0

Ang "Authority without Responsibility" o "Responsibility without Authority"

Posted on Friday, 13 February 2015



Ang “Authority without Responsibility”
O “Responsibility without Authority”
Ni Apolinario Villalobos

Sa Senate hearing kung saan ay sinupalpal at binoldyak ni senadora Miriam si Purisima, parang may nabanggit siyang ibinigay niya kay Napeas na “authority without responsibility” o “responsibility without authority”, hindi ko lang sigurado kung alin sa dalawa, pero ang mga ito ay parehong mali kung ang pinag-uusapan ay maayos na relasyong propesyonal ng isang nakakataas sa isang nakakababa sa puwesto.

Paanong ang isang tao ay makakapagpatupad ng kanyang responsibilidad kung wala siyang poder o kapangyarihan? …eh, di pagtatawanan lamang siya ng mga uutusan niya! O, di kaya ay aanhin ng isang tao ang isang poder o kapangyarihan kung wala naman siyang ipapatupad na responsibilidad?…eh di nasayang lang ang nasabing kapangyarihan, dahil tutunganga na lamang siya! Sa dalawang nabanggit, ang dapat na ginamit ni Purisima ay “with” sa halip na “without” upang pagbali-baligtarin man ay parehong tama, upang tuloy ang paghuhugas niya ng kamay mula sa mga sagutin dahil sa mga bulilyaso na nagresulta sa pagmasaker ng 44 na SAF commandos.

Palagay ko ay na-rattle siya dahil halos hindi makasingit na rumerepekadang sinasabi ni senadora Miriam. Hindi na nahiyang magbanggit si Purisima ng mga prinsipyo o alituntunin o batas, ganoong ang kaharap niya ay international ang kalibre ng pagka-abogada…graduate pa ng UP…iskolar ng bayan! Sa nangyari, hindi lang siya nagmukhang talunan, kundi kawawa – mistulang basang sisiw sa ilalim ng ulan ng mga pangungutya, dahil trying hard ang dating niya sa harap ng isang intelehenting mambabatas.

Pero kung pangangatawan niya ang sinabi niya, alin man sa dalawang nabanggit sa titulo, ay lalabas na talagang kinawawa niya si Napeas dahil pinagmukha niyang tanga, kaya ngayon ay napasama sa dinidekdek sa mga mga imbestigasyon. Pagsabihan ba naman niyang huwag makipag-coordinate sa mga dapat kausapin dahil siya na ang bahala! Sa pinakita niyang lakas ng loob sa pakikialam, animo ay hindi siya suspendido bilang hepe ng PNP! Kanino siya kumukuha ng lakas ng loob upang magawa ang mga dapat ay hindi niya ginagawa sa ngalan ng delikadesa?

Ang mga nagoyo namang nagmamatigas sa pagsinungaling at pagtatakip, may mga pinangako kaya sa kanilang trabaho maski mawalan sila ng benepisyo kung matanggal sa pwesto? Sabagay, maganda ang lupain sa Nueva Ecija, at malawak ang tubuhan sa Tarlac.



Discussion

Leave a response