,
will lead to nowhere, as usual.
Meanwhile, Filipinos are now doubtful if MILF can be trusted
with the authority to be given them for the creation of a self-governing
region, the Bangsamoro, as the group’s leadership is now viewed with
incompetence and having a continued cordial relationship with their supposedly
breakaway group, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Prior to the
creation of the Bangsamoro, the Bangsamoro Basic Law (BBL) will have yet, to be
passed by the Philippine Congress and Senate….and, that is now the primary
concern, if the lawmaker will pass it, in view of the massacre of the 44 SAF
commandos at Mamasapano.)
Discussion